CHAPTER 4

48 11 0
                                    

Xhyry's POV

AYOKONG PUMASOK,  ayoko ng mag-aral!

"Ayoko na! Ayoko na! Ayokooo naaaaaaaaa!!!!!!" parang tanga kong sigaw habang nag uunat ng katawan

Bwisssettt!!!

Patay talaga ang lalaking yon sa akin!

Humanda sya!

Matitikman nya ang hagupit ng galit ko!

Sasamain sya! 

Kunot-noo akong pumasok sa banyo. Pumunta ako sa may salamin at tinignan ang repleksyon ng aking sarili sa salamin.

Arghhh shytt yung bangas ko!

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon ay naiinis ako, gusto kong kumatay ng demonyo.

Parang trip kong manakal ng manyak na lalaki na nagngangalang tressss!!!!

Ampanget panget ng tawag sa kanya.

Tres?

no sya yelo!?

tag tres

ganon?

Bumalik ako sa aking higaan at nahiga ule. Hinayaan ko ang aking sariling mahiga ng pabagsak sa kama.

Nagpagulong-gulong ako na parang timang at sa kasamaang palad ay nahulog ako.

Aray naman!

Bakit parang hanggang dito may malas na tres?

Bumangon ako mula sa pagkakahulog at nahiga ule.

Hindi na ako nagpagulong-gulong dahil nadala na ako.

Sana ikaw rin, pag nagmahal kang hindi ka nakatanggap ng pagmamahal pabalik, madala kana!

Sa tingin ko, naiinis ang buong sistema ko sa gagong yon. Parang alam ko nang kapag nasa paligid ang presensya niya sasamain ang buong araw ko.

Lalagnatin ang buhay ko at hindi na gagaling.

Sa tuwing naiisip ko ang ginawa nya kahapon. Parang gusto ko tuloy silaban sya ng buhay, tadtarin ang kanyang katawan at ipalamon sa tigre.

***

Papunta akong canteen ng may mapagtanto ako.

Bwiset!

Asan nga ba ang canteen?

Baguhan lang ako at walang kaalam alam kung nasaan ang lugar na pupuntahan ko.

So ano ng balak ko?

Bumalik sa punyemas na room na yon, tapos ano? Makipag basag ulo sa kinginang lalaking yon?

Ang lakas nyang maka-pikon! Sa totoo lang gusto ko syang ipadala sa impyerno. Para hindi ko na sya makita.

Kung pede lang. Kung pede lang talaga!

Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa pero wala ito. Naalala kong nasa bag ko ngapala iyon at naalala ko ring yung bag ko nasa room rin pala.

Bakit ba ang tanga ko?

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa kabobohan ko.

Bat ako umalis ng hindi dala ang bag ko?

Siguro simple lang ang sagot dyan, naiwan ko ang mga personal kong gamit dahil sa taglay kong kabobohan.

Wala akong choice kung hindi ang bumalik. Sana lang bumalik na si Azuke sa room kasama ang mga haliparotang mga kaklase namin, at sana lang din wala ang lalaking manyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 UNSTOPPABLE Where stories live. Discover now