PART 2

1.8K 47 3
                                    

"Bote"

Simula nang masilayan ko ng malapitan ang gwapong mukha ni Thirdy, hindi na siya mawala sa isip ko.  Naging instant crush ko siya bigla. Redundant ka na teh. Pero di ko ring mapigilan mahiya sa tuwing naaalala ko yung muta. Kaya simula noon, lagi na aking nagpopolbo at nanalamin para siguraduhing wala akong muta.

Kasalukuyan akong nasa sala nag-babantay sa tindahan at baka bumalik si Thirdy. May sampung pisong utang pa yun. Mukhang di pa siya bumabalik para magbayad. Isipin mo yun, ang pinakamayaman sa barangay namin may utang sa amin. Awow hah.

"Vic anak, may iuutos ako sa 'yo." tawag sa akin ni nanay.

Gusto ko sanang sabihan si mudra  na Victory na ang itawag sa akin at wag yung Vic. Ayoko ng Vic lakas kasi maka-angkol.

Paano Victorino ang totoo kong pangalan. At JUNIOR pa. Kapangalan ko tuloy si Tatay na mahilig manood ng noon time show ni Bosing. Idol niya daw ito kasi kapangalan niya si Bosing Vic. Mema connect lang si pudra din.

Nakita ko si Nanay na papalapit. Nagbabasa din ako ng Precious Hearts Romance na pocket book. Yun kasi ang usong libangan dati. Hiraman at palitan ng novel. Naabutan ko pa ngang may napaparenta ng pocket book. Palibhasa di pa kasi uso ang cellphone noon. Pag naka-3210 o 3310, sikat ka na sa barangay namin. Parang isang luxury ang magkaselpon noon lalo sa lugar naming liblib.

"Ano po 'yun?" ang maikli kong sagot habang patuloy na nagbabasa. Nasa sex scene na ako at ayokong mabitin.

Pwede bang mamaya mo nalang ako utusan nay?

"Kunin mo ang bote ng Red Horse kina Segundo, dalawang case 'yun. At ako ay pupunta ng bayan para mamili." Segundo ang palayaw ng tatay ni Thirdy dahil Felestino II ito.

Nang marinig ko yun. Bigla akong kinabahan. Pinapapunta ako sa bahay nila Thirdy para sa basyo ng bote.

Sa true lang nangangamba ako na excited. Kahit gusto kong makita si Thirdy pero ayokong pumuntang mag-isa sa kanila.  Sa bahay nila,  na mga aswang? Seryoso  ba si Nanay? Dagdag pang nasa sex scene na ako sa binabasa ko't ayaw na ayaw kung  mabitin.

"Eh nay, mabigat kaya 'yun, hindi ko kayang dalhin 'yung dalawang kahon," reklamong kong sagot.

"Di, paisa-isa mong kunin... dalian mo na at maliligo na ako." Hindi na ako nakasagot dahil dumerecho na siya sa kusina kung saan nandun ang banyo namin.

Inis akong bumangon. Mukhang wala na akong magagawa nito.

Pag bigla akong nawala at di na naka-uwi, kayo ang mananagot!

Kahit may takot at pag-aalinlangan, napilitan akong  maglalakad papunta sa bahay nila. Di ko rin maitago ang pananabik na baka makita kong muli si crush. Nasa bahay nila kaya ito? Sana.

Nakarating na ako. Ito ang unang beses kong makapunta dito sa malapitan. Natatanaw ko lang ito dati nung maliit pa ako dahil sumasama akong maghanap ng gagamba sa mga kalaro ko. At minsan napapadpad kami malapit sa bahay ng mga Claro.

Kung tutuusin, malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Walang kalahating kilometro ang layo nito kaya lang papasok ito mula sa main road.  Walang ibang kabahayan. Puro bakanteng lote lang ang nakapaligid. Sa bagay, sa lawak ng kanilang lupain walang talaga silang magiging kapitbahay.

Nilibot ko ang tingin sa lugar. Maganda ang kanilang bahay. Malaki. Gawa ito sa bato at may pinturang puti. Bagama't makaluma ang desinyo, hindi maitatago ang karangyaan.  Sa unang tingin, hindi naman nakakatakot- mukhang hindi nga bahay ng aswang. Napaka-sopistikado ngang tingnan. Halatang alaga ang front yard kasi may mga tanim na bulaklak na napapaligiran ng bermuda grass.

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now