Chapter 6

1.7K 23 4
                                    

       Tila nabato ako sa aking kinatatayuan ng muli kong masilayan ang magandang mukha ng babaeng mahal ko. Hindi ko akalain na muling mag krus ang landas namin pag katapos ng tatlong taon.

"Heinz."

"Paris." sabay na sambit namin

Walang salitang namutawi sa aming dalawa. Hinihintay na mag salita ang isa sa amin, at basagin ang katahimikan na bumabalot sa amin.

"Momma, momma. Look ohh i found daddy na." masayang sambit ng bata

Napasinghap siya sa narinig at di alam kung anong isasagot sa sinabi ng anak. Muling napako ang tingin ko sa bata. Mag kamukhang mag kamukha kaming dalawa nung tatlong taon pa lamang ako

Napalunok siya ng makita niya akong nakatitig sa kaniya. Napansin ko ang pag kataranta sa kaniya, nag palipat lipat sa aming dalawa ng bata ang tingin niya

"Momma, aren't you happy because i already found my daddy na?" inosenteng tanong ng bata

Bigla siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ang aking hita, inosenteng tumingin siya sa akin. "Daddy hindi ka na po ba aalis? Hindi mo na po kami iiwan ni momma daddy?" he asked me innocently

Napalunok ako at tumingin kay Paris, nang hihingi ng tulong sa kung anong dapat kong isagot sa bata. Mariin siyang pumikit tila hindi din alam ang sasabihin tulad ko.

"B-baby pa-paano mo bang nalaman na siya ang daddy mo?" tanong niya at tumingin sa akin

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at tumikhim. "Tito Elijah told me that daddy Heinz is my daddy, he even gave me daddy's picture." he innocently said

My eyes widen because of what Tristan said. I can't believe it, i already had a son.

Napasinghap si Paris sa sinagot ng aming anak at hindi makapaniwalang tinignan ito. Labis na kasiyahan ang naramdaman ko sa mga oras na ito, at labis ding pag sisisi dahil wala ako nung mga panahon na kailangan niya ako

Napaluhod ako sa harapan ng anak namin, kaagad ko siyang kinabig at niyakap. Pag katapos ay naiiyak kong hinaplos ko ang matabang pisngi niya. "Baby, i'm sorry. Sorry kung wala ako sa tabi mo, promise ni daddy babawi ako hmm. Hindi na kita iiwan." wika ko at muli siyang niyakap

"Hindi ka na po aalis daddy?" umiling ako sa kaniya

"Hindi na baby, dito na lang si daddy sa tabi mo niyo ni momma mo. Hindi ko na kayo iiwan." i answered

Mag kahalong tuwa at lungkot ang aking naramdaman dahil hindi ko manlang siya nasilayan ng isinilang siya ni Paris, ni wala ako sa tabi niya nung nag bubuntis siya, mga cravings niya dapat ako ang bumili noon. Ni hindi ko manlang siya naalagaan noon dahil sa kaga*uhan ko.

Binuhat ko si Tristan at muling napatingin kay Paris na namumula ang mata na tulad ko ay umiiyak. Dalawa na lang ang kailangan kong kausapin iyon ay si Paris at ang pamilya niya.

       Tahimik akong nakamasid sa aking mag ama na ngayon ay masayang nag hahabulan dito sa park. Masaya ko na masaya ang anak ko. After 3 years ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.

Hindi pa kami nag uusap ni Heinz tungkol sa nalaman niya siguro ay mamaya na lang sa bahay pag uwi namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya, hindi ko din kasi inaasahan na muli kaming mag kikita.

Ni hindi ko nga alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon pag katapos ng nalaman niya. Ni hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil itinago ko sa kaniya ang anak namin.

"Momma, help! Daddy stop HAHAHAH." pigil niya sa daddy niya habang tumatawa

Hawak hawak kasi siya ng daddy niya atsaka siya kinikiliti. Natatawang pilit siyang kumawala sa ama niya at ng mag tagumpay ay agad siya tumakbo papunta sa akin.

Kinuha ko ang bimpong dala dala ko at pinunasan siya. "Ayan pawis na pawis ka na tuloy."

"Mommy si daddy din po punasan niyo yung pawis." wika ng anak ko pag katapos ko siyang punasan ng pawis

"H-huh a-ahh ano baby-"

"Please momma." nag papa cute na wika niya.

Wala na talo na ako. Napabuntong hininga ako at pinunasan ko din ang pawis ni Heinz.

Hinatid kami ni Heinz sa bahay at hanggang sa pag uwi ay hindi bumaba si Tristan sa ama niya. Nagulat pa sila kuya at papa ng makitang si Heinz ang nag hatid sa amin ni Tristan, pero hindi sila nag salita.

Sa bahay na din siya nag hapunan dahil ayaw talaga siyang paalisin ni Tristan. Naiintindihan ko si Tristan na gusto niyang makasama ang daddy niya dahil halos tatlong taon niya din itong hindi na kita.

"Sige na anak mag usap na kayong dalawa ni Heinz, kami ng bahala ng papa mo kay Tristan." wika ni mama at kinuha si Tristan

Iniwan kaming dalawa ni mama sa living room. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Napabuntong hininga si Heinz. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong niya

"W-wala." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ano bang dapat kong sabihin sa kaniya?

"I-i'm sorry." he said

Napatingin ako sa kaniya at agad ding napaiwas ng tingin ng mapansin kong titig na titig siya sa akin.

"I'm sorry kung wala ako nung pinag bubuntis mo ang anak natin, i'm sorry kung wala ako sa tabi mo nung pinanganak mo siya. I'm sorry kasi wala ako sa tabi mo nung mga panahon na kailangan mo ako."

"I'm sorry kung sinaktan kita." nakatitig lang ako sa kaniya habang nag sasalita.

Napasinghap ako ng malakas ng bigla siya tumayo sa kinauupuan niya at lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay ko bago nag salita. "Paris alam kong kahit sabihin ko ito sayo huli na, baka nga hindi ka pa maniwala ehh. Paris mahal kita, mahal na mahal kita. Please give me a chance, ayusin natin ito para kay Tristan."

Agad kong hinawakan ang kamay niya at pinatayo siya. "Hindi ka ba nagagalit kasi tinago ko sayo si Tristan ng tatlong taon?" i asked him

"W-wala akong karapatan na magalit sayo, kasalanan ko din naman ehh. Naiintindihan ko, naiintindihan kita."

"Heinz p-pwede bang maging magulang na lang tayo kay Tristan? Tatlong taon na ang nakalipas marami ng nag bago, hindi mo ba naisip na baka may iba na akong mahal. I give you chance to be a father sa anak natin."

"Marami ng nag bago pero hindi ang nararamdaman ko sayo." gusto kong isatinig pero hindi ko ginawa

"B-but- Gusto ko siyang mag karoon ng buo at masayang pamilya Paris. Ayoko siyang lumaki na yung tatay at nanay niya hiwalay, please naman ohh. You still love me pa naman di ba?"

"I'm sorry Heinz pero hanggang doon na lang ang maibibigay ko sayo. Let's just stay like this. Mag paka magulang na lang tayo para kay Tristan siguro maiintindihan niya din ang lahat pag laki niya."

"Pwede mo naman siya sa aking hiramin kung kailan mo gusto, pwede kayong mag bonding na mag ama. Hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay sayo Heinz."

Parang may pumiga sa puso ko ng makita ang ilang butil ng luha na pumatak sa kaniyang mga mata. Gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko at hilahin siya para yakapin, pero hindi ko ginawa.

The Ceo Secret wife ( CEO SERIE 1 )Where stories live. Discover now