04

142 8 2
                                    

Dongpyo

Kanina pa namin hinahanap si Sunoo.Pano kasi nangamusta lang kami saglit ng iba naming classmate eh nawala na agad.

"Excuse me Trisha have you seen my brother?"tanong ko sa isa naming classmate ang alam ko kasi magkasama sila kanina.

"Hindi eh after naming magkamustahan ay umalis na rin kami bakit may problema ba?"balik nya ring tanong sakin.

"Ahh wala naman di ko lang sya makita kanina ko pa kasi sya hinahanap eh"sagot ko sa kanya.

"Baka nandyan lang yun sa paligid-ligid nangangamusta rin siguro"sambit nya kaya tumango na lamang ako at umalis na.

"Ano love nakita mo naba si Sunoo?"tanong sakin ni Allison pagkalapit ko sa table namin.

"Hindi pa nga love eh pero baka nandyan lang yan di naman aalis yun ng walang paalam"sabi ko na lang sa kanya para di sya gaanong mag-alala.

Balisa ako buong party dahil nag-aalala na ko sa kapatid ko.Imposibleng nandito lang sya sa paligid,kase kung nandito sya kanina nya pa sana kami nalapitan.Ang lakas rin ng kaba ng dibdib ko na parang sinasabing may masamang nangyari kay Sunoo.Nako po lagot ako kay Tin pag di ko pa nakita si Sunoo hanggat matapos ang reunion.

Nabalik ako sa realidad ng kalabitin ako ng Allison.

"Ayos ka lang ba love kanina ka pa kasi wala sa sarili mo eh?"nag-aalala nyang tanong sakin.

"I'm ok love nag-aalala lang ako kay Sunoo kasi kanina pa sya wala eh"sambit ko.

"Napansin ko nga rin yun eh kasi kung nandito lang sya malamang kanina pa tayo non nahanap"sagot naman ni Allison.

"Oh Dongpyo,Allison long time no see"parehas kaming napalingon ni Allison sa nagsalita kala ko kung sino na si Sunghoon lang pala.

"long time no see rin Hoon"bati ko rin sa kanya.

"Di nyo ba kasama si Sunoo?Kawawa naman siguro di sya pinayagan ni Destiny no?"sunod-sunod nyang tanong.

"Actually kasama namin si Sunoo kaso di naman namin sya makita simula nung iniwan namin sya kila Trisha"sagot ni Allison.

"Baka nambabae na yon"pabiro nyang sabi.

"Gago hindi gusto mong pinatay ni Tin yon"biro ko ring sagot sa kanya.

"Kalma ka lang ito naman hindi mabiro,pero baka nandito lang yun sa paligid alam nyo naman yon si Sunoo masyadong friendly"sambit nya naman kaya kahit papano nabawasan yung pag-aalala ko kay Sunoo.

"Kamusta ka na nga pala Hoon may girlfriend kana ba?"tanong ko sa kanya.

"Eto kahit papano humihinga pa naman pero wala akong girlfriend,boyfriend lang"sagot nya naman.Pero ano daw boyfriend?????

"Really as in boyfriend?Sino yan ha?Pakilala mo naman samin."sambit sa kanya ni Allison.

"Wait lang ta-"di pa natatapos yung sasabihin nya ng biglang may lalaking humawak sa bewang nya.

"andito ka lang pala babe kanina pa kita hinahanap"sabi nung lalaki atsaka lumingon sa direksyon namin bago ngumiti.

"Hi my name is Lee Heeseung,Sunghoon's boyfriend"pakilala nung lalaki samin ni Allison.

"I'm Kim Dongpyo and this is my wife Kim Allison"pakilala ko saming dalawa atsaka lumingon kay Allison.

Kinginang to nasa harap sya nung asawa nya tas ganyan makatingin sa ibang lalaki sabunutan ko to eh.

"Is your wife dumb?"tanong nung Heeseung.

"No she can talk actually madaldal nga yan eh di ko alam kung bakit di sya makapagsalita ngayon,right Love?"sambit ko sa kanya.

"Ah yes I can talk,grabe Hoon ah iba rin yung nabingwit mo bigatin"asar sa kanya ni Allison.

"Syempre naman ako pa ba"sambit naman ni Sunghoon sabay taas pa ng muscle.

Natawa naman kaming apat dahil sa ginawa ni Hoon.

"Kwento ka naman pano kayo nagkakilala ng boylet mo"sambit sa kanya ni Allison.

"He's a senior in the college university na pinapasukan ko back in college days"sagot ni Hoon.

"So sino unang nanligaw sya ba o ikaw??"tanong ulit ni Allison.

Dati po talagang interviewer ang asawa ko,opo.

"Sya syempre magpapabebe muna tayo for today vidyeor"sagot naman ni Hoon na ikinatawa ni Heeseung.

"Sa pagkakaalam ko babe ikaw ang nanligaw eh teka nanligaw ka nga ba as long as I remember meron kang pinasign sakin na papers and then yun we become couples"sambit ni Heeseung kaya tinignan naman sya ni Hoon ng masama kaya tumawa na lamang sya.

"Walang laglagan dito babe grabe ka naman eh"patampo kunwaring sabi ni Sunghoon dahilan para lalo syang hapitin ni Heeseung palapit.

"Go get a room you two para kasing ilang saglit lang magtutukaan na kayo dyan"asar ko sa kanila that made their face turn red.

After pa naming magkwentuhan nila Hoon ay umalis na sila lasing na rin kasi Hoon eh..

Malapit ng matapos yung reunion pero wala pa rin si Sunoo.Nagsi-uwian na nga yung iba naming classmate at ka batch eh.Jusko ko po siguradong ako ang papatayin ni Tin pag umuwi kaming hindi sya kasama.Naghintay pa kami ng ilang oras nagbabakasakaling lalapit samin si Sunoo pero wala talaga.Hindi kaya umuwi na yung lalaki na yon?

"Love tara na baka umuwi na yon siguro si Sunoo"yaya ko kay Allison na ikinatango nya kaya umalis na kami para umuwi.

Sana nga nasa bahay na nila si Sunoo...

GAY BOYFRIEND BOOK 2:OBSESSIONWhere stories live. Discover now