CHAPTER 10

2.6K 150 28
                                    

I'm wearing a white crop top na pinatungan ko ng jacket and a fitted shorts, On the way ako ngayon sa address na ibinigay sa'kin ni Miss Avigale dala ang black Suzuki GSX-R1000 ko.

Balak ko siyang dalhin for a night ride para ma enjoy niya ang tanawin. Nag dala din ako ng extra helmet dahil baka patayin ako ni Miss Celestine kung mapano ang kapatid niya.

Nasa tapat na ako ng address na sinabi ni Miss Avigale, isang malaking modernong bahay ang tumambad sa'kin.

Pipindutin ko na sana ang doorbell ng lumabas si Miss Celestine.

"Oh you're here" naka ngiting bungad niya sa'kin.

"Nasaan po si Miss Avigale?" tanong ko at bumaba ng motorbike.

"Hey Avi! Yung date mo nandito na" sigaw naman niya sa loob ng bahay nila.

"It's not a date, Ate" masungit na sambit naman ni Miss Avigale pagkalabas niya ng bahay.

She's wearing a shorts and a black crop top, simple but heck she's gorgeous!

"Are you gonna make me ride that?" masungit na baling niya sa'kin at itinuro ang motorbike ko.

Anong 'That' ka dyan?! Baby ko 'yan i Th-That That mo lang!?


"Yes! That's my motorbike, Bonnie" mayabang na pag papakikala ko sa motorbike ko.

"I'm not riding that" potangina, isa pang that nito siya sasakyan ko. Ay mali.

"Safe ka naman po kay Bonnie, Miss Avigale! Lalo na at ako ang nag dr drive" pag kumbinsi ko naman sakaniya.

"I'M NOT RIDING THAT" madiin na sambit niya.

Sa sobrang irita ay kinuha ko ang puting helmet na dinala ko para sa kaniya at isinuot sa ulo niya.

"Trust me, Miss Avigale. Hindi kita ipapahamak dahil baka patayin ako niyang Ate mo" sabi ko ang itinuro si Miss Celestine na tinatawanan nalang kami.

"Stop fighting love birds" pabirong sabi ni Miss Celestine.

"Oh stop your nonsense, Ate" pambabara naman sakaniya ni Miss Avigale.

"Tama na ang away dahil sayang ang oras, lumayas na kayo shupi!" pagtataboy sa amin ni Miss Celestine.

Ipinasuot ko muna kay Miss Avigale ang jacket na dala ko bago siya alalayang sumakay dahil sigurado ay lalamigin siya.

"H'wag mo na iuwi dito ang kapatid ko, bye bye ingattt" sigaw ni Miss Celestine bago kami maka alis.

"Miss, kumapit po kayo baka malaglag kayo dyan" baling ko kay Miss Avigale na naka angkas sa likod ko.

Naramdaman ko naman ang pag kapit niya sa tela ng sinusuot ko.

"Miss, yumakap ka hindi naman po sapat yung tela ng damit ko para hindi ka mahulog jan" natatawang baling ko ulit sakaniya.

Parang hindi naman siya nakikinig kaya ako na ang humila sa kamay niya upang ipalupot sa bewang ko, mukha naman siyang nabigla sa ginawa ko at nag aalangan pang higpitan ang kapit.

Binilisan ko ng kaunti ang takbo ng motorbike dahilan upang mapakapit siya ng mahigpit.

"Slow down dumb ass!" bulyaw niya sa'kin.

"Do you like pizza?" tanong ko sakaniya.

"I'm not a picky eater, Miss Montenegro"

Tinatawag nanaman niya ako sa surname ko, napangiti naman ako nang maalala ko kung paano niya ako tawagin sa pangalan ko nung isang araw.

Stupid Cupid [COMPLETED] Where stories live. Discover now