Chapter 8

17 1 0
                                    

“Iris, tahan na, please?”

“It’s that Aubrey’s fault. Silang dalawa ni Ryko,” Iris mumbled as she focused on the road with her arms crossed. Saglit na napalingon si Jasmine sa kaniya.

“Paano naman nadamay ang driver ng mommy mo?” tanong ni Jasmine.

“Sinira niya ang plano ko.”

Jasmine’s brows furrowed. “I don’t get you, Iris. Paano naging kasalanan ni Ryko ang nangyari gayong tumulong lang naman siyang pigilan ka? Hindi ba dapat magpasalamat ka pa sa kaniya dahil kung hindi ka niya pinigilan, baka mas malala pa ang magawa mo kay Aubrey.”

“Oh, eh, ano naman kung malala? Dapat lang sa kaniya ‘yon. Siya ang dapat magpasalamat kay Ryko. If it weren’t for him, literal na dila lang ang walang latay sa kaniya.”

“I still don’t get why it’s his fault...” Jasmine trailed.

Inis na nilingon ni Iris ang kaibigan. “Basta kasalanan din niya, okay? Argh!” Ginulo niya ang sariling buhok. “Kasalanan niya, kasalanan ni Aubrey — kasalanan nilang lahat kung bakit nangyari ‘to,” paninisi niya sa lahat.

Tama naman siya, eh. Kung hindi sinimulan ni Aubrey, hindi siya gaganti. Kung hindi maging bida-bida ang driver na ‘yon, hindi siya pagagalitan ng mommy niya sa harapan nito.

This is all their fault.

Masyadong abala si Iris sa paninisi ng ibang tao sa isip niya na hindi niya namalayan na itinigil na pala ni Jasmine ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Iris, are you hearing yourself?” Hinarap siya nito. “Alam mo ba kung gaano ka-immature ‘yang pinagsasasabi mo?”

“I’m not being immature. I’m just stating facts—”

“No, you're not. Naghahanap ka lang ng masisisi sa ginawa mo,” pagtatama ni Jasmine sa kaibigan. “I know Aubrey has a fault so ayos lang na sisihin mo siya pero si Ryko? Girl, tumulong lang‘yung tao. Dapat nga magpasalamat ka kasi kung ‘di ka niya napigilan, malamang malala pa roon ang magagawa mo kay Aubrey. Baka mademanda ka pa. And good thing your mother settled it. Nasaktan mo si Aubrey — physically. And they have evidences, Iris. ‘Di mo man lang ba naisip na kaya si Tita Ivory ang kumausap kay Aubrey at sa manager niya ay para pigilan sila na sampahan ka ng kung anong kaso?” Jasmine finally gave her comment. Nang magkuwento kasi si Iris kanina, wala siyang sinabing kahit ano. She kept her mouth shut thinking that Iris still hasn’t calmed down.

“What are you implying? Na dapat pa akong magpasalamat? Ni hindi nga ako inintindi ng mommy ko.”

“Paano ka niya maiintindihan kung dinadaan mo lahat sa galit?” Jasmine retorted.

“Jas, you know my mom. Kahit gaano pa kahinahon ang pagpapaliwanag ko sa kaniya, if she doesn’t want to listen, she won’t!” Sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang nga daliri. “Gano’n siya ka-close-minded.”

“Kasi close-minded ka rin.” She clicked her tongue. “Ayaw mong i-admit na may kasalanan ka. Sinisisi mo ang ibang tao — kahit ‘yung walang kasalanan. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit galit na galit ka kay Ryko, eh. Dinadaan mo ang lahat sa pakikipag-away at pakikipagsagutan. Sa inaakto mo, sinong gugustuhin na pakinggan ka, Iris?”

Iris has no words. Ngayon lang niya narinig na magsalita ng ganoon si Jasmine. She was the type of friend that supports her all the way. So hearing Jas lecturing her, Iris had a thought that maybe this time, it is her fault.

Pero mas nanaig pa rin ang galit niya. Hindi niya pinakinggan ang isipan. She stood by her belief.

“If people want to understand me, they’ll give an effort to do so. Kung ayaw nila ... Fine by me. Hindi ko kailangan ng mga taong ayaw akong intindihin. So kung sawa ka ng umintindi, I'll understand,” sabi niya saka inalis ang seatbelt at binuksan ang pinto.

Bewitching DisasterWhere stories live. Discover now