Chapter 7

1.3K 44 6
                                    

HINDI maalis ang tingin ni Pollo kay Jackie Jane nasa malayo ang tingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI maalis ang tingin ni Pollo kay Jackie Jane nasa malayo ang tingin. Pinaalam nila ang dalaga na lumabas sa kakahuyan para sana sa surprise birthday kay Grayson.

Ngunit hindi ito natuloy dahil ang binata ay nakaramdam agad sa plano.

Naka-busangot nakatingin si Accalia kay Grayson habang nakikipagbiruan ang binata sa mga lalaking kaibigan nila.

Tuwang-tuwa si Grayson nahulaan niya na may gagawin plano ang kaniyang mga kaibigan para sa kaniya.

Nasa kakahuyan sila at balak nilang batuhin si Grayson ng mga malalambot na bola at isubsob ang mukha ng binata sa ginawang cake nina Accalia, Jackie Jane at Chepi. Ngunit, naudlot lahat ng iyon dahil sa walang hiyang Grayson.

"Hindi niyo talaga ako maiisahan," proud na saad ni Grayson. "Gago, masyado kang mayabang!" singhal ni Conri.

Mas lalo naman tumawa si Grayson pagkatapos ay kinuha ang malambot na bola at hinagis kay Conri. Namula naman sa inis si Conri at hinagisan din si Grayson.

"Parang sira sina kuya," ani Chepi kay Red. Lumingon ang lalaki sa batang fairy.

Maagang nag matured si Chepi dahil napapalibutan ito ng matatanda at madalang lang makipagkaibigan sa mga kaedaran nito.

Binalik ni Red ang tingin sa dalawang kuya niya na sina Conri at Grayson. Napailing na lang ang nag bi-binatang lalaki.

Hindi na sana papansinin ni Red ang mga ito nang dumako ang paningin niya sa kapatid na si Pollo.

Katabi ni Pollo si Accalia. Mas lalong napa-iling si Red sa nasaksihan. Mga sira talaga.

NAPAHAWAK si Jackie Jane sa dibdib niya dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa kaniyang gilid si Pollo. Pauwi na kasi dapat siya sa greenhouse.

"May kailangan ka?" tanong niya. Ang alam kasi ng dalaga ay sa pack house ang diretso ng mga ito.

"Yeah. Pinapakuha sa 'kin 'yong ice cream sa ref niyo. Balak nila manood ng movie."

Tumango si Jackie Jane pagkatapos ay tinuro ang refrigerator sa main house. "Kunin mo na lang di 'yan. Pasabi na hindi na muna ako makakasama."

Aalis na sana si Jackie Jane nang pigilan siya nito. Bumaba ang tingin ng dalaga sa nakahawak na kamay ni Pollo sa kaniyang pulsuhan.

Mabilis niya ito inalis at inangat ng tingin si Pollo. Medyo nagulat pa si Jackie Jane dahil nakatingin na ang binata sa kaniya.

IngkuboWhere stories live. Discover now