CHAPTER 13

84 4 0
                                    

Chapter 13



Kabado parin akong iwan si Chi dito sa kuwarto mag-isa. Kahit pa sabihin nyang okay lang sya ay hindi parin maikakalia ang takot na bumabalot saknayang mukha. Masyado ata syang natrouma sa nangyari kahapon. Kasalukuyan kong tinatahak ang mahangin na hallway patungo sa cafeteria kung saan naroon si Death. Sisimulan ko na ang plano ko, ang plano kong mahulog sya saakin. Mas mapapadali ang pagpatay namin sakanya kung mangyayari ang mga pinaplano ko.

Pumasok ako sa cafeteria at madali ko lang nahagilap si Death, sya lang naman kasi ang kumakain sa pinakasulok na bahagi ng lugar na ito. Huminga muna ako nang malalim saka sya nilapitan.

Napaangat ang ulo nya saakin na tila ba hindi inaasahan ang pag tigil ko sakanyang harap. "Magandang umaga Death!" magiliw na sambit ko saka ako umupo.

Kabado parin ako ngunit hindi ko na ito alintana sapagkat heto na, kaharap ko na ang demonyo kung kaya't wala na akong magagawa kundi ang sumabay sa agos. "Kamusta? Mukhang maganda ang gising mo" Sabi ko kahit pa hindi ko naman talaga makita ang kanyang mukha.

Hindi sya kumikibo.

"Death? Hello? Hi?" Paulit-ulit na wika ko hanggang sa pansinin nya na ako at mag salita. "Ang aga-aga ang ingay-ingay mo" May inis na sambit nya.

Napalunok naman ako agad, baka mamaya ay magalit sya saakin o maasar at baka patayin pako neto. Pero hindi ako titigil, magugulog ka din sakin letche ka.

"Ito naman ang singit," Bahagya kong hinampas ang kanyang balikat. "Pwede ba tayo maging magkaibigan? As in friends you know hihi"

Wala parin syang sinasagot saaking tanong kaya naman nailang ako at nag iwas ng tingin sakanya. Maya-maya lang ay nahagip nang aking mata sila Lei na kanina pa pala ako pinapanood, kasama nya si Madona at Peter na mukhang nag tataka ay naasar sa mga ginagawa ko.

Bumaling naman kay Death ang paningin ko nang muli syang mag salita. "Okay."

Kumunot ang noo ko. "Okay means?"

"hindi mo naintindihan?" tanong nya na tila ba naasar ito. "tanga." wika nya bago mag lakad paalis.

Naglakad sya palabas sa cafeteria pero bago sya makalabas sa pinto ay sandali nya munang tinignan sa mata si Lei. Kitang-kita ko ang bawat pangyayari dahil sinusundan ng aking mga mata si Death. Hindi rin nag tagal ay tuluyan na syang umalis kaya naman agad akong nilapitan nila Lei. "Tangina anong ginagawa mo?" tanong ni Peter.

Ngumisi lang ako, wala akong balak na sabihin sakanila ang plano ko at baka mabuliyaso pa ako noh. "Magkaibigan na kami" Sabi ko nang nakangisi.

Umiling-iling nalang sila at naupo sa harap ko. Bigla nalang sumeryoso ang kanilang mga mukha, parang may sasabihin silang importante. "Nalalapit na ang ika-unang bilugang buwan ngayong buwan na ito" Panimula nya.

"ang ibig sabihin lang nito ay parating na ang huling rituwal para sa dasal ni Death..." Si Lei na ang nag patuloy.

"kaya mas kailangan na nating bilisan... Kundi tayo ang mamatay" Mahina kong sabi nang maintindihan ang kanilang ipinapahiwatig saakin.

Matapos ang aming usapan nila Lei ay agad din akong nagtungo sa library upang makipag palitan ng impormasyon kay Serafina. Madalas kasing nasa library ang babaeng ito kasama si Arthur, ang library ang pinakatahimik na lugar sa buong Imperno High kaya naman komportable si Serafina doon. Pagpasok na pagpasok ko sa library ay dali-dali ko syang hinanap. Saaking pag hahanap ay nakarating ako sa bahagi kung saan walang katao-tao kundi ako nalang.

"nasaan kana ba.." mahina kong tanong saaking sarili sapagkat hindi ko makita ang aking hinahanap. Akmang kakanan na ako sa isang book shelve nang lumitaw ang aking hinahanap... "Serafina"

Sa hindi malamang dahilan ay lumapit sya saakin. Sobrang lapit at kaunti nalang ay magdiidkit na ang aming mukha... "Demonyo sya"

Kumunot ang aking noo, "S-sino? Si Death ba—"

"Tandaan mo Sol, ang demonyo ay minsan nang naging anghel." Paliwanag nyang hindi ko maintindihan. "pero sya... Nabuhay syang demonyo at hanggang ngayon hindi parin sya nag babago... Lalong umaalingasaw ang baho sakanyang katawan."

Halos tumayo na lahat ng balahibo sakanyang mga sinasabi. Ni isa naman sa mga yon ay wala akong maintindihan. Maya-maya pa ay lumayo din agad sya saakin, "mag-ingat ka sakanya...." babala nya bago ako iwang mag-isa.

Napaupo nalang ako, ano bang sinasabi nya? Bakit parang ang laking bato nito saaking puso, nahihibang ba sya o may malalim na dahilan talaga ang kanyang mga tinuran saakin? Hay, sumasakit lang ang ulo ko kakaisip sa mga bagay-bagay na kahit kailan ay hindi ko malutas. Nakakapagod na, gusto ko nalang sumuko sa labang alam kong hindi ko naman talaga kaya.

Saaking pag-iisip ng kung ano-ano ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan nalang ako sa di malamang dahilan, dali-dali akong bumangon nang makita kong gabi na pala. Hay, pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? Puro kamalasan nalang ang mga bagay na nangyayari sakin.

Nagtaasan ang mga balahibo saaking katawan, ako nalang pala mag-isa sa building na ito. Tinahak ko ang madilim na hallway, pumasok ako sa elevator ngunit... Hindi pa man ito nakakasara ng mabuti ay may nahagilap akong anino. Anino ng isang alam kong lalaki dahil sa wala itong anino ng buhok.

Mabilis lang ang pangyayari dahil agad ding sumara ang elevator.

Nang bumukas ito ay dali-dali akong tumakbo. Habang ako ay tumatakbo at nakikipag sabayan sa malakas na hangin ay alam kong may nakamasid saaking likod... Sa sobrang kuryosidad ko ay nilingon ko ito at...

"AHHHH!" sigaw ko nang makakita ng isang lalaki na may hawak na kutsilyo. Akmang sasaksakin nya na ako nang ipang sangga ko ang aking braso dahilan upang ito ang makutsilyo nya.

Hindi naman ako makatayo dahil nakadagan na sya saakin. Iwinasiwas nya ang kanyang kutsilyo saaking braso kaya naman wala pang minuto ay umagos na ang napakaraming dugo saakin.

Wala akong magawa kundi sumilong sakaing brasong puno na ng likidong pula. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may marinig akong boses. "SOL!" sigaw mula kay Lei.

Napatigil naman ang lalaking nasa ibabaw ko at nilingon si Lei. Nang makita nya ang aking kaibigan ay dali-dali itong umalis saaking ibabaw at tumakbo na para bang nakakita ng multo. Tinakbo agad ako ni Lei upang tulungan, wala naman akong magawa kundi ang yumakap sakanya at umiyak.

Habang buhat-buhat nya ako ay iniinda ko ang sakit saaking braso.

Tangina ano bang problema ng baliw na iyon?!

...

IMPERNO HIGH (School of Psycho)Where stories live. Discover now