Chapter 9

1.5K 29 2
                                    

Nawala ang tingin ko sa aking laptop ng marinig ko ang tawa ng aking anak. Isinara ko ang aking laptop atsaka ko itinabi ang mga gamit ko.

Tumayo ako at walang ingay na nag lakad patungo sa pool kung nasaan masayang nag lalaro ang mag ama ko. Nag swimming sila kanina pag dating ni Heinz pero hindi nag tagal ang pag swimming nila, naisip naman nilang mag larong dalawang mag ama.

"Momma join us." yaya sa akin ng anak ko ng makita niyang nakasilip ako sa kanila

Lumapit ako papunta sa kanila at umupo sa tabi ni Tristan. "Are you happy?" i asked him

"Yes momma, i'm super duper happy." nakangiting wika niya

Nakangiting hinaplos haplos ko ang kaniyang buhok. Maliit akong ngumiti ng mag tama ang paningin namin ni Heinz . Nitong nakaraang linggo i was trying my best to avoid him, pero kahit ganoon ay palagi pa din siyang gumagawa ng paraan para pansinin ko siya.

Pansin ko din na he's trying his best na makabawi kay Tristan at sa akin. Palagi siyang pumupunta sa bahay namin kapag wala siyang trabaho o kapag may libreng oras siya.

"Baby ayaw mo pa bang matulog? It's already late na ohh."

Napanguso siya at nag papa cute na tumingin sa akin. "But momma i want to play more."

"Bukas ka naman mag play baby, kasi it's already late na ohh."

"But momma-"

"Tristan wag matigas ang ulo." napanguso siya at tumingin sa daddy niya

Napatingin din sa akin si Heinz at ng makita niyang matalim ang tingin ko sa kaniya ay napalunok siya. "Bukas na lang tayo mag play baby gabi na. Let's sleep na."

                           🌿🌹🌿

Tahimik kong pinag mamasdan ang mag ama kong mahimbing ng natutulog. Nakayapos si Tristan sa daddy niya, at si Heinz naman nakayakap kay Tristan.

Napailing ako at ngumiti. Tahimik akong pumasok ng banyo at nag hilamos. Sandali kong tinitigan ang sarili ko sa salamin, I heard the bathroom room door open and close. At naramdaman ko ang presensya niya.

Hindi ko siya pinansin, hindi ko siya tinapunan ng tingin kahit lingon ay hindi ko na inabala pa ang sarili kong lingunin siya.

Mahigpit akong napahawak sa lababo ng maramdaman ko ang hininga niya sa may bandang leeg ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, wari bay gusto ng kumawala

"Mahal na mahal kita..." malambing na sabi niya at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko

"Papaano mong nasasabi sa aking mahal mo ko kung hanggang may kayo pa ni Macey?" matigas na tanong ko sa kaniya

"Tatlong taon na ang lumipas simula nung umalis ka, s-sa tatlong taon na yun wala na akong naging koneksyon pa kay Macey. W-wala na din akong balita sa kaniya."

"S-sa tatlong taon na yun wala akong naging ibang karelasyon, wala akong ibang minahal kundi ikaw. I spent my time drinking alcohol, dinukduk ko yung sarili ko sa trabaho para kahit papaano hindi kita maaalala. S-sa tatlong taon na lumipas wala akong ibang inisip kundi kailan kaya kita ulit makikita, kailan ka kaya babalik ng bansa." ramdam kong unti unting nababasa ang leeg ko, ramdam ko din ang pag alog ng balikat niya

Dinig ko din ang mahihinang hikbi niya na kahit anong pigil niya ay pilit na kumakawala sa bibig niya. Hindi ako makapag salita, hindi ko din naman alam kung anong isasagot ko sa kaniya.

"Mahal na mahal kita, mahal na mahal. Kayong dalawa ni Tristan. K-kaya pakiusap hayaan mo kong mahalin ka. Hindi ko hihilingin sayo na mahalin mo ulit ako, hayaan mo lang ako na mahalin ka."

"B-bago ka umalis noon sasabihin ko na sana sayo na i-ikaw na yung mahal ko, a-at hindi na si Macey. K-kaya lang paggising ko kinaumagahan wala ka na sa tabi ko, umalis ka na ng bahay. Pumunta ako kay  Cath nag babakasakaling baka may alam siya, pero huli na ako dahil nakaalis ka na ng bansa."

"Sinubukan kong hanapin ka, hinalughog ko yung buong Pilipinas mahanap ka lang. Pero pakiramdam ko may humaharang sa pag papahanap ko sayo ehh."

Hindi ko na din napigil ang luhang pumatak sa mga mata ko dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Walang duda mahal nga niya talaga ako, parang bigla na lang nawala ang pag dududang mayroon ako sa puso ko.

Tinanggal ko ang pag kakayakap niya sa akin pero ibinabalik niya lang yun ulit. Humarap ako sa kaniya at laking gulat ko ng bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko.

"A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko at minsan ay may mahihinang hikbi pang kumakawala sa bibig ko

"Kung kinakailangang lumuhod ako sa harap mo mapatawad mo lang ulit ako gagawin ko. Luluhod ako sa harap mo mapatawad at mahalin mo lang ulit ako, hindi ako mag sasawang lumuhod at humingi sayo ng tawad araw araw." kinagat ko ang aking labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.

Hindi ko mapigilan na hindi kiligin. May munting hikbing kumawala sa aking mga labi, bago ako dahang dahang lumuhod para mapantayan siya. "T-tumayo ka na."

"Ayoko hindi ako tatayo."

"Tatayo ka o palalayasin kita? Pumili ka." pananakot ko sa kaniya

Mabilis siyang tumayo at hindi makatingin ng diretso sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya kaagad ko siyang sinugod ng yakap. Para siyang nanigas sa pag kakatayo at hindi nakagalaw, dahil sa ginawa kong pag yakap sa kaniya. Pero ilang minuto lang ay gumanti na din siya sa akin ng yakap.

"M-mahal din kita, m-mahal na mahal pa din kita." naiiyak na sabi ko at mas lalong hinigpitan ang pag kakayakap ko sa kaniya

"I love you too, so much." bulong din niya sa akin mas lalo niya akong niyakap at inilapit sa kaniya pag katapos ay atsaka niya hinalikan ng paulit ulit ang aking buhok.

"Wag mo na ulit akong iiwan. I love you. I love you. I love you. Kayong dalawa ni Tristan mahal na mahal ko kayong dalawa."

"Hindi na, hindi ka na namin ulit iiwan. Mahal ka din namin." natatawang wika ko at pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya

"Tama na huwag ka ng umiyak. Baka isipin nila niyan pinaiyak kita." natatawang ani ko kaya natawa din siya

Inaasahan kong yayakapin niya ulit ako pero imbes na yakapin niya ako ay sinalubong niya ako ng malalim na halik.

A/N: marupok for todays video. Paris niya patay na patay pa din kay Heinz

The Ceo Secret wife ( CEO SERIE 1 )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora