Kabanata 39

11.4K 120 9
                                    

Kabanata 39

Cold





Nagbabaga ang kaniyang mga mata, na tila ba gustong-gusto niya akong saktan.

At heto naman ako, nanginginig dahil sa mga titig niya.

"Wait, dude, let us explain" napalingon ako sa likuran ko, hindi pa pala umaalis si mark.

Umiling ako sa kaniya na nagsasabing hindi na kailangan.

"Shut up Santillan!" bumaling uli ako kay tristan na ngayon ay naglalakd na papalapit sa amin.

Humakbang ako paatras dahil sa takot na naramdaman ko.

"T-tristan, m-magpapaliwanag ako" sabi ko sa kaniya.

Ngunit tinignan niya lamang ako habang nakakunot ang kaniyang noo.

"I Don't need your explanation b*tch" giit niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil sa huling sinabi niya. Ramdam ko ang panankit ng dibdib ko ang unti-unting pagbasa ng mata ko, Akala ko nagbago na siya? ano nanaman to?

"T-tristan, " may nginig sa aking labing sambit ko sa pangalan niya.

Naalis ko ang tingin ko sa kaniya ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. "Leanne" napapikit ako ng mahigpit nang marinig ko si mark sa likuran ko.

Hindi dapat niya makita ang ganitong eksena, siguradong kaaawaan niya lamang ako.

Hinawakan ko ang kamay niya nakahawak sa braso ko at pumihit ako patalikod upang tignan siya.

Hanggang ngayon ay pinipigil ko ang pagdaloy ng luha ko dahil ayokong makita pa iyon ni mark.

"Please mark... ako nang bahala rito, Salamat sa oras mo pwede kanang umalis" utos ko sa kaniya at pilit siyang inaatras palapit sa sasakyan niya.

"No leanne, hindi kita pwedeng pabayaan rito baka kung anong gawin niya sayo!" giit naman niya sa akin.

'Kung alam mo lang mark' sabi ko naman sa isip ko.

"H-hindi iyan mark, sige na kailangan mo nang bumalik sa mall ok lang talaga ako rito kaya ko ang sarili ko" kita ko ang di pagsang-ayon niya sa akin habang nakatitig siya sa mata ko.

"Just back-off dude" narinig kong saad ni tristan, napahigpit ako ng hawak sa kamay ni mark.

"Leanne.." aniya, umiling -iling ako sa kaniya.

"Sige na mark, umalis kana, please itetex nalang kita kung ok na ako" ipinalangin kong sana ay maniwala siya at ganun nga ang nangyare.

Kita kong napabuntong-hininga siya at muling hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Okay, tex me if you're ok got it?" sabi niya.

Tumango naman ako sa sinabi niya at tipid na ngumiti.

Ngunit bago siya umalis ay binalingan niya si tristan na nasa aking likuran at saka nagsalita.

"By the way, malaman ko lang na sinaktan mo siya, kahit pinsan pa kita dude kukunin at kukunin ko siya sayo mark my words" sambit niya at saka pumasok sa kaniyang sasakyan at saka siya umalis sa aming harapan.

Muling nagbalik ang kaba na naramdaman ko kanina.

At para bang ayaw ko nang harapin pa siya. Pero kailangan kong gawin iyon upang makapagpaliwanag ako, humugot ako ng malalim ng hininga bago ko siya hinarap.

At doon ay kita ko nanaman ang nanlilisik niyang mga mata.

Nakikita ko rin ang iba't-ibang emosyon na nakaukit sa kaniya malalim na pagtitig sa akin.

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon