CHAPTER 8

2.4K 144 40
                                    

Nandito kami ngayon sa isang restaurant dahil may meeting si Tigre, Hindi ko nga alam ba't isinama niya ako dahil usually naman ay iniiwan niya lang ako sa office kasama ng mga paper works.

"I'll be straight to the point, Miss Villiamore. Papayag ako sa pagiging business partner mo kung papayag ka na mag pakasal dito sa anak ko" halos mabilaukan ako sa sariling laway dahil sa sinabi ni Mr. Navaro.

Napaka kapal naman ng ngala ngala niya.

"Don't be so full of yourself, Mr. Navaro. Hindi naman ang company namin ang kawalan kung hindi ka papayag na makipag cooperate sa usapan natin" Damang dama ang pagiging professional sa boses ni Miss Avigale, habang yung anak ni Mr. Navaro ay nananahimik lang sa isang tabi tulad ko.

Mukhang unggoy naman kasi yung anak ni Mr. Navaro ba't ipipilit niya kay Miss Avigale

"I already told your father about this contract, Miss Villiamore. At bago ko dalhin ito sayo ay sinigurado ko na wala kang kasintahan kaya wala tayong magiging problema" mapilit na sabi ni Mr. Navaro.

"Mukhang unggoy anak niyo ipa pares niyo kay Miss Avigale eh hindi naman siya si Dora" mahinang bulong ko sa tabi ni Tigre kaya naka tanggap ako ng masamang tingin mula sakaniya.

Narinig pala niya 'yon hehe.

"Don't be so sure about me being single, Mr. Navaro" hala may jowa siya?

"You're father told me you're single, Miss Villiamore" pagmamatigas nung tatay ni unggoy.

"See this woman beside me? This is my Girlfriend. So how can you be so sure that I'm single?" mataray na sabi niya kay Mr. Navaro.

At halos lumuwa ang mata ko nang ma realize ko ang sinabi niya.

Aangal na sana ako ng pandilatan niya ako ng mata para bang sinasabi na kapag nag salita ako ay sa hukay agad ang pupuntahan ko.

"Babae?! Unbelievable! For gods sake Miss Villiamore. Ipinapahiya mo ang angkan niyo kung isang babae na tulad mo ang papatulan mo!" kapal talaga ng ngala ngala eh yung anak nga niya mukhang pinag lihi sa sama ng loob. Tsk.

"Wag mo akong pag taasan ng boses, Mr. Navaro. Ikaw ang nakakahiya dahil sa pagiging desperado mo"

Laglag panga ko dahil sa sinabi ni Miss Avigale sa tatay ni unggoy.

Ohhh burn bitch!

"Makakarating ito sa Daddy mo! What's happening with young people now a days?! walang disiplina" nandidiring sabi ni Mr. Navaro.

"I don't need your opinion, Mr. Navaro" sabi niya at tumayo na.

"Let's go, Nyx" baling niya sa'kin at nag lakad na palabas ng resto.

Tinawag niya ako sa pangalan ko! Wow first time. Improving yarn.

"Ikaw Miss ha crush mo 'ko?" sabi ko sakaniya habang nag lalakad kami sa parking lot.

"In your dreams, Miss Montenegro" aniya at inikutan ako ng mata.

"Sus! Ang sabi mo palang kanina e girlfriend mo ako" sabi ko at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.

"Oh shut up will you?" ang sungit talaga, pag tripan ko nga muna.

Aktong papasok na siya sa kotse ng hilain ko ang braso niya at isandal siya sa pinto ng sasakyan.

"What do you think your doing?" malamig na sabi niya.

"Do you.. Like me Miss Villiamore?" seryosong tanong ko sakaniya habang nag pipigil ng tawa.

"Are you dumb? Ang kapal naman ng mukha mo" hala? Ok ouch.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya na halos isang pulgada nalang ang layo.

"I think.. I Like you Miss Villiamore.." sabi ko dahilan upang itulak niya ako ng malakas.

"You flirt!"

"What? Totoo naman ha HAHAHA i like you as my boss!" sabi ko at humagalpak ng tawa.

"Urghh- You're so annoying!" sabi niya at ibinato ang purse bag niya sa mukha ko.

"Aray ha! Grabi ata sama ng loob mo sa'kin Miss?" sabi ko habang hinihimas ang ilong ko na tinamaan nung bag niya.

"I hate you!" Sabi niya at sumakay na sa passenger seat.

"It's ok, Tiger" natatawang usal ko at sumakay na sa driver's seat.

The more you Hate the more you Love ika nga hehe.

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now