PART 12

1K 41 20
                                    

"Sigbin"

"I Like you." 

Tila naging tuod ako dahil sa narinig. Pakiramdam ko lalo akong kinabahan.

Gusto niya ako? Anong klaseng gusto ako, as a friend?

Ilang minuto akong  nanatiling nakatayo na hindi man lang siya nililingon. Kasi sa totoo  lang, hindi ko alam anong sasabihin.

Di ko maiwasang isipin baka trip niya lang lahat ng ito lalo't umamin na ako ako ng nararamdaman sa kanya. Di ko mapigilang  magduda. Baka dahil lasing o nakainom lang ito.

Kahit gustong-gusto kong sumabay sa trip niya ngayong gabi pero natatakot ako. Kaya mas pinili ko nalang muna ang lumayo. Mag-isip. Kumaripas ako ng takbo.

Kinabukasan, nagkagulo sa bahay dahil biglang nagkasakit si baby Mat-mat. May sinat at namumula't may pantal-pantal at itim-itim ang balat. Sa unang tingin, mukha itong rashes. Siguro nanibago lang si baby sa klima at lugar dito sa amin hula ko.

Pero sila ate iba ang naisip at sobrang nag-aalala. Agad dinala ito sa isang albularyo baka raw nabati o nakursunadahan. So, kapag nasa probinsya na maligno agad?

"Ate, dalhin niyo kaya sa health center o clinic si baby muna." Di ko mapigilang mairita dahil sa kanilang paniniwala.

Walang masamang maniwala sa traditional o spiritual healing kung yan ang tawag nila diyan. Pero sa kaso ni baby,  hindi albularyo ang kailangan kundi medical doctor. Parang nilalagay nila lalo sa at risk yung kalusugan ng bata.

Pero sa huli dahil siya ang magulang,  mas pinili nila ang albularyo. Saka nalang daw yung sa doktor.

Si ate Kris talaga.  Nakapunta na ng Manila pero nanatili pa ring funny, funny-walain. Nag-aalala din kasi ako sa bata.

Kaya ako ang naiwang magbantay sa tindahan. Si Nanay kasi namimili ng paninda sa bayan kasama si Ate Anne. Si Ate Daisy naman sumama kina Kuya at Ate Kris. Si Tatay tulog pa dahil sa sobrang kalasingan.

Kasalukuyan akong nakikinig ng music mula sa isang FM radio. Pansamantalang nawala sa isip ko yung nangyari kagabi  dahil sa pag-aalala kay baby Mat-mat.

At ngayong mag-isa. Pumasok sa isip ko bigla ang sinabi ni Thirdy. At hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Papaniwalaan ko ba ang sinabi  nito? Pero may bahagi sa akin ang umasang totoo yun at nagsisisi kung bakit ko siya biglang iniwanan kagabi.

Masisi ba niya ako kung pagdududahan ko siya gayong ang dami kong insecurities? Bilang hindi tunay  na  babae.



Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan kong stool nang pagtingin ko sa labas. Nakita ko ang mukha ni Thirdy.  Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? Hindi ko man lang napansin ang kanyang pagdating.

Nakatitig siya sa akin. Mukhang kulang siya sa tulog dahil kita sa mukha niyang.. malungkot? Pero bakit ang lungkot ng awra niya ngayon?

"Victory..." mababang boses niyang tawag.

Shit. Ba't ang sarap pakinggan ng tinig niya. Iba yung kiliting hatid sa katawan ko sa paraan ng pagbigkas ng pangalan ko. Nakakapang-init. At mukhang nasasanay na rin siyang tawagin akong Victory. At least.

"Yung nang-----"

"Tang ina naman!"

Parehas kaming nagulat sa lakas ng boses na sumapaw. Parang boses ni ate Kris. Galit.

"Bat anak ko pa ang nagpagkursunadahan?"

Dali-dali akong lumabas. Sino ba kaaway nito at galit na galit?

"Ate, anong nangyari?" Buong pagtataka kong tanong.

"Yung mga perwisyo kasi. Pati bata hindi pinapalgpas. Di na naawa't inaswang pa!"

Anong pinagsasabi ni ate Kris? Anong inaswang? Sino?

"Ikaw?" Si ate Kris nakaduro siya kay Thirdy. 

"Kaya ka siguro nagkukunwaring bibili sa amin dahil may naamoy kayo. Naamoy niyo ang anak ako!"

"Ate Kris!" Saway ko sa kanya. Bakit bigla nalang itong  nagagalit kay Thirdy. 

"Sus kunyari pa kayo. Yung anak ko, kinagat kagabi ng sigbin. Kaya nagkasakit!" Ayaw paawat ni ate Kris.

Nakakahiya na ang mga pinagsasabi nito kay Thirdy.  Tahasan niyang pinaparatangan ang lalaki.

"May nakapagsabi sa akin na daan ka ng daan ka dito kahapon. At lagi kang  napapaatingin dito. Bakit, dahil balak niyo nang ipakagat sa sigbin ang anak ko?"

"Please ate, tumigil ka na." Napalakas ang boses ko.

Ako ang hinahanap niya kahapon kaya siya daan ng saan at patingin-tingin. Hindi para mangaswang. Gusto ko sanang ipagtanggol si Thirdy.

Naaawa ako sa hitsura niya. Tahimik lang ito na parang biglang umamong tuta. Kung dati lagi siyang mukhang maangas at mayabang. Ngayon, naging maamo ang mukha nito habang pinapagalitan ni ate.

"Third, umuwi ka  na lang." Ayokong  marinig niya pa ang ibang sasabihin ng kapatid ko.

Agad naman itong tumalima. Lalo akong naawa dahil nakita kong laylay ang kanyang mga balikat. At ang mas lalo itong nalungkot tingnan dahil siguro sa pagkakapahiya. Buti nalang walang ibang tao.

"Ate ano ba ang nangyari?" Di ko mapigilang maiinis dahil sa irasyonal na kilos at mga salita nito kanina.

Nakaupo na siya sa sofa sa sa loob ng bahay namin. Katabi na niya si bayaw habang karga si baby Mat-mat. Mukhang humupa na ang galit nito.

"Sabi ni Apoy Teban, kagat daw ng mga sigbin yung pantal-pantal at itim-itim kay baby.  Dahil inaswang daw."

Wtf. Inaswang si baby? At naniwala naman ito? "Bakit ka naman maniniwala doon kay Apoy Teban."

"At bakit hindi?  Yung mga Claro na malapit lang sa atin ay mga aswang. Kaya walang ibang gumawa nito kay baby kundi sila lang." Puno ng kasiguraduhang sagot nito.

Lalo akong nainis kay Ate dahil basta nalang siyang nagpapaniwala. Kahit wala namang matibay na katunayang kinagat nga si baby ng sigbin. Sigbin in your face.

Sa lugar namin,  may paniniwalang ang mga aswang ay may alagang sigbin. Ayon sa mga sabi sabi, ang sigbin ay isang nilalang na kasing laki ng tuta na kadalasan gumagala kapag gabi. Hindi ito nakikita pero naririnig dahil may taglay itong kakaibang tunog nito. Ito raw ay sumisipsip ng dugo ng mga bata maging ng mga buntis. 

"Ate, ba't naman pinagsabihan mo ng ganung yung tao? Nakakahiya." Nakakafrustrate ang nangyari.

"At bakit ako mahihiya sa kanya Vic? Eh sila nga itong nakakaperwisyo dahil sa kaaswangan nila," sagot nito.

Gusto ko pa sanang sumagot at makipagtalo kaso dumating na sila nanay. Naikwento naman ni ate ang nangyari. Kaya't napagpasyahan nalang nilang wag na muna palabasin o patambayin si baby sa labas habang nandito sila.  Para maiwasan daw sa mainit na mga mata ng kanilang pinaghihinalaan.

Halos padabog akong pumasok sa kwarto dahil sa sobrang banas sa kanila. Nag-aalala ako kay Thirdy. Baka nagtampo o nagalit ito sa akin dahil sa mga pinagsasabi ni Ate Kris. Grrrrr, si ate talaga pahamak.

Kahit inis ako sa lalaki din. Pero ayokong tuluyan itong  magalit sa akin. Di kaya ng puso ko. Naku ate ha, pag naudlot itong lablyp ko. Papaiyakin ko si baby Mat-mat talaga.

Ba't naman kasi sila naniniwala sa ganyan-- sa mga sigbin? Bakit ang bilis nilang mamaratang sa iba kapag may nangyayaring kakaiba o kamalasan. Tila sumakit ang ulo ko sa kaiisip 

Kailangan kong makausap si Thirdy. ###

[ITUTULOY]

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now