31

35 3 0
                                    

Sophia

pababa ako mula sa kwarto ng marinig ko ang mga iyak ni rain. dali dali akong bumaba pero agad ding tumigil ng malaman ang reason ng pag iyak n'ya. namimiss n'ya na si kuya, inakala n'ya pa na dahil sa kan'ya kaya hindi na umuuwi si kuya. alam kong mahirap 'tong situation na'to kay ate Tin dahil hindi n'ya alam kung pa'no ieexplain sa kanila 'yong main reason kung bakit hindi na umuuwi si kuya. although hindi naman totoo 'yong reason na 'yon.

i'm sure kuya is missing his babies right now baka nga umiiyak pa ito dahil sa sobrang pagkamiss n'ya. gusto kong makatulong sa kanila pero natatakot talaga ako na baka magalit sa'kin si ate Tin. pero hindi ko kayang umiiyak ng gan'to si rain, gagawa ako ng paraan para magkita ulit sila ni kuya. kaso paano? bahala na basta gagawa ako ng paraan.

"oh Pia gising ka na pala, nagising kaba sa pag iyak ni rain? pasensya na ha" sambit ni ate Tin at napansin kong nagluluha 'yong mga mata n'ya. kahit hindi sabihin ni ate Tin alam kong miss na miss n'ya na rin si kuya.

"ate hindi naman ako nagising ni rain, ayos na po ba s'ya?" tanong ko.

"magiging okay din s'ya Pia hindi lang kasi s'ya nasanay na wala ang daddy n'ya sa tabi n'ya kaya s'ya nagkakaganyan, pagpasensyahan mo na" paliwanag ni ate Tin.

"nako ate ayos lang 'saka naiintindihan ko naman po si rain" sambit ko.

she let out a deep sigh, lalo lang akong naguilty ng magpunas s'ya ng mga luha n'ya.

"oo nga pala pia darating ang parents ko kukumustahin lang 'yong mga bata, nag luto na'ko ng mga pagkain na p'wede mo ihain mamaya" sambit n'ya.

after namin mag almusal ay nagpaalam na si ate tin dahil papasok na s'ya. ako naman ay nagsimula ng mag linis ng bahay para pagdating ng parents ni ate tin ay malinis. nang dumating naman sila ay kinamusta lang nila 'yong mga bata atsaka nilaro ito.

"pia anak halika na sabayan mo na kami kumain" tawag sa'kin ng mama ni ate tin kaya tumango naman ako at umupo na sa tabi n'ya. kukuha na sana ako ng pagkain pero nagulat ako ng lagyan na'ko ng pagkain ng papa ni ate tin.

"salamat po"  ngumiti lang naman s'ya.
 
while seeing them treating na kids like this and also me ay alam ko na kung saan nag mana ng kabaitan si ate Tin. at alam ko na rin ang sagot sa gusto kong mangyari, no matter what happened after I said that to them ay tatanggapin ko. deserve ko 'yon, deserve ni ate Mira 'yon.

———————————————————————
—————————————————
malapit na sa exciting part mga bebecakes!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GAY BOYFRIEND BOOK 2:OBSESSIONWhere stories live. Discover now