Chapter 5

1.7K 31 4
                                    

Huminga ako ng malalim ng makatuntong kami sa tarangkahan ng aming bahay.

Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ng aking anak. Sa totoo lang kinakabahan ako, maraming tumatakbo sa aking isip.

Tulad na lng ng paano kung galit sa akin si papa at mama. Dahil bigla na lang ako umalis ng walang paalam, bigla na lang akong mag lahong parang bula.

Naputol ang lahat ng aking iniisip ng tapikin ni kuya ang balikat ko. "Don't be nervous bunso. They're not mad at you."

Napatingin ako kay kuya at nginitian siya. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali at malalim ang aking iniisip.

Pinapasok na kami ng guard. Tatlong taon na ang nakalipas pero wala ni isang nag bago sa mansyon, kung ano ang hitsura nito nung huli kong nakita ay ganoon pa din ngayon.

Si mama ang bumungad sa amin ng makapasok kami sa loob ng kabahayan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila, naputol ang kung anong iniisip ko ng bigla akong yakapin ni mama

"Mama." naiiyak kong tawag sa kaniya at ginantihan siya ng yakap

"I'm sorry."

"Saan ka ba galing anak? Alam mo bang alalang alala kami sayo huh? Pati anc kuya mo ayaw sabihin sa amin kung nasaan ka."

"I'm sorry mama, I'm sorry."

"Shh. It's okay anak, naiintindihan ko kung bakit mo ginawa yun. Hindi kami galit sayo ng papa mo." wika ni mama ng bumitaw sa aming yakapan atsaka pinunasan ang luhang nag sibagsakan sa aking mata

Niyakap din ako ni papa at sinabi sa akin kung gaano siya sa akin nag alala.

Napangiti ako ng makita ko ang anak kong nakakandong sa lolo niya habang masayang nag kwentuhan kasama ang lola niya.

Tuwang tuwa siya kanina ng makilala niya ang dalawa, nag tatalon talon pa siya dahil sa sobrang tuwa. Niyakap din niya ang dalawa at sabay na hinalikan sa pisngi.

Bigla kong naisip si Heinz, kung siguro natutunan niya lang akong mahalin baka kompleto kami ngayon. Baka masaya kami ngayon, pero hindi naman niya kasalanan kung hindi niya ako natutunan mahalin.

Kamusta na kaya siya ngayon? Siguro masaya na siya kasama si Macey, siguro may pamilya na din sila ngayon.

After 3 years siya pa din pala, siya pa din pala ang mahal ko. Siya pa din pala ang nag papatibok ng puso ko, walang nag bago.

"Miss mo na?" napalingon ako sa biglang nag salita sa aking likudan

"Bakit di mo puntahan sa bahay niyo?" tanong pa niya

Si kuya ba talaga ang kaharap ko ngayon? O baka may nag kidnap kay kuya tapos pinalitan siya. Akala ko ba galit siya kay Heinz? Tapos ngayon papupuntahin niya ako sa dati naming bahay

"Kung miss mo na bakit hindi mo puntahan para naman hindi ka parang t*nga diyan."

"H-hindi ko siya miss." pag tanggi ko

Ngumisi siya sa akin atsaka nag salita. "Really? Pero tuwing gabi lagi mong hawak ang wedding picture niyo, tapos hahaplusin mo yung mukha niya hahalikan. Tapos sasabihan mo ng i miss you. Iyon ba ang hindi mo namiss." nang aasar na wika niya atsaka ako kinindatan

A-anong- papaaanong nalaman niya yun? Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha dahil sa kahihiyan, at dahil nasisiguro kong pulang pula na ang mukha ko ngayon.

Mas lalo akong nahiya ng marinig ko ang malakas na halakhak ni kuya, trip na trip niya talagang asarin ako lagi.

Tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa aking mukha atsaka sinamaan siya ng tingin. Hanggang sa balutin kami ng katahimikan.

"I think it's time para mag usap na kayo Khali, para kay Tristan. Hindi na bumabata si Tristan Khali kailangan niya si Heinz, kailangan niya ang daddy niya." basag niya sa katahimikan na bumabalot sa amin

Napatingin ako kay kuya ng wala sa oras, batid kong seryoso siya sa sinabi niya walang halong biro. Napalunok ako ng wala sa oras at pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano sa aking lalamunan. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni kuya.

Tama siya hindi na nga bumabata si Tristan, kailangan niya si Heinz, kailangan niya din ang daddy niya. Alam kong gustong mag tanong ni Tristan tungkol sa daddy niya pero hindi siya nag tatanong.

Pero papaano kapag nalaman niya na may anak kami, baka kunin niya si Tristan? Baka kunin niya ang anak ko hindi ko kayang mawala sa akin si Tristan, siya na lang ang mayroon ako. Papaano kung magalit siya dahil tinago ko ng tatlong taon si Tristan sa kaniya?

"Pag isipan mo Khali, oo galit ako kay Heinz pero kung para naman sa pamangkin ko yun kakalimutan ko yung galit na yun."

"Hahayaan mo bang lumaki siyang walang kinikilalang ama? Gusto mo bang mabully ang anak mo dahil wala siyang ama? Kung hindi mo na mahal si Heinz kahit para na lang kay Tristan gawin mo." wika niya at iniwan ako

          Kanina ko pa pinag mamasdan ang batang nakaupo sa aking harapan dito sa park. Kanina pa siya palingon lingon sa paligid na para bang may hinahanap.

Pinag mamasdan ko siyang maigi, we had the same eyes color. Bakit nakikita ko ang sarili ko sa batang ito nung 3 years old pa lang ako?

Parang tinatambol ang aking dibdib sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso ng mag tama ang aming paningin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siyang tumakbo palapit sa akin at tawagin akong daddy.

"Daddy, daddy, kalga." napaawang ang aking labi at para akong kinakapos sa pag hinga. May kung anong humaplos sa puso ko ng tawagin niya akong daddy

"Daddy,daddy kalga po. Kalga mo Tristan." wika niya at pilit na hinihiltak ang kamay ko

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at parang may kung anong kumurot sa aking puso ng makita ko ang ilang butil ng luhang pumatak sa mga mata niya. Ng hindi ko siya pinansin, dali dali ko iyong pinunasan at agad siyang binuhat.

Iniyakap niya ang maliliit niyang kamay sa aking leeg. "Kiddo asaan ang mga magulang mo? Bakit ka nag iisa dito sa park at wala kang kasama?" tanong ko

Humagikgik siya at bumulong sa akin. "Tinakasan ko po si mommy daddy para hanapin ka?" wika niya at muling humagikgik

"Kidd- naputol ang aking sasabihin ng bigla siyang mag pababa sa akin atsaka tumakbo palapit sa babaeng naka kulay itim ng t-shirt.

"Mommy." hiyaw niya at patakbong nilapitan ang babae

Mas lalong nagwala ang puso ko ng
unti unti kong naaninag ang mukha ng babaeng tinawag niyang mommy. Ang babaeng hinihintay ko sa loob ng tatlong taon, ang mahal kong asawa si Khali.

"Momma, i found daddy." wika niya ng nakangiti

Hiniltak niya palapit sa akin si Paris, at para akong nabato sa akin kinatatayuan ng mag angat siya ng tingin sa akin.

"Heinz."

"Paris."

A/N: at nag kita na nga po sila. Good evening sorry sa late ud

The Ceo Secret wife ( CEO SERIE 1 )Where stories live. Discover now