Kabanata 44

15.8K 146 18
                                    

Kabanata 44

Believe this is true





Paggising ko ay wala na si tristan sa tabi ko. Agad akong napabalikwas at napaayos ng upo ng mapagtanto kong nasa loob parin ako ng sasakyan. Dahil narin sa laki ng tiyan ko ay nahirapan ako sa pag-upo.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse at saka ako tuluyang lumabas. Langhap na langhap ko ang sariwang hangin at ang mala-probinsiya nitong amoy. Pero teka, nasan ba talaga kami?

Mayroon isang malaking bahay ang tumambad sa aking harapan. Napapalibutan ito ng mga sa tingin ko ay puro mga akasiya. Malalaki kasi pero magagandang tignan, lalo na at nasa gilid ng bahay. Napaka-preskong tignan.

Inikot ko ang buong tingin ko sa paligid.

Napakahangin, ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ko napigilan ang pagpikit ng aking mga mata. Dinadama ko ang simoy ng hangin habang nandito parin ako sa harapan ng kotse. Nakakarelax kasi sa pakiramdam.

Habang dinadamdam ko ang sariwang hangin sa paligid ko ay bigla na lamang ako nakaramdam ng mga bisig na pumulupot sa may bewang ko. Amoy palang ng taong ito ay kilala ko na kung sino.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin idinilat ang mga mata ko. Ayoko munang sirain ang pagkakataong ito. Aaminin kong sobra ko siyang namiss. Kahit na ilang taon kaming hindi nagkita.

Pero dapat sa mga pagkakataong ito ay kinamumuhian ko siya eh. Dapat galit ako sa kaniya, dapat hindi ko siya pinapayagang makalapit ng ganito sa akin.

Dapat hindi ko siya hinahayaang yumakapa ng ganito. Dapat hindi ganito. Pero bakit taliwas ang ang sinasabi at ikinikilos ng katawan ko kesa sa isip ko?

Bakit hinahayaan lamang ng katawan ko na damhin ang init ng kaniyang yakap sa akin ngayon? At iba naman ang nasa isip ko ngayon, sinasabing, hindi ito tama, na heto nanaman siya ginugulo ako gumagawa nanaman ng panibagong storya kung saan masasaktan nanaman ako.

But no, hindi ko na hahayaan pa iyong mangyaring ulit. Hindi ko na hahayaang umiyak muli ako nang dahil sa kaniya. Hindi ko na hahayaang umiyak muli ako nang dahil sa sakit. Dahil ngayon nagbago na ako.

Dahil ang dating Leanne jane na mahina noon, at palampa-lampa, ay malakas na ngayon. Sabi nga nila, people change, at totoo iyon dahil ako mismo ay naranasan na magbago.

Lahat naman kasi ng mga bagay ay nangyayare ng may dahilan. At ngayon ay pumasok sa isip ko kung tama pa ba itong ginagawa namin, itong nangyayare ngayon.

Idinilat ko na ang aking mata at hinawakan ko ang mga braso niyang hanggang ngayon ay nakalingkis parin sa akin.

Humarap ako sa kaniya at kitang-kita ko ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Humugot ako ng malalim na paghinga. At nagsimula na akong magsalita.

"Tell me Tristan, why are you doing this?" mariin kong tanong sa kaniya. Kita kong napahinga siya ng malalim nang marinig niya ang tanong ko.

"How many times do I need to tell you honey,"

"Don't call me honey!" biglang pagsingit ko sa sasabihin niya sana.

"Ok ok, I Won't, how many times do I need to tell you that I'm doing this for us! For the sake of our baby, my baby!" sabi nito sa akin.

" W-what? Excuse me? You're Baby? Hah! This is not you'r baby idiot, co'z this IS my Baby, Not you'rs!" Giit ko sa kaniya.

"Oo! Hindi ba't akin yan? At kahit na anong pagtanggi mo Leanne ay akin parin ang batang dinadala mo, dahil ako ang tunay na ama niyan, Because I am the only one who has taste your body!"

Waiting to be Loved✔️ (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon