CHAPTER 3

70 11 0
                                    

Xhyry's POV

"Mekelangan kayo?" Tanong ng teacher habang papalapit ito sa amin.

Hindi ko alam. Muka kase kameng tangang nakatanga sa harap ng pintuan ng isang classroom.

Animo'y binabae ang gurong ito, halata sa tono ng pananalita at pagkilos.

"Magtatanong lang sana, Grade twelve - Section 13 ba'to?" tanong ni Azuke.

"Oo, nabasa nyo naman siguro yung nasa pinto, hindi ba, aberr?"

Tf.

"Sorry po, naninigurado lang po"

Himala matino syang mag-salita, at mukang natutong gumalang ng kahit papaano.

"Kayo ba ang bagong transferee na tinutukoy ni Mrs. Goddess?" Tanong nito, nung gurong binabae.

Naka-pamewang pa ang gaga.

Sakit balakang pose ghorl?

Tinanguhan lang ito ni Azuke, samantalang ako ay nanatiling tahimik lamang.

Gusto kong mag mukang misteryoso sa paningin ng lahat kahit panandalian lang.

"Ikaw ba si Mr. Taquiro?" Panibagong tanong ng binabaeng guro kay Azuke.

"Yess sir, pero may kulang"

Sagot nya, dahilan para maging mala-arko ang kilay ng kanyang kausap.

"Kung ako may kulang sa pag banggit ng pangalan mo, Ikaw naman, May mali sa pagtawag sa' kin" Animo'y nagtataray na bebot sa delikadong kalye ng Tondo.

"Anong mali sir?" May takang tanong ni Azuke.

Arghh, hindi ba pwedeng papasukin na kami kaagad at ng maka upo ako't makapag aral ng mabuti?

Ganon kase ako kabait, oo.

"Halata naman sigurong babae ako para tawagin mong Sir, aber" Sabi ng guro sabay paypay ng kulay pang bebot n'yang abaniko.

Kolay penk s' ya.

Napakamot sa batok ang batang si Azuke, at ngumiti sa kausap bago magsalita.

"Sige na lang" Nag aalanganin nitong sagot.

"Pwede na' ho bang pumasok? MAA'M!" Muling imik nito, na akala mo'y kasing tigas ng isang body builder ang pag banggit sa salitang Maa'm.

Sinadya nya yon para manamnam ng guro ang ganong salita, para wala na' rin sigurong masabi.

Simpleng tango lang ang isinagot ng guro.

Sa hindi ko malamang dahilan ay pilyo itong ngumisi sa kanyang kausap na para bang hindi ito guro sa porma ng kanyang ngisi.

"Sir may tanong ako" Saad nito habang nakangisi pa' rin.

"Ako rin may tanong ako" Sabi naman ng guro.

"Ano yon sir, hehe" Tanong ni Azuke.

Nababanas ako, ba' t ang tagal ng usap nila.

Bakas sa muka ng batang si Azuke ang pagka' excite sa kung ano mang tanong ang ibabato sa kanya.

Bata nga talaga.

"Takas mental kaba?"

Nag-sitawan ang mga estudyanteng nasa loob ng room.

Kahit na ako gusto ko ring matawa.

Pero gusto kong maging misteryoso.

Parang nalukot naman ang pagmumuka ni Azuke dahil sa narinig nya, ngunit mula sa mukang nalukot na muka ay ngumiti ito.

 UNSTOPPABLE Where stories live. Discover now