Chapter 3: Nightmare

56 6 0
                                    

Inaantok akong nakikinig sa guro namin habang pinapaliwanag nito ang kaibahan ng mga Levels.

"Level 5. The Magicals. They are known for casting spells.  Skilled in concocting magical potions. They have also an ability to foresee the future or gain insights through methods like tarot card, crystal glazing, or scrying." pagpapakilala nito sa pinakamababang level ng Enchanter.

" The Level 4, The Controllers. It involve the ability to influence or control others, objects, or events through supernatural means. It includes mind control, telekinesis, emotion manipulation, or even telepathy. "

"The Level 3, they are the Transformers. The ability to transform into creatures is a fascinating and versatile power. The power to perfectly imitate the appearance, voice, and behaviors of the creature being transformed into, allowing the shapeshifter to go unnoticed."

"Then, the Level 2, The Elemental.. " wika nito kaya kaagad akong napalingon sa katabi kong si Rizen. Tulog na ang g*go. "Elemental powers are abilities associated with control over the fundamental forces of nature or elements. Such as fire, water, light, ice, earth, and even the air. " ani nito.

Huminga ng malalim ang guro bago ipinakilala ang huling level, ang pinakamalakas at makapangyarihang level. "The highest level, the most powerful one. The Deity. " nakangiting sabi nito." Deity powers are typically supernatural abilities possessed by gods or god-like beings. The ability to have unlimited power and control over all aspects of existence. Just like the Level 2, deities can also control some elemental powers, but they are definitely more stronger than the Level 2. "

"So.. " napaigtad ako ng hinampas niya ang blackboard. Natawa na lamang ako ng pati si Rizen ay nagulat sa ginawa ng guro.

"Kailangan niyong pag igihan ang pag eensayo niyo."

--

Wala ako sa sariling lumabas ng room. Isang araw pa lang ay wala na akong lakas. Habang itong si Rizen, busog na busog ang mga mata, palibhasa ay maghapong tulog.

"I can't wait for tomorrow!" wika ni Eri habang tumitili.

Pilit akong ngumiti ng maalala ang ganap bukas. May ganap bukas kung saan ipapakita ng bawat isa sa amin ang mga inihandang pagpapakitang gilas ng taglay nilang mga kapangyarihan.

Ano na lang ipapakita ko bukas?

Takteng buhay naman to.

--

Napabuntong hininga ako bago binuksan ang pinto ng kwarto ko. Kaagad akong humiga sa kama ng maramdaman ko ang pagod.

Hindi ko napigilang ipikit ang mga mata ko.

Ano na lang gagawin ko bukas? Paniguradong magugulat ang lahat, hindi dahil may taglay akong malakas na kapangyarihan, dahil sa wala akong abilidad.

Naiisip ko palang ang mangyayari bukas ay kinakabahan na ako. Inis akong napakamot sa ulo ko. Hanggang sa ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na matulog.

Nakarinig ako ng mga kalabog.

Bumangon ako sa kamang hinihigaan ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi ito ang kama na nakasanayan ko ng hinihigaan.

Pansin ko ang mga matatayog na puno sa paligid ko. Para akong nasa isang kagubatan.

Nasa kagubatan nga ako.

Nakarinig ako ng mga sunod sunod na kaluskos. Mga malalakas na yabag ng paa.

Lumingon ako sa kung nasaan ako ngayon, nasa madilim at masukal na parte ng kagubatan.

Hanggang sa hindi nagtagal, may lalaki at babae akong nakita. Magkahawak kamay sila habang tumatakbo na animo'y may humahabol sa kanila. Saka ko lamang napansin na may buhat buhat na sanggol ang babae.

Natigilan lang ako ng may mga nilalang ang humarang sakanila. Umatras sila para muling tumakbo, ngunit nanglaki ang mga mata ko ng makita ang malalaking lobo sa likuran nila na animo'y galit na galit.

Sinubukan kong gumalaw sa posisyon ko ngunit agad rin akong natigilan ng makita ko na nagbago ng anyo ang lalaking kasama ng babae.

Naging isa itong Chimera, a fire breathing creature, it combined with a lion's strength, goat's cunning and snake's venom,na animong promoprotekta sa babae at sa sanggol.

Napapikit ako ng mata ko ng makita kong hilahin ng isang lalaking nakamaskara ang babae na may buhat ng sanggol bago ito ginilitan sa leeg gamit lang ang mahahaba niyang kuko.

Nakarinig ako ng pag ungol ng animo'y asong nasaktan. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko.

Kumirot ang dibdib ko ng makita ang umiiyak na lalaki na kalaunan ay bumalik sa dati niyang anyo.

Hindi ko alam ang gagawin ko ng pwersahang kunin ng lalaking pumatay sa babae ang hawak nitong sanggol dahilan para maging kulay dilaw ang mga mata ng asawa ng babae.

Nagagalit siya.

Sumigaw ako ng malaman ang susunod na gagawin ng lalaki sa sanggol. Papatayin niya ang sanggol gamit ang isang kutsilyong inilabas niya sa kanyang bulsa.

Nilingon ako ng lahat dahilan para tumigil ang paghinga ko.Nanliit ang mga mata ko ng biglang maglaho na parang bula ang sanggol. Galit na galit ang matang nilingon ako ng lalaking naka maskara ng itim. Nakasalubong ko ang matulis nitong tingin gamit ang kanyang dilaw na mga mata.

Sa isang iglap, tumakbo papunta sa direksyon ko ang mga lobo dahilan para mapapikit ako.

Ngunit bago mangyare iyon, isang malakas na tunog na nanggaling sa animong malaking nilalang ang nakakuha ng pansin ko.

--

Wala ako sa sariling pumasok sa Academy. Ikaw ba naman ang makasalubong ng mga estudyanteng nag eensayo para sa gagawin nilang pagpapakitang gilas mamaya na ikaw mismo ay walang kahit na anong hinanda, dahil wala naman ako katiting na kapangyarihan.

Napaismid na lang ako bago muling naglakad ngunit kinagulat ko ng makasalubong ko ang lalaking yon. Patuloy lang ito sa paglalakad papalapit sa akin at walang emosyon itong nakatingin sa mga mata ko habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay. Muli ko na namang napansin ang magulo nitong buhok.

Siya yon, si Draven Wilson ,the Top 1 among the Enchanters.

Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya ako pinansin bagkus ay nilagpasan ako nito. Kumunot ang noo ko sa pinakita nitong kilos bago pumasok sa loob.

Nadatnan ko roon sina Eri at Rizen na nag uusap. Sabay silang napalingon sa akin bago ako nginitian.

"Ilayo mo nga ang babaeng ito sa akin." bungad ni Rizen sa akin pagka upong pagkaupo ko pa lang. Natawa ako sa ikinilos niya. Halata sa mga mukha nito ang pagkainis kaya hindi ko napigilang tapikin si Eri na nakasimangot na.

"Gusto ko lang naman magpaturo." malungkot na sabi ni Eri.

"Huh? Magpaturo saan?"

"Sa paggamit ng ability ko. I mean kase diba Top Enchanters siya---"

"Pero it doesn't mean na pwede kitang turuan. Ang swerte mo naman kung ganon, naghanap ka pa ng personal trainer mo. " inis na sabi ni Rizen.

Tumigil ang bangayan ng dalawa ng pumasok sa silid ang guro namin upang yayain kaming pumunta sa field dahil doon niya nais ipagawa ang binanggit nitong pagpapakitang gilas.

Good luck na lang sa akin.

Paniguradong pagkatapos ng araw na 'to, puro kahihiyan ang matatanggap ko.



The Astrallore AcademyWhere stories live. Discover now