Chapter 3

34 2 7
                                    

Dear My Youth
Jac Fernandez

Kung may isang tao man sa buhay ko na kaya kong sabihan ng lahat-lahat, s'ya iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung may isang tao man sa buhay ko na kaya kong sabihan ng lahat-lahat, s'ya iyon.

Sa isang lokal na resto bar sa gabi at coffee shop sa umaga kami nagkita, kaunti lang kasi ang tao rito kapag pumatak na ang alas-diyes ng gabi at umuuwi na ang mga tao sa sari-sarili nilang tahanan, ang madalas na natitira ay may kabataan pa ang edad at mukhang hindi lalagpas sa edad na tatlumpu.

Dilaw ang ilaw na nagbibigay buhay sa paligid, moderno ang itsura ng lugar at gawa sa kahoy ang halos lahat ng muwebles nito. Ang nagbibigay ingay ay ang isang indie band na hindi ko naman kilala na kanina pa kumakanta habang naghihintay ako.

Nakapalumbaba lang ako dahil ang usapan namin ay alas-nuebe, pero isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin s'ya nakakarating; madalang talaga s'yang naging sakto sa oras, parang malaking kasalanan na kapag tumupad s'ya sa oras na itinakda. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa direksyon kung saan s'ya manggagaling. Kahit naman kasi mag-text ako sa kan'ya, ang sasabihin no'n ay on the way na s'ya at alam ko namang kasinungalingan iyon.

Inalis ko ang kamay ko mula sa baba 'ko nang may mahagilap akong lalaki na puti ang buhok, bahagya akong napatawa bago itaas ang kamay para makita n'ya ako. Agad naman nahuli ng mga mata n'ya kung nasaan ako kaya mabilis s'yang nakarating sa lamesa na pinupwestuhan ko at naupo katapat ko.

"Alam mo, hindi ako magugulat kung isang araw kalbo ka na," asar ko rito.

Umirap naman s'ya dala ng bungad ko. "Inggit ka lang, e," bato n'ya.

Sinundan ko ang pag-ikot ng mga mata n'ya, kahit kailan, hindi ko nakahiligan ang pagkukulay ng buhok katulad ni Jorge. Lahat ata ng kulay ng buhok, nasubukan na n'ya. At least, ang kulay lang ng buhok n'ya ang unstable at hindi s'ya.

Sa mga lumipas na taon si Jorge lang ang napanatili ko sa barkada. Sa kanilang apat kasi, s'ya talaga ang pinakamalapit sa'kin kahit mahilig s'yang mang-alaska, pero s'ya ang pinakagusto ko dahil s'ya ang nakakaintindi sa'kin. At kapag s'ya, hindi ako nahihiya; kapag s'ya, kaya kong maging ako.

Maraming nag-aakala na may relasyon kami ni Jorge na higit pa sa pagiging magkaibigan, kaya natatawa ako dahil napaka-platonic ng relasyon namin sa isa't isa. Hindi kami p'wede na magkaroon ng romantic relationship dahil hindi ko kayang habulin ang skincare routine n'ya na worth thousands of pesos. A lot of people think that he is gay, and at some point, I thought so too. Sadyang metrosexual lang talaga s'ya at dahil nasa society pa rin kami kung saan hindi lahat ay open minded, madalas s'yang mahusgahan.

Kahit ano naman ang gender orientation o sexual preference n'ya, s'ya pa rin si Jorge na ayaw na ayaw namamali ang bigkas ng pangalan n'ya. He is the best friend I am happy to have, nararamdaman ko na soulmate ko s'ya ngunit bilang kaibigan.

At kagaya nilang apat, maganda rin ang naging career n'ya bilang Mass Communication graduate. Isa s'yang radio DJ sa kilalang istasyon sa bansa, on the side, may mga hosting gigs s'ya. Sobrang saya ko para sa kan'ya lalo na't deserve n'ya lahat, oo mayroon s'yang swerte, pero mas matindi ang sipag n'ya.

Dear My YouthWhere stories live. Discover now