CHAPTER 8

88 6 0
                                    

Chapter 8




Kasalukyan akong nasa library habang sila Chi naman ay nasa cafeteria na. May hinahanap lang akong libro na kanina pa pinapahanap saakin ni Madona. Saaking pag lilibot sa mga book shelve ay nakangiti kong kinuha ang isang itim na libro. "nahanap din kita," sabi ko saaking sarili nang mahawakan ko ang librong pinapahanap ni Madona.

Akamang kakanan na ako nang bigla nalang lumitaw ang isang babae. Kilala ko sya, kaklase ko sya at sya ang babaeng parang depress na nasa sulok lagi.

Sandali akong napatitig sakanyang mukha. Lalo syang naging nakakatakot kapag malapitan. Pagod na pagod na ang mga mata nito at para bang hindi na kumakain at umiinom ng tubig sa sobrang payat. Malaki nadin ang kanyang eye bag.

"uh.. M-may kailangan kaba?" tanong ko.

Tinitigan nya lang ako.

"may sasabihin ka?" pag iba ko ng tanong.

".... Demonyo sya" mahina nyang sabi.

Sa sobrang hina non ay tanging ako lang ata ang makakarinig, kahit pa ang lamok siguro ay hindi yon maririnig sa sobrang hina.

Bahagyang kumunot ang noo ko, si Death ba ang tinutukoy nya? Kasi kung oo ay matagal ko ng alam. Hindi nya na kailangang ibulong sakin.

"habang maaga pa lumayo kana." muli nyang bulong.

Akma namang aalis na sya nang pigilan ko at muling mag salita. "Teka, sino bang sinasabi mo?"

"Sol!" nabaling ang aking atensyon sa tumawag saakin—Si Chi kasama sina Arthur, Lei, Peter at Madona. Papalapit sila saamin kaya naman binitawan ko na ang braso ng babaeng ito at lumapit na kay Chi.

"ayos kalang? Para kang nakakita ng multo" biro ni Chi. Halata atang namumula ako sa takot dito sa babaeng toh.

"Andito ka pala?" patanong na sambit ni Peter sa babaeng kaharap ko ngayon.

"teka mag kakilala kayo?" takang tanong ko.

"Malamang kakausapin ko ba sya kung diko sya kilala," Wow parang ang talino mo Peter.

"Serafina" banggit ni Madona.

Nanlaki naman ang aking mata. Sya ba si Serafina? So it means alam nya din ang sikretong organisasyon, malamang oo isa nga sya sa nagtatag nito. Ano ba naman katangahan yan Sol.

"Sol, Chi, Arthur at Lei. Sya si Serafina" pag papakilala ni Madona kay Serafina saamin.

Ngumiti naman si Chi at lumapit ng bahagya kay Serafina. "hi! Chi nga pala!"


***

Humiwalay na saamin sina Madona at Peter upang hindi kami mahalata ni Death o ng ibang estudyante dito. Kasalukuyan naming kasama si Serafina habang kami ay nag lalakad pabalik sa room, wala naman siguro mag hihinala saamin dahil kaklase namin sya.

Tahimik at mabigat ang bawat segundo. Kanina pa ako sulyap ng sulyap kay Serafina dahil mukha nanaman syang natatakot o kung ano.

"Are you okay?" tanong ni Chi kay Serafina. Mukha kasi itong nilalamig na hindi mo maintindihan, "hey! Ayos kalang ba?" pag-ulit nya sa tanong nung hindi kumibo si Serafina.

Wala paring imik o kahit na anong boses ang lumalabas sakanya kaya naman hinayaan nalang namin ito. "kapag hindi ka okay, mag sabi kalang! For now on friends narin tayo!" magiliw na sabi ni Chi habang patalon-talon na nag lalakad.

Kahit kailan talaga masiyahin at pala kaibigan si Chi, never syang nag judge ng tao dahil sa panlabas na katauhan nito. Saaming lahat ay si Chi ang masasabi kong pinakamabait, kaya naman sya ang lagi kong iniisip sa bawat araw na pananatili namin sa impyernong ito... Masyadong madali mauto o maloko si Chi kaya naman todo protektado ako sakanya, masyado syang mahina.

Bago kami pumasok sa room ay panandalian ko muling sinulyapan si Serafina... Nanlilisik ang mga mata nyang nakatitig kay Lei.

***

Hating gabi na nang magkita-kita muli kami dito sa kuwarto ni Madona. Sa pag kakataong ito ay mag tutulong-tulong kami upang puksain si Death. Hindi ko alam kung tama ba na mag tiwala kami sakanila, pero sa tingin ko ay mabuti naman ang pakikitungo nila saamin sapagkat parehas lang kami ng mga gustong mangyari... Ang makaalis sa imperyong ito.

"At ngayong narito na ang lahat..." Panimula ni Madona. "sisimulan na natin ang malaking digmaan..."

Seryoso lang kaming nakikinig sakanya habang nakatayo sya saaming harapan. "Hindi tayo puwedeng mag sama-sama sa iisang lugar. Masyado syang matalino,"

Tumayo si Peter, "Ako ang president ng SSG kaya naman maari akong makalapit kay Death... Si Serafina ay pangkaraniwang estudyante lang kaya hindi sya gaano mapapansin ni Death"

"Ako ang minsang nakakasama ni Death kaya naman lahat ng bagay na pagmamay-ari nya ay puwedeng hawakan... Malaking tiyansa na kaya natin syang talunin" Si Madona.

Sa gitna nang aming pag didiskusyon ay nag salita naman si Arthur. "Habang naririto tayo ay susubukan kong makakalap ng mga mahahalagang impormasyon..."

Tumango lang si Madona bago bunaling kay Chi ang kanyang paningin. "Palakaibigan ka, Chi. Kaya naman gusto kong kaibiganin mo ang mga estudyante rito, subukan mo silang iligtas..."

Akmang mag sasalita si Chi nang unahan ko sya. "t-teka.. Puwede bang samahan ko nalang si Chi?"

Ayokong iwan si Chi o mag kahiwalay kami ng gawain. Baka mamaya ano pang masamang mangyari sakanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapang nalagay sya sa panganib.

Sandali akong napatigil nang hawakan ni Chi ang aking kamay. "... Para kang sira, magiging ayos lang ako" ngumiti sya at tinanggap ang utos ni Madona.

Wala na akong magagawa, nakalimutan ko atang may sarili nga palang paa at kamay si Chi. Hindi na sya tulad nung dati na natatakot sa mga asong ulol kasi ngayon ulol narin sya.

"Ikaw Lie," Lumapit sya nang kaunti saaming dalawa. "ikaw ang magiging bantay ni Sol"

Kumunot naman ang mga noo namin sa sinabi ni Madona. Bakit kailangan akong bantayan? As if namang hindi ko kaya ang ipapagawa saakin ni Madona.

"pero bakit?" tanong ko na may halong inis. Iniiwasan ko nga na lalong mahulog saakin si Lei tapos ngayon papabantayan ako ni Madona sakanya.

"Sol... Ikaw ang may pinakamahalagang tungkulin" seryoso nya akong tinignan.

"patayin mo si Death."



...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant