EPILOGUE

7 3 7
                                    

Epilogue

Umuwi akong umiiyak sa bahay. Nakita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni mama. Hindi ko iyon pinansin at nag dire-diretsyo lang ako sa kwarto ko.

Dumapa ako roon at humagulgol. Akala ko matatapos na 'yung sakit na nararamdaman ko, akala ko magiging masaya na ulit ako kapag nagkita kami. Hindi pala, mas lalo lang akong nasaktan.

Katok nang katok si mama sa kwarto at tinatanong ako kung ano ang nangyari. Hindi ako sumasagot at patuloy na umiiyak lang hanggang sa makatulog.

***

“Yna, kamusta ano bang nanguari? Sabi ni tota sa akin na umuwi ka rang na umiiyak kagabi?” sunod sunod na tanong ni Tiffany.

Nakaupo lang ako sa sofa namin at nakatulala, ang sakit sakit na ng puso at mata ko sa kakaiyak.

“Do i deserve this kind of pain?” nakatulala kong tanong.

“No Yna, hindi mo deserve iyan at walang may deserve ng ganiyan,” sagot ni Tiffany.

“May mali ba sa akin? Nakakasawa ba akong mahalin?” tanong ko ulit habang tumutulo na naman ang mga luha sa pisnge ko.

Bumuntong hininga naman si mama bago magsalita. “Hindi ka nakakasawang mahalin anak, madali ka lang mahalin dahil napakabuti mong tao,”

Humagulgol na ako. Niyakap ako ni Tiffany at ni mama habang umiiyak din sila.

“Ang sakit sakit, ang tagal kong naghintay. Ang tagal ko siyang hinintay at hinanap pero kinalimutan niya na pala ako,” umiiyak na saad ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at huminahon na ako, pinakalma nila ako.

“Ngayon ang kasal nila,” saad ko. Napatingin lang sa akin si mama at Tiffany.

“Gusto kong pumunta tayo roon Tiffany, sa huling pagkakataon ay mamasdan ko lamang siya. Pangako, huli na 'to,” saad ko.

Una ay ayaw nila pumayag dahil gumagawa lang daw ako ng ikakasakit ko, sobrang sirang sira na ako ngayon. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko, may isasakit pa ba iyon?

Maya maya rin ay nakumbinsi ko na si Tiffany, tinanong niya kay Clarence kung saan gaganapin ang kasal nila Matt, hindi naman nag dalawang isip si Clarence na ibigay ang address.

Nag-ayos muna kaming dalawa ni Tiffany bago magtungo sa kasal.

Nagsisimula na ang kasal, pasimple lang kaming sumisilip ni Tiffany dahil ayaw namin na may makakita sa amin.

Tinignan ko si Matt, sobrang guwapo niya sa tuxedo na suot niya. Dapat ako ang kasama niya sa harap ng simbahan. Nangako siya sa akin na ako ang papakasalan niya.

Tinignan ko naman ang babae na mapapangasawa niya. Maputi at maganda ito, halatang halata na mayaman siya. Sa karangyaan ng buhay niya ay alam kong talo na ako.

Natapos na ang kasal nila at lumisan na kami roon ni Tiffany bago pa kami makita ng ibang tao.

Akala ko ako ang papakasalan niya.

Nasayang lang ba 'yung paghihintay at paghahanap ko sa kaniya?

Habang nangungulila ako sa kaniya, may minamahal na pala siyang iba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MEANT TO MEET BUT NOT MEANT TO BEWhere stories live. Discover now