TON II

91 4 0
                                    

SPRING's

Others may think that I am one of those bachelors who is born with a silver spoon but no, no. Lahat ng mayroon ako ngayon, lahat ito pinagsikapan namin ng pamilya ko. At a young age I learned how to play with life's challenges.

I grew up with a whole family but it's usually my mother na palagi kong kasama, Si papa kasi—siya ang palaging nadiskarte noon para sa pamilya namin kaya bihira ko siyang makasama.

"Hi ma!" Pagbati ko sa aking Ina na kasalukuyang kumakain ngayon sa hapag.

"Oh, andito ka pala? Akala ko doon ka umuwi sa condo mo?" Yeah. Itinataboy na talaga ako ni Mama.

Hindi ko na pinansin ang tanong niya at naupo na lamang sa bakanteng upuan para makakain na rin.

"Nako, anak! Paano ka ba naman magkakagirlfriend niyan kung palagi ka pa rin dito sa bahay? Try mo kaya minsan lumabas labas!"

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Sanay na ako sa nanay ko, kada umaga na lang ganiyan ang bungad niya sa akin. Minsan nga sinabihan pa ako niyan na, kahit huwag na daw ako mag asawa, kahit daw mag anak na lang ako para naman daw may apo na sila ni papa.

"Hmm si papa pala? Nakaalis na ba?" Tanong ko naman kay mama na hindi niya na rin nasagot dahil biglang sumulpot si papa galing sa kusina.

"Pa!" Bati ko sa kaniya.

"Oh, andito ka pala?" Natawa naman si Mama sa naging tanong ni Papa.

"Naku Hun, iyan din ang tanong ko sa kaniya kanina. Lagi na lang nandito sa bahay, ayaw lumabas..." Bigla naman napatingin sa akin si Mama. "...Pag ikaw naubusan ng babae diyan, bahala ka talaga."

Nabulunan naman ako dahil sa sinabi ni Mama. Minsan hindi ko alam kung biro pa ba o totoo na talagang gusto na nila ng apo.

"Ma, naman! Dadating din naman ako diyan, ngayon gusto ko muna mag-enjoy sa buhay. Magtatravel pa ko sa iba't ibang bansa."

Nabatukan naman ako ng nanay ko pero wala namang mali sa sinabi ko ah.

"Anak naman! Tsaka ka na magtravel travel na yan para namang di ka pa nakakapangibang bansa, eh halos libutin mo na nga ang mundo eh." Patutsada ni Mama.

"Tama ang mama mo anak, aba'y matanda na kami...gusto pa namin na makita ang apo namin sa iyo." Gatong pa ni papa.

"Eh paano tayo magkaka-apo, eh ni girlfriend nga walang pinapakilala itong anak mo na ito."

Napailing na lang ako sa hirit ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung gusto na ba nila ng apo o ayaw na lang talaga nila na nandito ako sa bahay. Sabagay, malapit na rin naman kasing mawala sa kalendaryo ang edad ko—pero, wala pa talaga eh.

"Ma, Pa. Una na po ako at baka rin po sa condo na ako umuwi mamaya." Pagpapaalam ko sa mga magulang ko.

"Mag-ingat! And please, huwag mo na kaming intindihin ng papa mo, kaya naman namin dito sa bahay." Pagpapaalala ni mama sa akin.

"Tama ang mama mo, anak! Live your own life, maghanap ka na ng babaeng makakasama mo sa buhay." Dagdag na suwestiyon pa ni papa.

"Nako talaga nga po! Join force pa kayong dalawa, hindi naman po ako nagmamadali at--at darating at darating din po ako diyan hindi pa nga lang sa ngayon. " Aniya ko bago tuluyang lumabas ng bahay namin.

Kung ang iba gustong gustong kumawala sa buhay na mayroon sila ngayon, ako naman tila ayoko na mawalay sa mga magulang ko. Siguro dahil hindi pa ako kuntento sa mga bagay na nagawa ko para sa kanila. Pakiramdam ko ay kulang pa ang sukli ko sa kanila kaya't hangga't maaari gusto ko na dito muna ako sa kanila, gusto kong kasama sila palagi. Sa ganitong paraan ko lang kasi alam para maipakita at maipadama sa kanila ang halaga nila.

That One NightWhere stories live. Discover now