PROLOGUE

20.3K 589 48
                                    

Puro kamalasan nalang ang meron ako sa buhay ko una 'yung babaeng mahal ko na hindi ako tanggap, pangalawa 'yung nanay at tatay ko na hindi rin ako tanggap dahil ang tingin nila sa'kin abnormal, dahil meron akong kung ano ang meron sa mga lalaki.

Bakit hindi nalang ako naging lalaki siguro kung naging lalaki ako baka minahal na ako ng taong mahal ko at tanggap niya ako, tapos 'yung mga magulang ko at mga kapatid ko tingin nila sa'kin katulong lang sa bahay.

Ano bang kulang sa'kin ginawa ko naman lahat naging mabuting anak naman ako, hindi naman ako masamang tao pero tingin nila sa'kin isa akong malas sa buhay nila.

"Nat, alam kong slave mo lang ako at nasa rules natin ang bawal ma inlove, pasensya na kung minahal kita dahil hindi ka naman mahirap mahalin." Tumingin siya sa'kin na para akong may nakakahawang sakit sa paningin niya. Pinag patuloy ko ang pakikipag usap sa kaniya kahit diring diri na siyang tignan ako.

"kung ang gusto mo ay layuan kita gagawin ko ang gusto mo, at ito na din ang huli nating pag uusap alam ko naman magiging masaya ka kapag ginawa ko 'yun, ganon din ang pamilya ko alam kong mababawasan sila ng malas sa buhay nila kapag nawala ako sa bubay nila.

Ang gusto ko lang sabihin sa'yo mahal na mahal kita kahit alam natin na imposibleng mangyari na mahalin mo ako pabalik, dahil alam ko naman si enrico lang ang minahal mo simula una hanggang ngayon, sana tuparin ni enrico ang pinag usapan namin na alagaan ka at mamahalin ng walang pag aalinlangan"

Pag tapos ko bigkasin ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya ay tumalikod na ako bago ako tuluyan umalis tinignan ko siya sa huling pag kakataon at ng makita kong tumingin din siya ay ngumiti ako sa kaniya, para iparating na ok lang ako at tanggap ko na lahat.

Nilisan ko na 'yung lugar kung saan naka tayo ang unang babaeng minahal ko. Bigla naman bumuhos ang ulan mukhang sasabayan niya ang pag iyak ko.

Habang nag lalakad ako at bumubuhos ang ulan ay lumalabo na rin ang paningin ko, patawid na ako ng may sumalubong na sasakyan sa harap ko.

Para akong nabingi sa mga oras na 'yun at ang tanging binabanggit ko lang ay audri bago ko ipikit ang mga mata ko ay may lumapit sa'kin na mag asawa at sinabing "dyos ko po panginoon tulungan mo kami. Alfred bilisan mo ipasok mo na siya sa kotse." Sabi ng ginang "Oo hon ito na." ang sabi naman ng ginoo.

Bago pumikit ang mata ko ay binanggit ko ang katagang "T-tulungan n-niyo po ako." hirap na hirap kong bigkas.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon