Chapter 3

13 1 0
                                    

“What the fuck?!” sigaw ni Iris na nagpaatras kay Ryko. “How the hell did you get here? Pa’no ka nakapasok sa bahay ko?!”

Wait, I’m in my house, right? Pasimple siyang luminga-linga sa paligid. Nang makumpirmang nasa bahay nga niya siya, matalim niyang tinitigan ang lalaki.

“I couldn’t possibly bring you here, didn’t I?” Nagsalubong ang kilay ni Iris nang ngumuso ang lalaki na para bang pinipigilan ang sariling ngumiti. His action was making Iris doubt herself. And before she could ask, nagsalita na ang lalaki.

“Tatawagin ko na ang Mommy mo—”

“You’ve met my mom?!” Her eyes were bulging.

Nakilala nito ang mommy niya? Ibig sabihin, kasama niya itong umuwi kagabi? Oh, gosh. But she doesn’t remember a thing! Ang tanging naaalala niya ay nakatulog siya sa mga bisig nito sa bar. After that, everything was hazy.

Dahil sa sinabi ni Iris, hindi na napigilan ni Ryko ang bumunghalit ng tawa. Iris frowned even more.

“What the fuck are you laughing at? Sino ka ba, ha? I don’t even know you.” Humalukipkip siya saka umirap. The truth was, she feels embarrassed. She had no idea how he’s here, standing in front of her but that doesn’t change the fact that he’s the man she kissed last night.

Ang lalaking hinalikan niya pero hindi niya alam ang pangalan.

Pero nunkang aaminin niya sa lalaki ang hiyang nararamdaman niya. She’ll die first before she admits it.

“Ako lang naman ang lalaking hinalikan mo kagabi.” Nalaglag ang panga ni Iris kasabay ng pamumula ng mukha niya. He smirked.

“Ang kapal ng mukha mo—!”

“Iris, ano ba ‘yan? Ang ingay-ingay mo.” It was her mother’s voice. She could also hear her steps nearing her room. Pinandilatan niya ang lalaki.

“Get out of here if you don’t want my mom to strangle you,” banta niya sa lalaki na mukhang hindi naapektuhan. Sa halip ay tuwid itong tumayo at humarap sa direksiyon kung saan niya narinig ang boses ng ina kapagkuwan bahagyang yumukod.

Oh shit, she found him!

Iris frantically laid on the bed, covered her whole body with a comforter, and pretended that she was still asleep. Bahala na ang lalaking nakatayo. Mas mabuti ngang ito ang gisahin kaysa siya.

Iris heard her mom’s footsteps but louder. That just means that she’s inside the room. It did not take long enough before she heard her mother’s warning voice.

“Iris,” nagbabantang turan ng ina. She slightly raised the comforter to peak, only to see her mother’s sandals on the floor. “Alam kong gising ka na. Bumangon ka riyan.”

Napalunok siya bago dahan-dahang inalis ang comforter sa pagkakatakip sa mukha niya. At nang magtama ang tingin nila ng ina, she smiled sheepishly.

“Hey, Mom.”

“Don’t “hey, Mom” me.” Tumaas ang kaliwang kilay nito. “Care to explain what happened last night, young lady?”

Bumuka ang bibig ni Iris ngunit walang salitang namutawi mula roon. Nagbaba siya ng tingin kapagkuwan dahan-dahang bumangon. Her mom sighed, making Iris look up. Pinamahayan ng kaba ang sistema niya nang makitang nakatingin ito sa direksiyon ng lalaki.

“Mom, I can explain—”

“Mabuti na lang at pinasundan kita kay Ryko. If it weren’t for him, ano na lang kaya ang mangyayari sa ‘yo roon? And why do you always have to go to that club every time we have an argument?” pangaral ni Ivory sa anak.

Bewitching DisasterWhere stories live. Discover now