Kabanata 17

20.3K 206 5
                                    

Kabanata 17

Plan





Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari kahapon. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na hindi ako nasorpresa sa biglang pagpunta niya dito.

Nung una ay akala ko isa sa mga staff ng kompanyang pinapasukan ko sa pag-momodel ang siyang kakausap sa akin. Ngunit gayon na lamang ang gulat ko nang siya pala ang bubungad sa akin.

Pinilit kong hindi maglabas ng kahit na anong emosyon sa mukha ko. Gusto ko kasing makita kung anong magiging reaksiyon niya pag nagkataon.

Kahit na gustong-gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit, pudpudin ng halik ay hindi ko ginawa, pinigilan ko ang aking sarili na magawa iyon. Dahil hanggang ngayon, ay nandito parin ang sakit na ibinigay niya sa akin.

Ang sakit at katotohanan na kailan ma'y hindi niya ako kayang mahalin. Maraming pumapasok sa aking isipan kahapon, no'ng kaharap ko siya.

Para bang maraming nagbago sa kanya, napansin ko kasi na parang pumayat siya, naging mas malalim ang kaniyang mata, at tila ba pagod na pagod na animo'y sumabak sa pabilisan ng pagtakbo ang itsura niya kahapon.

Masasabi kong kahit gano'n ay hindi maipagkakaila ng napakagwapo pa rin niya na mayroon pa rin siyang epekto sa akin na siya pa rin iyong lalaking hindi ako kayang mahalin.

Mula rito sa kinatatayuan ko, ay tanaw na tanaw ko ang sikat na sikat ng eiffel tower. Pangarap ko talagang makapunta rito noon pa, bago ako makasal sa kanya, at ngayon nga ay nagtupad, ngunit bakit ganito ako? malungkot ako?

Kahapon, ay sinadya kong umarte na hindi ko siya kilala. Wala lang, gusto ko lang gawin, ngunit alam kong madederetso ang ganitong pagpapanggap ko kapag muli pa kaming magkita.

Kahit alam kong napakimposible iyon, ay magiging handa naman ako pagnagkataon. Naalala ko pa ang nagtatakang tingin sa akin ni Jayson nang makita niya kung pano ako umakto sa harap ni t
Tristan.

Binigyan ko lang siya ng tingin na nagpapahiwatig na dapat ay manahimik lang siya at wag na akong kontrahin.

Nagpapasalamat ako dahil nakuha niya ang ibig kong sabihin kahapon. Buti nalang ay hindi siya nakapagsalita ng kung ano-ano kundi baka masabi pa niya pati ang aksidente na siyang nasangkutan ko.

Maya-maya palang ay may mga braso nang pumalibot sa aking bewang, nang lumingon ako ay nakita kong si Jayson pala, inilagay naman niya ang kanyang baba sa aking balikat habang nakapulipot parin ang kanyang mga braso.

Naramdaman ko nalang ang kanyang malalim na hininga na siyang tumatama sa aking balikat.

"Jayson.." tawag ko ngunit hindi siya sumagot. Bagkus ay bigla nalamang niyang inilipat ang kanyang bibig sa aking tainga.

Napasinghap ako sa ginawa niya, mas lalo pa no'ng bahagya niyang kinagat ang taiga ko at kasabay no'n ay ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin. Hindi ako makagalaw sa puwesto ko, para bang may kung ano akong nararamdaman dahil sa ginagawa niya.

Muli niyang kinagat ang puno ng tainga ko, pero naramdaman ko nang may dila iyong kasama. Napapapigil ako sa aking hininga dahil sa sensasiyong unti-unting bumabalot sa aking katawan.

Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg, papunta sa aking balikat. Napahawak ako sa kanyang ulo dahil parang babagsak ako ano mang minuto.

Iniharap niya ako sa kanya at doon ay tuluyan na niyang sinakop ang aking mga labi.

"Ahm J-jayson." hindi ko napigilan ang paglabas ng ungol sa aking bibig.

Mas lalo niya pang diniinan ang paghalik sa akin, bahagya naman niyang kinagat ang aking ibabang labi, kung kaya't napaawang aking bibig, doon ay mas nagkaroon siya ng pagkakataon upang mas mapalalim pa ang halik niya sa akin.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon