Chapter 4

905 68 24
                                    


Edith

NAKAYUKO lang ako buong durasyon ng sermon sa'kin ni Aling Cora. Tinalo niya pa ang bunganga ni Linda sa bilis niyang magsalita at sa diin ng mga salita niya. Wala akong imik dahil alam kong kasalanan ko pero kung hindi makikipagbasag-ulo ako. Mali ako na nakatulog ako at walang nagawa. At maling mali dahil doon pa sa kwarto ni Ser Boltahe. Kahit na hindi namin siya tunay na amo ay iba pa rin ang level niya.

Jusko, ganda lang mataas na level sa'kin pero ang yaman ay yawa, dukha.

"Hindi ka ba nag-iisip sa mga ginagawa mo? Edith naman, ikaw ang pinakamasigasig na kasambahay dito at ngayon lang ito nangyari. Kahit na mabait ang mga amo natin ay matuto kang lumugar sa kung saan lang tayo nararapat," sermon niya.

Alam ko naman 'yon, sobrang puyat ko lang kaya nag-rest in peace muna ang beyote ko.

"Walang sinabi si Señorita no'ng makita niyang naglalaba si Sir Volt ng mga labahan na ipinakuha ko sa'yo pero hindi mo kinuha dahil natuloy ka. Nakakahiya, ang trabaho natin ay ginagawa na mismo ng amo dahil sa kapabayaan."

Mahigpit akong napahawak sa palda ko. Hindi ko alam na siya nalang ang naglaba ng mga labahan niya. Nakatulog ako sa paghihintay at natagalan na gumising dahil na rin sa magandang panaginip. Hindi ko naman na may dejavu pala talaga, kasi 'yong panaginip ko parang nangyari nga.

Napatakip ako sa bibig ko. 'Yong paghalik ba at pagkanta mangyayari din? Kumalma ulit ako nang mapagtanto na mas malabo pa sa paningin ni Aling Cora na mangyari 'yon.

"Ano, gusto mong sumagot? Sumagot ka," udyok niya sa'kin na nanlilisik ang mga mata.

"Kasi ho--"

"Aba, aba! At sumasagot ka nga," asik niya agad kaya kinagat ko nalang ang labi ko para hindi na makapagsalita. Hindi ko rin minsan masabayan ang amats niya, napakagulo rin minsan. "Ikaw na nga ang may kasalanan sumasagot ka pa. Harapin mo si Señorita kapag nagtanong siya kung bakit si Sir Volt ang naglaba. Kayong mga kabataan kayo, ang bibilis niyang madala sa emosyon kaya nagiging pabaya kayo sa mga kilos niyo. Hindi porket walang tao ang silid ay may karapatan ka nang humiga at matulog."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi ko dinidibdib ang mga sinasabi niya dahil alam kong tama siya. Mas magiging maingat nalang ako sa susunod. At hindi magpapadala sa antok.

"Mas mabuti-- ay, kayo ho pala Sir Volt." Natigil si Aling Cora sa pagsermon sa'kin at yumuko patungo sa entrada ng kusina. Nakatalikod ako sa gawi nito, sinalakay ako ng nakakamatay na kaba. Biglang nanlamig ang palad ko.

Pinandilatan ako ni Aling Cora. "Humingi ka ng paumanhin," gigil niyang bulong. Umiling ako pero mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

Mabilis akong humarap sa gawi ni Ser Boltahe at yumuko na halos mabali ang balakang ko. "Sorry ho talaga, Ser Boltahe. Hindi ko ho sinasadyang matulog sa kama niyo, ang sarap ko kasi este ang sarap ho kasing higaan sa sobrang lambot. Pangako ho hindi na mauulit," mabilis kong sabi habang napayuko pa rin. Paa niya lang ang nakikita ko.

"I don't mind," sagot niya.

Mabilis akong umiling. "Hindi ho, kasalanan ko ho talaga. Pangako mula ngayon ako na ho ang maglalaba ng mga labahan niyo habang narito kayo at sa tuwing dumadalaw kayo. Sorry ho talaga, sorry." Kulang nalang ay lumuhod ako sa kanya. Hindi siya sumagot kaya tuluyan akong lumuhod. Gumapang ako palapit sa paanan niya at yumakap sa tuhod niya. "Sorry ho talaga, 'wag niyo hong sabihin kay Señorita na tanggalin ako. Itong trabaho lang ho talaga ang inaasahan ko. Mahirap hong paniwalaan dahil sa sobrang ganda ko, pero ito lang po talaga ang trabahong tumanggap sa'kin."

Volt Castillion: His Painted Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon