Chapter 6

10 1 0
                                    

“You hag! Bakit mo ‘ko iniwan do’n, ha?!” sigaw kaagad ni Iris the moment Jasmine accepted her invite to a video call.

Jasmine laughed so hard seeing her friends’ expressions. Para itong bulkan na nag-aalburoto. She can even imagine Iris’ nose smoking her face reddening.

“Stop laughing, Jasmine! Hindi nakakatuwa!” Lalong nalukot ang mukha ni Iris nang hindi siya pakinggan ng kausap. Iris sighed in annoyance and leaned on her bed’s headboard.

Kagigising niya lang at ang tawagan si Jasmine ang unang pumasok sa isip niya. She was busy contemplating and thinking about the embarrassment that has happened yesterday so she forgot to call Jasmine to confront and scold her.

Tumaas ang kanan niyang kilay nang mapansing medyo humina na ang tawa ni Jasmine. She looked at her phone’s screen and saw Jas wiping the small tears she had in the corner of her eyes. Iris rolled her eyes.

“Oh, ano, okay ka na? You’re calm now?”

“Y-Yeah,” natatawang sagot ni Jasmine. Umismid si Iris.

“Nakakahiya naman sa ‘yo. Baka gusto mo pang tumawa?” she said sarcastically.

Jasmine waved her hand dismissively at the screen. “Sorry, naalala ko kasi ‘yung hitsura mo nu’ng binuhat ka ni Ryko. That scene was epic.”

Nagngising-aso siya. “‘Di naman halatang siyang-siya ka sa ginawa mo, ano? May I remind you, I was carried like a sack of rice!”

“Which was fun to watch,” Jasmine pointed out.

“How could you say that to me? I’m your friend! You shouldn’t bully me like that,” nakasimangot niyang ani.

“Iris, may I remind you, you always bully me as well. Did I ever complain?”

Naitikom ni Iris ang bibig sa sinabi ng kaibigan. She let out a sigh.

“Kasi naman ... How could you let Ryko carry me like that? Ni hindi mo man lang siya pinigilan.”

“Well, I know he’s just following Tita Ivory’s orders. Kung ‘di ko siya hinayaan, siya naman ang mapapagalitan. Ginagawa lang naman nu’ng tao ang trabaho niya. Besides, you two looked cute yesterday. Para kayong mag-jowang may LQ.” Kinikilig na ngumiti si Jasmine.

“Ew! Are you hearing yourself? You’re shipping me with my mom’s driver?” Iris shivered in disgust.

“Come on, guwapo naman siya, ah?” Jasmine pouted.

“Still, he’s just a driver! Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao if he was linked to me. Saka, hindi siya pasok sa standards ko. He doesn’t even speak English! Para siyang makalumang tao.”

“Alam mo, ikaw...” Dinuro nito ang screen. “Ang aga-aga, ang judgemental mo.”

“Ikaw naman, ang aga-aga, panira ka ng araw,” she retaliated.

Jasmine pointed to her face. “Girl, this face? This gorgeously fresh face, panira ng araw? Excuse me?” Napailing si Jasmine nang umirap ulit si Iris. Her face turned serious. “Why’d you call, by the way? I’m sure you won’t call me just because gusto mo ‘kong tarayan,” she said as she looked focused on something. Then, Iris heard a clicking sound.

“Nah, I just wanted to ask why you abandoned me yesterday, that’s all.” Naghikab siya. “Pasalamat ka nga, eh. Ikaw ang una kong tinawagan pagkagising na pagkagising ko.”

Jas chuckled. “Kagigising mo lang? Iris, ten thirty-two na. You should be working by now.”

“Anong trabaho? Wala naman akong trabaho.” Humalukipkip siya.

Bewitching DisasterWhere stories live. Discover now