Chapter 7

15 1 0
                                    

“Stay here. Kakausapin ko lang si Aubrey at ang manager niya.” Iyon ang utos sa kaniya ng ina nang makapasok sa opisina nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

It’s obvious that her mom’s livid but so is she. Hindi pa siya kuntento sa nagawa. She still craved to pull that woman’s hair until there’s nothing left in her head.

Pabagsak na naupo si Iris sa upuan sa tapat ng mesa ng ina. She crossed her legs and searched her pressed powder from her bag. Inayos niya ang buhok at mukha. Pati na rin ang nalukot niyang blouse ay inayos niya. She’s almost finished fixing her appearance when the door to her mother’s office opened. Thinking that it was her mom, Iris took a deep breath and exhaled, before turning to the door.

Kaagad na nawala ang lahat ng emosyon sa mukha niya nang makita si Ryko na pumasok. Seriously, this man did nothing but to annoy her and ruin her days. And she’s sure that it will not take him long enough before he ruins her entire life.

Driver lang naman ito pero bakit ang mapapel niya? Bakit simula noong insidente sa bar ay lagi na lang itong nakikialam sa mga ikinikilos niya? Is he purposely doing this?

“You!” Dinuro niya ito. Iris stood up and met him halfway. “Bakit ba napaka-pakialamero mo, ha? What is your problem?” She slightly pushed his chest. Nagsalubong ang kilay ni Iris when she felt that it was her being pushed. His chest was freaking hard as rock, it’s like she’s pushing the wall!

Pero hindi siya nagpaapekto. She maintained her angry expression.

“Bakit ba pinapakialaman mo ako? After that scene at the bar, lagi ka na lang nakasunod sa ‘kin. Don’t tell me you’re hoping you could get something for me just because I kissed you?” She laughed mockingly. “Sorry, pero hindi ko type ang mga lalaking gaya mo.”

Ryko’s eyes glistened in amusement but it quickly disappeared. Buti na lang. Dahil kung nanatili ang emosyong iyon sa mga mata niya, Iris would definitely punch him.

“Hindi ako umaasa ng kahit ano mula sa ‘yo, Ma’am.” He emphasized the word “ma’am” to annoy her more. “Sadyang hindi lang ako mapalagay kapag nakakakita ng gulo kaya kung kaya kong umawat, gagawin ko. Nagkataon lang talaga na nitong mga nakaraang araw, ikaw ang dahilan ng gulo.”

“So you’re saying I’m a troublemaker?!” naiinis na saad ni Iris.

“Wala ho akong sinabi. Sa inyo galing ‘yan,” Ryko said playfully and smiled in amusement.

“Aba’t talagang—”

The door to the room opened.

Iris stood up straight at taas-noong naglakad pabalik sa kinauupuan niya na parang walang nangyari. Si Ryko naman ay tumikhim at namulsa habang naglalakad patungo sa isang gilid.

“Ryko,” pansin ni Ivory sa driver. “Good that you’re here.” Then, her eyes darted on Iris who’s sitting on the chair near her table. “Wala ka man lang bang sasabihin?”

“Hindi ba’t mas okay kung maiiwan tayong dalawa dito, Mom?” pagpaparinig niya habang pinanlalakihan ng mata si Ryko. But the bastard won’t even look at her. It was her mom who noticed what her words and actions were trying to say.

“Ryko will stay here.”

Hindi makapaniwalang napatitig si Iris sa ina. For real? Hahayaan nitong marinig ang sasabihin nito sa kaniya? Once again, hahayaan niyang may makarinig na pinapagalitan niya ang anak niya?

Napailing-iling si Iris. “Bakit pa nga ba ako nagulat,” she muttered under her breath.

Ivory, who heard what Iris said, shook her head and proceeded to her swivel chair. Pinakatitigan niya ang anak na halatang iniiwasan ang mga mata niya.

Bewitching DisasterWhere stories live. Discover now