Chapter 14

1K 47 8
                                    

UMATRAS si Jackie Jane pagkatapos ay tumakbo palayo sa kanilang lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

UMATRAS si Jackie Jane pagkatapos ay tumakbo palayo sa kanilang lahat. Hinihingal siya nang makatapat sa elevator. Pumasok siya rito at agad pinindot ang twenty-fifth floor.

Hinintay niya magsara ang pinto nang may pumigil dito. Napatili siya sa gulat. Hanggang ngayon ay kumikinang pa rin ang kulay lila nitong mata.

Dahan-dahan siyang napasandal sa malamig na metal sa kaniyang likuran. Pumasok ang elf sa loob ng elevator. Agad din sumara ang pinto sa likuran nito.

"Who are you?" he asked.

Hindi magawang makapagsalita ni Jackie Jane. Naguguluhan siya. Alam niyang silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Dapat natatakot siya dahil hindi niya ito kilala kahit kauri niya ito ngunit kabaliktaran ang kaniyang nararamdaman na sobrang kinalito ng dalaga.

Umayos ng tayo ang elf. "I'm sorry if I scared you," mahinahon na saad nito. Tumango siya pero mas lalo siya sumiksik sa dulo.

Ngumiti ang elf. "My name is Ailwi and you are?"

Nahihiya na tinitigan niya ito. "Jackie Jane," saad niya. Kumikinang pa rin ang kulay lilang mata ni Ailwi sa kaniyang harapan. Mas lalo pa kuminang ito nang sabihin niya ang kaniyang pangalan.

"You have a beautiful name." Pinamulahan si Jackie Jane sa hiya. She heard him chuckled then smiled at her.

Ailwi was a gorgeous man. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Halatang nag wo-work out ang binata. Hindi ito nakasuot ng katulad sa mga nakikita niya sa ibang nilalang sa labas.

May light ash blonde itong buhok. Matutulis ang tainga. May nunal sa ilong pero wala itong marka sa mukha dahil mga faery lang ang mayro'n nito.

"You must be shock," saad pa nito. Hindi siya sumagot bagkus tinitigan niya lang ito. "Kahit ako rin."

Kumunot ang noo niya. "B-bakit?"

Lumapit si Ailwi sa kaniya. Hindi naman na siya umatras palayo rito but she still remained standing where she was suited.

"What do you think the color of my eyes?"

"Bright violet," agad na sagot ni Jackie Jane. "You too, you have bright violet," saad ni Ailwi. Naguluhan siya. Umiling.

"Kulay green mata ko," saad niya. Namana niya sa mother side ng mom niya ang kulay na iyon. Ngumiti si Ailwi. "Color brown naman 'yong normal 'kong mata. Kung hindi i-ba-based kapag nagpapalit."

Mas lalo siya naguluhan. Paano nangyari na kulay violet ang matang nakikita niya rito kung brown ang sinasabi nito?

Katulad niya ay sumandal din si Ailwi sa malamig na metal pagkatapos ay nakatingin sa numero na kulay pula na tumataas. Hindi inalis ni Jackie Jane ang tingin dito.

"I think, you're my mate, Jackie Jane," ani Ailwi sabay lingon sa kaniya. Nagulat ang dalaga sa kaniyang narinig. Sa gulat niya ay bigla siya nasinok. Natawa ito. Pinamulaan ang pisngi niya. Umiwas siya ng tingin dito.

IngkuboWhere stories live. Discover now