KABANATA IV

6 1 6
                                    

Kabanata IV

Mahigit tatlong taon na...tatlong taon na walang komunikasyon kay Matt ngunit hanggang ngayon ay umaasa at hinihintay ko parin siya bumalik.

“Anak kumain kana,” saad ni mama at inihain sa harap ko ang pagkain.

“Ayos na ba ang pakiramdam mo? Kumain ka nang kumain, kailangan mo magpakatatag. Sana kahit habang hinihintay mo si Matt na bumalik, sana ay inaalagaan mo rin ang sarili mo,” saad pa ni mama.

Isa si mama sa saksi kung gaano ako umiyak tuwing gabi, kung gaano ko tiniis ang sakit na nararamdaman ko.

“Miss na miss ko na siya ma,” naiiyak ko na naman na saad. Walang araw na hindi ko sinabi iyan kay mama, na miss na miss ko na si Matt.

Niyakap niya lang ako at pinapagaan ang loob ko, dinadamayan ako sa bawat sakit na nararamdaman ko.

“Yna, where are you?” tanong ni Tiffany sa kabilang linya.

“Nasa beach,” maikling sagot ko.

“Wait me there okay? Papunta na ako,” saad niya at pinatay na ang tawag. Nasa gazebo ako habang nakatingin sa dagat, medyo madilim na rin at malamig ang simoy ng hangin.

Sa loob ng three years lagi akong pumupunta rito, naglalakad nalang ako mag-isa sa dalampasigan habang inaalala ang memories namin ni Matt. Minsan ay inaabot na rin talaga ako ng hating gabi rito, kinakausap ang dagat o ang buwan kung kailan ba ulit kami magsasama ni Matt, kung may silbi pa ba itong paghihintay ko. Hinihiling ko rin na sana, kung nasaan man si Matt ay sana maayos ang kalagayan niya.

“Yna!” masayang salubong sa akin ni Tiffany, niyakap niya ako at may dala dala siyang supot.

“Umupo ka, kakain tayo!” excited na saad niya, umupo nalang ako roon at tinulungan siya ilabas ang mga pagkain na pinamili niya. May burger, fries at pizza.

“Naalala ko si Matt, huling anniversary na pala namin iyon nang magkasama,” malungkot na saad ko habang kumakain kami.

“3 years na nakalipas ah, hindi ka ba napapagod maghintay at umaasa ka parin ba na babalik pa siya?” tanong ni Tiffany.

Ngumiti ako at umiling. “Hindi ako mapapagod na hintayin siya, alam kong babalik parin siya at magkikita pa ulit kami. Siya lang 'yung lalaki na trinato at minahal ako ng sobra noon, sa kaniya ko nakuha 'yung pagmamahal na hindi kayang ibigay sa akin ng papa ko,”

“Hays, sabagay. Ilang taon din kayo. Sobrang ramdam ko 'yung pagmamahal n'yo sa isa't-isa noon, alam kong mahal na mahal ka ni Matt noon kaya hindi kita masisisi kung bakit hanggang ngayon ay hinihintay mo parin siya,” saad naman ni Tiffany

Tumango nalang ako at kumain na ulit.

Lakad tayo sa dalampasigan?” nakangiting saad ni Tiffany sa akin pagtapos namin kumain. Tumango nalang ako at nag hubad na kami ng sandals, bitbit lang namin ang sandals namin habang nakayapak na lumalakad sa dalampasigan.

Masaya ako dahil ginagawa lahat ni Tiff ang lahat mapasaya lang ako.

“Alam kong miss na miss mo na si Matt. Dati sinasamahan ka niya lumakad dito tuwing malungkot ka 'di ba, pero ngayon halos ikaw nalang mag-isa lumakad dito dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman mo. Kaya hayaan mong samahan kita ngayon,” nakangiting saad ni Tiffany. Tumutulo na naman ang luha ko, sobrang miss ko na talaga si Matt. Ngayon, siya na ang dahilan ng pagkalungkot ko kaya ako naglalakad sa dalampasigan.

Niyakap ako ni Tiffany nang makita niya ang mga luha na dumaragsa sa pisnge ko.  Pilit niya rin ako pinapatahan at pinapagaan ang loob ko.

Nagtungo ulit kami sa gazebo at umupo roon habang nakatingin lang sa dagat, tahimik lang kami parehas. Hindi niya ako ginagambala dahil alam niyang malalim ang iniisip ko.

Maya maya pa at may tumawag kay Tiffany.

“Hello Clarence,” saad niya sa cellphone niya habang nakatapat sa tenga niya.

“Sure ka ba riyan!?” halos pasigaw na tanong ni Tiffany, tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin habang nasa tenga parin ang cellphone.

“Sige sige,” huling saad ni Tiffany at binaba na ang cellphone niya. Tumingin siya sa akin na para bang may sasabihin.

“Si Matt..” saad niya, binaling ko lahat ng atensyon ko sa kaniya at hinintay ang susunod niyang sasabihin, ang bilis na ng tibok ng puso ko.

“Bumalik na si Matt dito sa pilipinas at gusto ka raw makausap bukas ng gabi,” saad ni Tiffany na nakapag-pahinto sa akin.

MEANT TO MEET BUT NOT MEANT TO BEWhere stories live. Discover now