Chapter 12

15 0 1
                                    

Dear My Youth

Jac Fernandez

Wala ng nag-sayang ng oras sa'min at agad-agad kaming tumakbo papaalis ng clinic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala ng nag-sayang ng oras sa'min at agad-agad kaming tumakbo papaalis ng clinic. Kahit pa tinatawag kami ng school nurse dahil paniguradong nagtataka 'to sa pagkaripas namin ay hindi na namin 'to pinansin. Dumiretso na kaming lahat sa school building, partikular ay sa ikalawang palapag kung nasaan ang faculty room.

Habang tumatakbo kami ay hindi ko mapigilan mapangiti. Sobra naman kasi ang suporta nilang apat sa'kin para sumunod pa rito at ihabol ang application form ko. Pasuko na nga 'ko, pero sila hindi pa.

Kapos na hininga ang pare-pareho naming kinahinatnan nang makarating kami sa harapan at nakasarang pinto ng faculty room. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba lalo na ng iabot na sa'kin ni Sienna ang application form ko. Gamit ang mga mata n'ya ay sinabi nitong pumasok na 'ko sa loob.

"'Wag kang mag-alala, sasamahan ka namin," aniya atsaka ngumiti.

Huminga ako nang malalim at lumunok para mabawasan ang nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Bago ko buksan ang pinto ay kumatok muna 'ko bilang paggalang. Nang pihitin ko ang seradura at tuluyan nang pumasok sa loob ay sinalubong muli ako ng malamig na hangin, na may kasama na ring titig ng mga guro. Ang iba sa kanila ay nagkukwentuhan, ang iba naman ay mukhang paalis na. Pare-pareho kaming bumati ng magandang hapon sa kanila, pero hindi kami sabay-sabay.

Sa dulo ng faculty room ay mabilis kong nakita si Mr. Rodriguez na nakatayo at may kausap na babaeng estudyante. May pagka-mestiza ito habang ang buhok naman n'ya ay hanggang leeg lang, ito na siguro si Melanie Salvacion na nalimutan kong hanapin kanina.

Lumapit na kami rito at kahit nakakumpol na kami sa harapan ng table ni Mr. Rodriguez ay hindi pa rin nito pinapansin ang presensya ko at patuloy lang na kinakausap si Melanie.

"Excuse me, sir?" pagputol ko sa usapan nilang dalawa para makuha man lang kahit ang tingin n'ya.

Matalas na mga mata ang binigay n'ya sa'kin na kahit nakasuot s'ya ng salamin ay kitang kita ko pa rin.

"Ihahabol ko lang po sana 'tong application form ko," nautal ko pang sabi. Gusto kong mapangiwi dahil halata ang kaba ko.

Hinubad nito ang salamin na suot-suot n'ya atsaka bumuntong hininga. "Sorry, miss, pero cut-off na. Ang sabi ko naman sa'yo kahapon 'di ba? 3:45 PM sharp. Ganoon kami kahigpit sa oras dahil ganoon din kami kahigpit sa deadlines.

Maybe you can try again next school year."

Napatigil ako, ngunit hindi nag-atubiling magsalita.

"Pero, sir, last year ko na po 'to dahil graduating na 'ko," hindi ko mapigilang magdahilan.

"Iyon ang patakaran namin sa publication kahit noon pa, kung hindi ka nakaabot, sorry pero hindi namin iyon kasalanan."

"Mr. Rodriguez, hindi po ba kayo p'wedeng magbigay ng konsiderasyon?" tanong ni Sienna.

Dear My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon