PROLOGUE

11 3 4
                                    

“Yna Eloise Heroux, will you be my girlfriend?” tanong niya sa akin. Nasa beach kami, andoon din lahat ng friends namin na tumulong para sa proposal niya.

Ngumiti at naiyak naman ako sa saya, all this time ngayon ko lang naranasan ito, pinakita sa akin ng lalaking 'to kung ano ang halaga ko at minahal niya ako ng buong buo.

“Yes Matt,” masayang saad ko, isinuot niya sa gitnang daliri ko ang promise ring at niyakap ako.

“Pangako na mamahalin kita at liligawan araw araw hanggat sa makakaya ko,” saad niya at hinalikan naman ako sa noo.

Lahat din ng mga kaibigan namin ay masaya para sa amin.

“Bakit sa gitnang daliri mo sinuot ang singsing?” tanong ko habang nakatingin sa singsing na nasa daliri ko.

“Dahil ang isang 'to..” hinawakan niya ang palasingsingan na daliri ko.

“Engagement ring ang ilalagay ko riyan, syempre sa susunod na iyon dahil kakasagot mo lang naman sa akin. Masyado parin maaga para ikasal,” saad niya.

Ngumiti nalang ako at niyakap siya, masasabi kong swerte na ako na mayroon akong isang katulad niya.

MEANT TO MEET BUT NOT MEANT TO BEWhere stories live. Discover now