PART 4

1.4K 43 5
                                    

"Itlog"

Hindi pa rin ako makapaniwalang, sasama sa akin este sa amin mamaya si Thirdy. Di ko mapigilang kiligin. Ngayon palang parang hindi na ako mapakali. Sana gumabi na agad.

"Bakla, anong outfit mo mamaya?" tanong sa akin ni Mel, ang best friend kong si Melandro na junior din. Ewan parang lahat atang bunsong anak na lalaki na ginawang JR ay matic na nagiging bakla. Share ko lang. 

"For sure maraming dayong boys dun galing ibang barangay,"  dagdag pa nito. In fairness naman sa barangay namin. Kahit remote ito, maraming magaganda dito. Kaya pag may sayawan. Yung mga kadalagahan, laging niyaya ng mga organizers pang hatak sa mga binata as an income generating activity.  Ang kikitain ng sayawan ay mapupunta sa simbahan o pang gastos sa darating na piyesta.

"Siguro magdri-dress nalang ako, yung nabili natin sa ukay.." sagot ko. In fairness din sa pamilya ko, tanggap nila ang pagiging bakla ko. Suportado nila kasi kahit papaano matino at academic achiever ako. Since bata palang, nakakitaan na ako ng signs and symptoms ng pagiging bakla. Bagama't alam kong disappointed si tatay dahil ang nag-iisang busong anak niyang na lalaki at Jr pa  naging bakla.

"Sige, sige hihiramin ko ang make-up ni Ate Andrea para gamitin natin mamaya," nangingiti at excited ring sambit ni Mel.

Ganito kami lagi ni Mel kapag may ganitong okasyon o dumadayo sa ibang barangay para makisayaw sa piyesta, nagbibihis babae kami. Gusto lang namin magpapansin at magpasikat sa mga boys, ganern. Plus, magaling pa kaming sumayaw lalo ang ballroom dance. 

"Ahmm... Mel, di pala ako sasabay sa'yo pagpunta sa plaza mamaya..." nag-aalangan kong sabi.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya. "Eh lagi naman tayong magkasamang pumupunta sa plaza ah."

"Eh kasi...... kasi kasama ko si Thirdy...... mamaya..... aangkas ako sa motor niya..."

"Ano baks??!" Nagulat  niyang tanong dahil hindi rin ata makapaniwala. 

Una, aloof ang lalaki sa amin. Di ko pa kasi naikwentong opisyal na kaming magkaibigan ng lalaki simula kanina.

"Niyaya ko kasi... Ayun pumayag naman at gustong sumama," sagot ko. Wala naman  itong nagawa kundi pumayag. Ramdam ko mula sa kanya ang pag-aalala. Hoy, sasabay lang ako sa kanya hindi ako magpapalapa. Rawr!

Matapos mapagkasunduang sa bahay nalang nila kami mag-aayos at magpapaganda mamaya. Nangingiti akong umuwi. Sobrang excited lang sa sayawan mamaya. Hindi ko rin maiwasang mag-imagine na sumasayaw kami ni Thirdy ng isang sweet dance. Habang nakahilig ang ulo ko sa kanya. At siya nakahawak sa bewang ko. Isipin ko pa ngalang na aangkas ako sa kanya mamaya, parang gusto ko nang maihi sa kilig.

Maliligo ako mamaya ng Bambini cologne para siguradong mabango.

Gabi na. Pagkatapos maligo at kumain, nagpaalam na ako na pupunta sa bahay nila Mel. Suot ang sleeveless black dress na hindi umabot sa tuhod ang ikli. Nagpaikot-ikot pa ako sa salamin para kilatisin ang hitsura. Mukhang bagay naman sa akin.

Bago pa umalis ng bahay, halos maubos ang bagong bili kong pink Bambini sa kapapahid  sa aking katawan at damit. Bambini kasi ang uso noon. Mabango na't mura pa.

Naglalagay na sila Mel ng make-up pagdating ko. Mas pinili kong maglagay ng kaunting eyeshadow at eyeliner, kaunting blush on at lipstick. Ayoko ng  heavy make-up dahil for sure mabubura lang yun mamaya pag pinapawisan. Tsaka hindi pa ako ekspertong  maglagay noon. 

Nakahanda na kami lahat para pumunta sa plaza. Pero kanina ko pa iniisip, paano pala ako masusundo ni Thirdy nito. Gayong nasa bahay ako nila Mel at wala kaming communication sa isa't isa. Ganun kahirap dati, di gaya ngayon na ang bilis na.

Balak ko sanang bumalik nalang sa bahay at doon sa labas nalang tindahan siya hintayin. Palabas na sana ako, nang marinig namin ang bagong dating na motor.

Sumilip sa bintana si Mel pagkakuwa'y narinig ko siya. "Bakla, diyan na ang sundo mo." Napangiti ako.

Mabilis akong lumabas at nakita ko nga si Thirdy. Walang reaksyon ang kanyang mukha. Pero parang may kakaiba sa tingin niya. Nalalaswaan ba ito sa suot kong dress?

Lihim ko naman siyang pinagmasdan. Nakasuot ito ng maong pants, fitted na white shirt at puting rubber shoes. Ang simple lang pero ang gwapo niyang tingnan. Naku, wag lang sanang umulan mamaya dahil baka biglang maging brown yang suot niyang sapatos. 

Nahihiya pa akong lumapit sa kanya pero nagawa ko siyang batiin. "Hi."

"Dumaan ako sa inyo, sabi ng Nanay mo, nandito ka daw," sabi nito.

Napangiti nalang ako na hindi pa rin makapaniwalang sinundo nga niya ako. 

Bumalik ako sa loob ng bahay para magpaalam. "Baks, aalis na kami. Kita nalang tayo sa plaza."

Bago pa ako tuluyang makalabas narinig ko ang hindi ko mawari kong seryoso o biro niyang paalala.

"Ingat ka baks, mamaya kainin ka niya kabilugan pa naman ng buwan."

Oo nga pala bilog na bilog ang buwan kaya may liwanag sa labas kahit gabi na.

"Eh di kakainin ko rin siya.  Magkakainan pa kami." ganting biro ko nalang.

Hindi na talaga ako natatakot dahil nanaig ang kilig ko kay Thirdy. Kahit isa  daw itong aswang. Gwapong aswang. Pero duhh, mga bakla na ngayon ang modern aswang dahil sila ang sumisipsip. Di pa kasi ako nakasipsip eh.  Pero wait lang naman, aswangin ko kaya ito si Thirdy para makasipsip na ako? Weird, pinaghihinalaang aswang aaswangin? Erase. Erase. Erase.

Pagbalik ko sa lalaking naghihintay. Muli kong nasilayan ang kakaiba niyang titig. Pero di ko nalang binigyan pansin.

"Ba't ka naka-dress?" nahimigan ko ang inis sa boses niya.

"Alam mo namang aangkas ka sa motor ko."

"Eh kasi gusto ko kasi maging maganda ngayon sa sayawan."  Problema nito, eh gusto ko lang naman maging maganda ngayong gabi. Hindi porket friend na kami pwede  na niyang sitahin ang outfitan ko.

"Sino ba dun ang gusto mong pagandahan?" Ikaw. Gusto ko sanang isagot pero di nalang ako umimik. 

"Angkas na." Tahimik akong sumampa sa kanyang motor.

Ito ang unang pagkakataon na magkadikit halos ang aming katawan. Nalanghap ko ang kanyang mabangong lingkuran. Hindi ako pamilyar sa panlalaki niyang pabango. Mukhang mamahalin. Sabagay, mayaman naman sila.

Lihim akong nangingiti at kinikilig habang sinisinghot ko siya. Subalit,  lahat ng yun ay biglang naglaho dahil sa sinabi niya.

"Kumapit ka sa akin baka malaglag ka pa. Lumabas pa yang itlog mo.."

Parang binuhusan ako ng tubig sa hiya dahil  sa narinig ko. Anong problema niya sa itlog ko? ###



[ITUTULOY]

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now