CHAPTER 1

18K 422 94
                                    

Aeris PoV

First day of school ko ngayon at excited na ako pumasok, naka handa na ang mga gamit ko at nandito ako ngayon sa maliit na kwarto kung saan ako naka tira kasama ng mommy at daddy ko.

Hindi na ako kumain ng almusal, dahil alam ko naman na ayaw nila akong kasabay. Dahil pag kasabay ko daw sila kumain nawawalhan daw sila ng gana.

Lumabas na ako ng kwarto dala-dala ang aking bag at nadatnan ko sila na masayang kumakain ng almusal, at nag tatawanan.

Nakita nila ako na nakatingin sa kanila kaya bigla silang tumigil at tinignan na parang, sira nanaman ang araw nila dahil nakita nila ang pag mumukha ko.

Kaya umalis nalang ako dahil puro masasakit na salita lang naman ang sasabihin nila.

Naka labas na ako ng mansyon at nag lakad palabas ng subdivision namin at binati ng maganda umaga si manong guard.

Mababait sa'kin ang mga guard ng subdivision namin pati ang mga kasambahay sa bahay lalo na si manang elena, si manang elena ang tumayong nanay ko siya 'yung nandiyaan, kapag sinasaktan at pinag mumura ako ng aking mga magulang.

Si manang elena ang naging sandigan ko kapag umiiyak at nasasaktan ako para sa'kin siya ang masasabi kong mabuting ina. Bago ko ikwento ang aking buhay ay mag papakilala muna ako sa inyo.

Ako nga pala si Aeris Luise Pineda 20 years old, ang aking course ay business administration management, dahil gusto kong maging isang sikat na business woman sa bansang ito, gusto kong higitan kung ano ang meron ang magulang ko at nag babakasakaling maging proud at tanggapin nila ako bilang anak, at mahalin kung magiging isang sikat ako na business woman ay baka ipakilala din ako ng aking magulang sa buong mundo bilang, isang anak nila.

Alam kong magagawa ko 'yan balang araw sa ngayon mag titiis at mag aaral muna ako ng mabuti. Isa nga pala akong scholar sa university na pinapasukan ko which is Cansino University isang sikat na private school at puro anak ng mayayaman, artista, at politiko ang mga nag aaral doon.

Nag hihintay ako ng trycyle na masasakyan ko papuntang CU (Cansino University) at sakto nakita ko ang aking mga kaibigan na sila Hazel Anne Huxley at Aimee Gonzales anak sila ng mga business man sa bansa at mga kapatid na turing ko sa kanila ganon din sila sa'kin.

"Zel, Aimee." Tawag ko sa kanila at sakto naka ngiti sila habang papunta sila sa dereksyon ko at niyakap ko sila nang naka baba sila sa sasakyan nila.

"Good morning guys na miss ko kayo, kumusta ang bakasyon niyo?" Tanong ko sa kanila pagkatapos namin mag yakapan.

"Sobrang saya bes, ikaw musta kana?" Balik na tanong ni hazel.

"Ito ganon pa din nag tatrabaho ako sa isang fastfood restaurant, kailangan ko kumayod lalo na wala naman nag bibigay ng pangangailangan ko." Malungkot na nakatingin sa'kin sila Aimee at niyakap ako.

"Hanggang ngayon galit pa rin ba sila sa'yo? Anak ka naman nila kahit may hotdog ka sa ibaba." hinampas naman ni Hazel si Aimee, dahil sa sinabi niya at tinawanan lang siya ni Aimee, kaya natawa nalang din ako.

Thankful ako sa kanila dahil tanggap nila ako kahit hindi ako normal. Ang swerte ko sa kanila sa totoo lang sila at si manang elena lang tanggap ako kung anong meron sa'kin at kung sino ako.

"Pasok na tayo sige na mauna na kayo nag aantay pa ako ng trycyle." Sabi ko sa kanila at nag katinginan sila bago ako hilain ng walang paalam.

"Teka saglit bitawan niyo nga ako para kayong mga others." Tumigil sila at umirap ng sabay.

"Aba ang attitude ha pitikin ko kaya mga mata niyo." Tinawanan lang nila ako bago nag salita si Hazel. "Sumabay kana saamin, para maka tipid ka sa pamasahe. Mag kano din pamasahe." hindi naman ako pumalag at sumabay na ko sa kanila, dahil may point sila atleast kapag sumabay ako libre lang diba.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon