Chapter 4: Showcase of Abilities

45 5 0
                                    

Napapalunok na lang ako ng mapagmasdan ko ang kapangyarihan ng bawat isa. Talaga namang mahahalata mo na pinaghandaan nila ang pagkakataong ito. Samo't saring mga pagpapakitang gilas ang ipinakita nila sa lahat dahilan para palakpakan sila ng madaming tao.

Napalingon ako kay Rizen ng tawagin siya ng aming guro na hudyat na siya na ang susunod. Tumayo si Rizen ng walang halong kaba man lang o pag aalinlangan.

Pumagitna siya saka kami hinarap. Inihanda nito ang dalawang kamay. Hindi nagtagal ay may lumabas na ilaw mula sa mga palad nito, palaki ng palaki ito hanggang sa maging isang higanteng bola. Nanatili ang ngisi ni Rizen ng mapansing pinanonood ko ang ginagawa niya.

Sa isang iglap ay ibinato niya ito paitaas hanggang sa sumabog. At kinagulat ng lahat pagkatapos nitong sumabog ay nagpakawala ng sunod sunod na mga kidlat si Rizen.

Hindi ko na kailangan pang itanggi, tunay ngang magaling si Rizen.

Isang nakakaasar na ngiti ang ipinakita niya sa akin habang papalapit na ito. Tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan lang ako ng loko.

Sunod namang tinawag si Drazen. Pero ni isa ay walang nakuhang sagot ang aming guro, nagsimula na ding magbulungan ang lahat ng mapansing wala ang Top 1.

"Maaasahan niyo ba yon? Minsan lang magpakita ang g*gong yon." dinig kong bulong ni Rizen.

Ng walang Draven na nagpakita ay sunod ng tinawag si Eri na may nalalaman pang patalon talon. Halata namang excited siya.

Huminga ito ng malalim bago itinaas ang dalawang kamay. Kitang kita ko mula sa aking kinauupuan ang pagbago ng anyo ni Eri, mula sa kanyang paa hanggang sa ulo. Naging isa itong Phoenix.

Lumipad siya sa kalangitan, at ipinakita ang bilis at lakas nito sa pagkumpas ng kanyang mga pakpak. Nagpaikot ikot ito sa paglipad. Sa lakas ng huni niya, ay talagang pwede ka ng mabingi.

Hindi ko napigilang humanga sa ginawa niya, halatang talagang pinaghandaan niya.

Nawala ang ngiti ko ng sunod akong tinawag ng aming guro. Napunta ang atensyon ng lahat sa akin. Ramdam ko ang paglingon sa akin ni Rizen kaya't sinalubong ko ang nag aalalang tingin niya. Tinanong ng mga mata ko kung anong dapat kong gawin.

Tumakbo at huwag ng bumalik?

Wala ako sa sariling tumayo ng muli akong tawagin ng aming guro. Pumagitna ako sa field at sinalubong ang tingin ng lahat. Pansin ko ang pagbubulungan ng lahat na animong excited sila malaman ang kapangyarihang meron sa akin.

Ilang segundo akong nakatayo roon. Sinubukan kong ikumpas ang mga kamay ko na para bang sinusubukan kung palabasin ang abilidad ko, o ito na ba ang tamang oras para magtaglay ako ng kapangyarihan ngunit wala. Ni isa ay wala akong nakuha, maliban sa kahihiyan.

Lumakas ang bulungan ng lahat. Sa subrang lakas ay naririnig ko na ang mga reklamo at criticism na galing sa kanila. Napalingon ako kay Rizen na nag aalalang nakatingin lang sa akin. At kay Eri na hindi maipaliwanag ang mukha.

Nagpatuloy ang bulungan hanggang sa bumigat ang paghinga ko. Ramdam ko din ang patuloy na pagtulo ng pawis ko at ang pagpawis ng mga palad ko. Yumuko ako ng hindi ko na kayang salubungin ang mga nagtataka nilang mga mata.

"Are you done?"

Nakuha ng isang malalim na boses ang atensyon ko. Wala ako sariling napakunot ng noo ng makita ko si Draven na nasa harapan ko. Bakas ang pagkairita ng boses.

"Huh---"

"I said are you done?" sungit nitong sabi dahilan para uminit ang ulo ko sakanya. "Kung oo, lumayas ka na dito." dagdag niya para mas lalo akong mainis sa sinabi niya.

The Astrallore AcademyWhere stories live. Discover now