"Snow bear"
Sa pangatlong pagkakataon, nakaangkas muli ako sa motor ni Thirdy. Tahimik naming binabaybay ang madilim na kalsada. Kanina pa ito walang kibo. Hindi ko alam ang tinatakbo ng kanyang utak.
Kampante lang akong nakayakap sa kanyang bewang. Animoy nasanay na ako sa kanyang natural na amoy na nakaka-adik.
Mabagal niyang pinapatakbo ang kanyang motor. Walang pagmamadali tila ninamnam ang mapayapang gabi.
Napatingala ako sa buwan na para bang nakasunod sa amin. Hindi pa man ito kabilugan, tama lang ang liwanag na binibigay.
"Thirdy, salamat pala sa inyo. Dahil nanalo ako," pagbubukas ko ng topic. Ako na ang magsisimula. Baka kasi mapanisan kami ng laway kung hindi kami magkikibuan.
"Deserve mo namang manalo." Napangiti ako.
Pero sa true lang naman. Obvious na Obvious kaya. Parang all the stars aligned ngayong gabi ang peg sa akin kaya nasungkit ko ang korona.
"Ahmm, maganda ba ako kanina? Naseksihan ka ba sa akin?" Buong-tapang kong tanong. Di ko pa rin kasi makalimutan yung mukha niya kanina.
Lumipas ang ilang saglit, wala akong narinig na sagot.
Ay mukhang hindi nga siya nagandahan. Echos lang yung kanina. Di ko mapigilang makaramdam ng lungkot.
"Oo. Ayoko lang sa mga pinagsusuot mo!" Seryoso nitong sagot.
Ayaw niya sa suot ko? Eh nakuha nga ang lahat ng major awards.
"Ay bakit? Ang ganda kaya ng mga gawa ni Ate Andrea. Cute nga, kita pwet ko." Napahagikhik ako nang maalala ang pinaggagawa ko sa pageant.
Infer, nabigyan ko ng justice yung mga outfitan ni ate.
Walang anu-ano'y nauntog ang noo ko sa kanyang matigas na likuran nang bigla itong prumeno.
"Ouch! Bakit ka biglang tumigil?" napasapo ako sa noo ko.
"Nakita mo ba ulit yung malaking itim na aso?" Taka kong tanong habang hinahapuhap ang noo kong bahagyang may kirot. Palibhasa puro muscle ata ang likod nitong singtigas ng bato.
Lumingon siya sa akin. Mula sa liwanag ng buwan, kitang-kita ang singdilim ng gabi nitong mukha.
"Hoy anong problema, ba't ganyan ang mukha mo?" Takang-taka pa rin ako bat bigla nalang itong nagmukhang galit.
"Wag na wag ka nang magsusuot na nagpapakita ng katawan!" may pagbabantang utos nito.
"Luh, bakit? Eh contest naman yung sinalihan ko. Kaya normal lang na magpakita ng balat at maging daring. Hello?" Besides bagay naman sa akin. Di ko mapigilang magtaray dahil litung-lito na ako sa ikinikilos niya.
Di ko siya maintindihan bakit bigla-bigla nalang itong nawawala sa mood gaya ngayon. Sino ba kasi kaaway nito?
Iniharap nito ang kanyang katawan. Habang ang isang paa ay nakatungkod sa lupa. Magkaharap na ang mga mukha namin. Kita ko tila nagtatagis ang kanyang mga pangil, ay ngipin pala. Napasimangot ako.
YOU ARE READING
LAHING ASWANG
Short StoryAnong mangyayari kapag alam mong kakaiba ang minamahal mo? Kakayanin mo bang mahalin siya sa kabila nang pagiging aswang niya? Tunghayan ang kwento ni Victory na umiibig kay Thirdy na isang bantogang aswang. STRAIGHTGUYXTRANS STORY!!! This story i...