SIMULA

18 1 0
                                    

XHYRY'S POV

"XHYRY!" dinig kong pagtawag sa akin ng aking amahin. Galit ito't parang hindi mapakali ng malapitan ko.

"Don Xhydro" mahina kong pagtawag sa kanya ng makalapit ako dito. Agad akong nakatanggap ng sampal. Ganito ang ganap palagi sa tuwing sasalubong ako sa kanya.

Pangalan ko ang una niyang tatawagin, hindi para abutan ng pasalubong na kung ano kundi para salubungin ng sampal na kirot sa puso.

Pagod siya sa trabaho at halatang may problema sa kompanya. Sa akin ang sisi at ako ang taga salo ng galit niya. Kung pwede lang hilingin na baliktarin ang sitwasyon, hiling kong ang pagtawag niya sa pangalan ng kanyang bunso ay para akapin ito't magsilbi niyang pahinga. Kahit man lang akap na pasalubong, hindi isang naka ambang kamay o sampal, hindi sampal na matunog kundi matunog na halik sa pisngi.

"Wala ka talagang kwenta!" natauhan ako sa sigaw na iyon. Direkta akong tumitig sa mata niya ng sandaling sampalin niya ako, pilit na inilalakbay ang imahinasyon ko't inilalayo sa katotohanang ngayon na nararanasan ko.

Nagliliyab siya sa galit at wala akong matanaw tanaw na habag. Pinilit kong patatagin ang sarili sa harap niya at sa harap ng mga kapatid ko. Hindi ko ininda ang hapdi ng sampal niya at ang hapdi ng puso ko.

Halos araw araw itong nangyayari, ano pa nga bang bago sakin?

"Isa kang malas sa pamilya! Babagsak na ang negosyo namin tapos isasabay mo pa yang letseng kabulastugan mo sa pag aaral!"

"Wala naman kayong pake sa katarantaduhan ko kung hindi kayo nalulugi" Sabat ko sa kanya na agad namang nasuklian ng malutong na naman na sampal.

"Pinatay na lang sana kita!..Nagsama na lang sana kayo ng nanay mong mamatay!" halos manginig ito sa pag sigaw. Swerte na lang na malakas pa ito para atakihin sa puso.

Peke akong napangiti.

Wala talagang patas kapag tao.

"Sana mas nauna kang namatay sa kanya" buong tapang kong sagot habang nakangisi. "Wala ka rin namang kwentang tao" pagtutuloy ko.

Bumunot ito ng baril, agad itong ikinasa at itinutok sa akin. Napatingin ako kay Xhymeir na seryoso lang na nanonood.

Napailing iling ako't hindi makapaniwala sa ipinagkaloob sa akin na buhay.

"Shoot me" paghahamon ko, ngayon lang ako ginanahan sumagot at hindi na ito mauulit. Sasagarin ko na ang pasensyang alam kong matagal ng sagad at mas gugustuhin kong kawalaan ng buhay ko ang maging resulta.

"Gusto mo akong mawala kaya pakiusap iputok mo na lang" walang gana kong pagtutuloy.

Pagod na ako sa buhay ko, iniintay ko nalang ang araw ko at bahala na kung sino ang gagawa ng paraan para mabura ako sa mundo.

Pasasalamatan ko pa siya.

 UNSTOPPABLE Where stories live. Discover now