29

90 5 6
                                    

Sophia

3 weeks has passed pero 'di ko pa din makalimutan 'yung ing kwento sa'kin ni ate. naguguilty ako dahil may alam naman ako pero 'di ko 'to masabi dahil natatakot akong baka magalit s'ya. sa ngayon kasi sila na lang ang meron ako dahil itinakwil na'ko ni ate Mira, pero kahit na ganon ay mahal na mahal ko pa din ang ate ko na 'yon. sa loob din ng tatlong linggo na 'yon ay lagi akong wala sa sarili dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

pag ba sinabi ko yung tungkol kay ate Mira magagalit ba sa'kin si ate Tin? itatakwil n'ya rin ba ko? palalayasin n'ya rin ba ko? napakadaming tanong na pumapasok sa isip ko pero 'di ko alam kung ano 'yung mga sagot.

"Pia!, Pia! " nabalik ako sa reyalidad ng alugin ako ni ate Tin.

"ayos ka lang ba?, napapansin ko kasi these past few weeks ay lagi kang tulala at parang malalim 'yong iniisip mo" nag aalalang sabi ni ate.

"ayos lang ako ate, 'di lang siguro maganda ang gising ko" sambit ko na lamang at ngumiti.

"Pia kung may problema ka 'wag kang mahihiyang magsabi sa'kin ha?, kapatid na ang turing ko sa'yo kaya nag aalala talaga ko kapag nagkakaganto ka" malambing na sabi n'ya, kung ganon pag ba sinabi ko sa kanya 'yung nalalaman ko ay kapatid pa rin ba ang turing n'ya sakin?

"oo ate" sambit ko na lamang na ikinatango n'ya.

buong maghapon ay wala talaga ko sa sarili hanggang sa makauwi kami. ngayon naman na kumakain kami ay ganon din.

" oo nga pala Pia pupunta dito 'yung parents ko para bisitahin sila Rain and Skye, don't worry mababait naman 'yung mga 'yon saka 'di kasi sila natuloy noong mga nakaraan dahil busy sa hospital" sambit ni ate Tin.

"sige po, aasikasuhin ko na lang po non sila Skye" sagot ko lamang at pinagpatuloy ang pagkain.

nang matapos kaming kumain ay nag prisinta ako na 'yung maghuhugas ng plato. kaya pagka akyat nila sa taas ay sinimulan ko na maglinis sa lamesa bago hinugasan yung mga plato.

habang naghuhugas ay nagulat ako ng may yumakap sakin sa likod ko at nakita kong si Rain pala.

"tita goodnight po, don't be sad na ayaw ko pong nagkakaganyan ka kasi nalulungkot din po si Rain" sambit n'ya habang nakanguso pa, bakit ngayon ko lang napansin na kamukha 'to ni kuya Sunoo.

tinanggal ko muna ang mga bula sa kamay ko at nagpunas bago s'ya yakapin pabalik.

"yes baby, hindi na magiging sad si tita para 'di na rin magiging sad ang baby Rain n'ya" sagot ko habang nagpipigil na tumulo ang mga luha. kumalas sya sa pagkakayakap sakin kaya agad kong pinunasan ang luha ko para di n'ya 'to mapansin. bigla nya namang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"tita goodnight po, love na love ka ni Rain" sambit n'ya at ngumiti pa. kamukhang kamukha n'ya talaga si kuya Sunoo lalo na pag nakangiti.

"goodnight din Rain, love na love ka ni tita" sambit ko sa kan'ya at hinalikan pa ang tuktok ng ulo n'ya. after noon ay masaya s'yang umakyat pabalik sa kwarto n'ya.

tinuloy ko naman ang paghuhugas ko ng plato at ng matapos na'ko ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. pagkarating ko doon ay nahiga na'ko at inisip na naman ang tungkol kay kuya Sunoo at ate Tin. nang maalala ko na naman 'yon ay diko maiwasang umiyak. natatakot talaga ko para kay kuya Sunoo at para kay ate Tin, hindi kona talaga alam ang gagawin ko. patuloy lang ako sa pag iyak at 'di namalayan na nakatulog na pala ako.

__________________________

kamusta bakasyon nyo?
kailan pasukan nyo?

GAY BOYFRIEND BOOK 2:OBSESSIONWhere stories live. Discover now