CHAPTER 24

144 6 0
                                    

Chapter 24



Sa mga oras na ito ay tagak-tak na ang pawis saaking noo at buong katawan. Unti-unti ko ng nararamdaman na ito na ang aking katapusan, tanggap ko na ito pero bakit para bang nasasaktan ako? Ngayon ko lang nakita ang matalik kong kaibigan na para bang napipilitan sa bagay na ayaw nya. Habang ang taong mahal ko ay walang magawa kundi maiyak sa mga bagay na ayaw nyang makita.

Ilang sandaling katahimikan ang namayagpag sa buong paligid nang muling mag salita si Lei. "Kuya... Ito na ang pinaghirapan natin"

Umiling si Death. "mali ito..." Sabi nya at dali-daling tumakbo sa lamesa.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung pano sya mag wala. Pinag tatapon nya lahat ng mga bagay na nasa lamesa. Miski ang libro ay sinunog nya... Sandali akong napasulyap kay Lei na nakatingin din pala saakin.

Kinagat nya ang kanyang labi at umilinh din... "S-sorry... Hindi ko kaya." Huling sabi nya bago tumakbo at pindutin ang pulang button.

Nakahinga na ako ng maluwag.

Dali-dalin akong inalis ni Lei sa kama at binuhat. Kitang-kita ko kung paano lumabas ang basang likido sakanyang mga mata habang pinagmamasdan ang pagod at matamlay kong katawan. "patawad... patawad" Paulit-ulit nyang bulong saakin.

Ngumiti lang ako ng maliit at hinalikan sya sa pisnge.

Napabaling naman ang aming mga mata sa narinig naming sigaw, "Sol!" Galing kay Chi at Madona na pagod na pumasok dito. "a-alam nyo mamaya na kayo mag dramahan, hindi pa tapos akg aksyon!"

Nagkatinginan naman kami nina Death, ano bang gusto nyang ipahiwatik?

"Mayroong—Mayroong bomba na hawak ng isang estudyante at kapag hindi pa tayo tumakbo at umalis tyak na sasabog tayo!" Hingal na sabi ni Arthur.

***

Buhat-buhat ako ni Lei nang lumabas kaming lahat sa Building A. Kaliwa't kanan ang mga estudyanteng nag tatakbuhan sa kung saan-saang direskyon. Yung iba nag papatayan habang yung iba nakaluhod na para bang nag dadasal upang matigil na ang lahat ng ito.

"Dito tayo," Sabi ni Death na syang nangunguna saaming lahat.

Pumunta kami sa building kung saan kami unang pumasok. "Teka, hindi ba't wala ng daan dyan? Nung una kaming nakapunta dito ay wala ng daan dyan" Paliwanag ni Chi.

Ngumisi naman si Death na para bang natatangahan saaming lahat. "Tanga."

Pumasok kami at talagang namangha ako..."Woa, ilusyon" Mahinang sabi ni Arthur na kagaya ko ay namamangha din sa katalinuhan ni Death.

Isang ilusyon ng pader ang tumambad saamin at sa likod non ay makikita mo ang malaking gate... Kung saan naroon ang palabas at papasok ng Imperno High.

Akmang tatakbo kaming muli nang magsalita si Death.

"pwede ba Leinard," Kinuha nya ako mula kay Lei. "akin to eh"

Napatawa nalang ng maliit si Lei bago tumakbgo. Nakakatuwa, kung malamig si Death at malambing at masiyahin si Lei. Ibang-iba silang dalawa ngunit iisa lang ng natitipuhang babae...

Sabay-sabay kaming lumabas ng Imperno High at bago pa man kami nakakatakbo ay sumabog na ang malaking bomba sa loob nito kung kaya't lahat kmai ay napatalon. Dumagan saakin si Death para isalba ako, hawak nya rin aking ulo kaya naman hindi ako tumama sa bato. Talagang masasabi kong alam nya na ang ibig sabihin ng pagmamahal, masyado ng maraming nangyari saamin pero ngayon ang pinakamasaya sa lahat.

Sa wakas...

Makakalabas narin kami sa impyerno.

Paalam Imperno High.

...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon