CHAPTER 2

10.4K 385 76
                                    

Nang matapos ang klase namin ay nag unat muna ako bago ayusin ang mga gamit ko, ganon din ang mga kaibigan ko dahil may next subject pa kami.

Pag tayo namin at palabas na sana kami ng room ng biglang may humawak sa balikat ko, at napatingin ako sa taong humawak sa balikat ko. Nagulat ako si Audri ang humawak saakin.

Kaya napa atras ako agad dahil naka ramdam ako ng kuryente, shet ano 'yun may cable ba siya ng kuryente at bigla nalang ako na kuryente.

Tumingin ako sa kaniya nakikita ko ang dark imaginary sa niya, nakakatakot jusko lord kayo na bahala saakin.

Napa urong ako ng bigla siyang umabante saakin at ng pader na ang nasa likuran ko ay kinabahan ako bigla ito na ba katapusan ko?

"A-anong gagawin mo miss audri?" Tanong ko sa kaniya at bigla rin napa hakbang 'yung dalawa kong kaibigan papunta saakin, pero hinarangan sila ng dalawang kaibigan ni Audri at sinabing wag makialam, kaya kinabahan ako ng sobra baka sampalin or sabunutan ako ng bruha na ito.

Napalunok ako ng makita ko ang dibdib niya, shet ang laki parang pakwan ang sarap- shet ano ba Ae umayos ka anong ang sarap. "Pervert" Nagulat ako ng biglang nag salita si Audri, kaya napatingin ako sa kaniya, nakita ko siyang naka smirk saakin kaya mas double 'yung kaba ko.

Inilapit ni Audri ang mukha niya sa gilid ko at bumulong ng "Your my slave now, dahil tinapunan mo ako ng juice." bigla naman akong nang lamig sa narinig ko sa kaniya at naka tulalang nakatingin sa kaniya habang palabas sila ng mga kaibigan niya, kaya naman para akong nanghina nung nawala na siya sa paningin ko at bigla akong nagulat nung hinawakan ako ng mga kaibigan ko.

"Ayos ka lang ba anong sinabi sayo ni audri?" Tanong ni Hazel kaya napatingin ako at umiling sa kaniya.

"Wala sabi lang niya na idiot daw ako." Sabi ko nalang, dahil ayaw kong sabihin sa kanila ang sinabi ni Audri.

Umalis na kami ng classroom dahil may isa pa kaming subject bago mag break.

Pag pasok namin nagulat ako dahil kaklase ko pa din sila Audri na naka ngisi saakin sabay kindat, kaya bigla akong kinabahan at namula tama ba 'yung nakita ko kinindatan niya ko or guni guni ko lang 'yun sabi ko sa isip ko.

Umupo na kami sa pinaka likod sa harap nila Audri, malas bakit ba lagi silang nasa harap namin. Tahimik lang kami hanggang dumating na second subject namin.

Natapos ang second subject namin kaya naman nag ayos na kami ng mga gamit namin at pupunta na kaming cafeteria, pero naalala ko wala pala akong pera sakto lang itong pera ko pang kain ko dahil nakakahiya din naman na kumain ako sa bahay, lalo na nandun ang pamilya ko kaya naman bumibili lang ako ng pagkain or minsan hinahatiran ako ni manang at patagong kumakain.

"Mauna na kayo hindi ako kakain sa library lang ako, busog din naman ako dahil kumain din ako bago umalis." Sabi ko sa kanila kaya nag katingin sila at tumango.

Umalis ako ng cafeteria at pumunta ng cr pag pasok ko ay dumeretso ako sa pinaka dulong cubicle, pag tapos ko umihi ay lumabas na ako at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko si Audri na nasa pinto, at inilock 'yun kinabahan ako bigla.

Kailan ba titigil ang isang 'to, natatakot na ako sa kaniya.

"T-teka anong gagawin mo, b-bakit mo inilock 'yung pinto?" Kanda utal-utal na sabi ko sa kaniya.

Ngumisi naman siya saakin at humakbang palapit saakin. "Iyong sinabi ko kanina magiging slave kita kabayaran sa pag tapon mo ng juice sa damit ko, alam mo bang mahal ang dress ko sa tingin mo ba mababayaran mo 'yung dress ko?" Dere deretsong sabi niya kaya naman kinabahan ako.

"T-teka miss Audri, hindi ko n-naman sinasadya 'y-yung pag tapon ng juice ko s-sa dress mo." Utal-utal na sabiko sa kaniya, kase totoo naman hindi ko sinasadya.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon