Chapter 5

880 67 20
                                    

Edith

HALOS mapunit ang bibig ko sa sobrang pagngiti. Bakit, sinong hindi magiging masaya sa day-off? Maaga akong nagising kanina at agad na gumayak para gumala. Nagpadala ako ng sahod sa probinsya para sa pangkain ng mga magulang ko at budget ng kapatid ko koliheyo. Suot ko ang skert na bago at ang flower flower corset na paborito ko. Bago din ang sapatos ko dahil nakaluwag luwag ako.

Compident na compident akong umikot ikot at maglakad lakad mag-isa sa mall dahil sa awtpit ko. Hindi kami pareho ng day-off ni Linda kaya mag-isa lang ako ngayon. Nang mapagod ako ay umuwi din ako agad. Kailangan kong bumawi ng tulog dahil simula na naman ng trabaho bukas.

Patalon-talon akong pumasok sa quarters. Nagtaka ako kung bakit sinalubong ako ni Linda at para siyang sinisilaban sa pwet na nangingisay.

"Anong nangyari?" takang tanong ko.

Kumapit siya sa braso ko. "Napakaswerte mo talaga."

"No'ng bigyan ako ng Diyos ng magandang mukha alam kong swerte talaga ako."

"Iba 'yon, halika tignan mo." Hinila niya ako papunta sa kwarto ko. Halos mabali ang buto ko sa paghatak niya sa'kin. Isa-isa kong tinignan ang mga kasamahan namin na nagtitipon tipon sa harap ng kwarto ko. Halos tumirik ang mga mata nila sa pag-irap sa'kin.

"Nagpadala ng bagong foam na higaan mo si Senyora," sabi ni Linda at ipinakita sa'kin ang bagong kutson sa higaan ko. Umupo siya doon at pinalundag lundag ang puwet niya. "Parang bulak sa sobrang lambot."

Napatili ako at gumawa sa ginagawa niya. Sobrang lambot nga. Lumulubog ang pwet ko kapag umuupo.

"Talaga? Akin 'to? Bakit daw ako binilhan?" Tuwang-tuwa kong hinimas ang bago kong higaan.

"Hindi sinabi basta dumating nalang 'to tapos binuhat no'ng mga nag-deliver."

"Ang sosyal, para hindi dukha ang uupo," tili ko. Maganda ang dati naming higaan pero nananakit pa rin ang katawan ko kapag nagigising. "Meron din kayo? Patingin ako ng sa'yo."

Natigilan siya. Napasimangot. "Ang unfair nga, e. Ikaw lang ang meron."

"Ha?"

Tumigil siya sa paglundag ng pwet niya at inilapit ang mukha niya sa'kin. Amoy ko na naman ang mabaho niyang hininga.

"Feeling ko hindi kay Senyora galing ang bagong foam na 'to, kasi kung galing kay Senyora edi dapat lahat tayo meron pero ikaw lang ang binigyan."

Natigilan din ako. May poynt naman siya, bakit ako lang ang bibigyan? Kung may bibigyan si Senyora dito ng walang dahilan ay si Aling Cora 'yon dahil mayor doma siya at parang nanay na ang turing sa kanya ni Senorita.

"Hindi kaya galing kay Sir Volt?"

"Ha? Alam mo nandiyan na naman 'yang mga imahenasyon mo. Sasabunotan kita. Nag-usap na tayo na 'wag isali sa usapan ang pangalan na 'yan." Inirapan ko siya. Kahit kailangan talaga ang babaeng 'to palaging pantasya niya ang hinahalintulad sa totoong buhay. Bakit naman ako bibigyan ng bagong higaan ni Ser Boltahe?

"Bakit hindi mo tanungin?" udyok niya sa'kin.

"See? Kung hindi totoong nilalandi niya si Sir Volt bakit siya bibigyan ng bagong higaan?" dinig kong sabi ni Eyang sa labas, alam kong sinadya niyang iparinig sa'kin 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Volt Castillion: His Painted Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon