KABANATA V

7 3 7
                                    

Kabanata V

Alam kong darating ang panahon na babalik si Matt at magkikita ulit kami. Sobrang saya ko, after three years ay makikita ko na ulit ang taong mahal ko.

“Ayos na ba ang mukha ko at suot ko?” tanong ko kay mama at Tiffany.

Nakadress ako na kulay blue at nakaligaw ang buhok ko, habang ang mukha ko naman ay nilagyan ni Tiffany nang light make up.

“Oo, sobrang ganda mo anak!” saad ni mama.

“Go bestie! Mag-ingat ka ha balitaan mo kami pag-uwi mo!” saad naman ni Tiffany.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at nagtungo na sa beach na paborito naming punatahan ni Matt.

Nakarating na ako sa beach, natanaw ko na si Matt na nasa gazebo at naka-harap lamang sa dagat.

Sa bawat pag hakbang ko'y rinig kong kumakabog ang puso ko.

Lumapit na ako sa kaniya ngunit ang tingin ko ay nasa dagat lang.

Gustong gusto ko na siya agad yakapin ngunit mas gusto ko muna marinig ang paliwanag niya kung bakit bigla siya lumisan.

“Oh hello! It's been a long time,” he said. I nodded and smile at him.

“It's been 3 years since we last talked,” i said, ramdam na ramdam ko ang nginig ng boses ko dahil sa kaba.

“You look more beautiful,” he said. Ngumiti lang ako sa kaniya bilang pasasalamat sa sinabi niya.

Tumahimik kami parehas habang nakatingin sa dagat at humahaplos sa amin ang malamig na simoy ng hangin. Wala na ganoong tao dahil madilim na.

“I'm sorry,” basag niya sa katahimikan.

Napatawad na kita noon pa,” saad ko, aaminin ko na medyo nagalit ako sa kaniya noon dahil sa ginawa niyang paglisan bigla ngunit mahal ko parin talaga siya kaya kahit ganoon ay nagawa ko parin siyang patawarin nang hindi naririnig ang sorry niya. Tumingin siya sa akin at tumingin din ako sa kaniya. Ang laki ng pinagbago niya, mas lalo siyang tumangkad at pumogi.

“Sorry dahil iniwan kita noon na walang pasabi,” saad niya. Nanggilid na ang mga luha sa mata ko at tila ba'y may bumara sa lalamunan ko.

Tatanggapin ko kung may galit ka parin sa akin, i know i had a mistake. Napakagago ko para iwanan kita nang walang pasabi,” saad pa niya.

“I told you, i have already forgiven you. But yeah, it's hurt. Nainis ako noon sa'yo dahil you've cause me so much pain,” saad ko at ramdam ko na ang mga luha ko na unti-onti bumabagsak.

“Through the three years, i always questioned myself. Kung ano ba 'yung mali sa akin, ano ba 'yung pagkukulang ko at may nagawa ba akong mali para iwanan mo ako ng walang pasabi?” tuloy tuloy na ang bagsak ng luha ko at nanginginig na ang boses ko.

“I'm sorry Yna, sorry sa lahat ng pain na idinulot ko sa buhay mo,” saad niya lang.

“Sa loob ng three years, hinintay kita. Umaasa na babalik ka pa, with all the pain you've done to me hindi parin kita kayang alisin sa buhay ko. I still love you, Matt. Kaya noong nalaman ko na umuwi kana rito sa pilipinas sobrang saya ko, dahil tatlong taon ako nangungulila sa'yo.” Patuloy na bumagsak ang mga luha ko habang tinitignan ko si Matt.

“Thank you for loving me, but Yna, you don't deserve me. You deserve someone better–”

“So why can't you be better for me?” pagputol ko sa kaniya.

Tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita.

“Can we try a-again, Matt? I can't let you go..” umiiyak na saad ko, tila ba'y nagmamakaawa na sa kaniya.

“It's too late. Ikakasal na ako Yna,” saad niya na ikinadurog ng puso ko.

“Habang nasa ibang bansa ako, may nahanap doon ang parents ko na ipapakasal sa akin. Doon nagsimula kaya hindi na ako nagparamdam, nag iba ako ng acc para maputol na ang koneksyon natin sa isa't-isa kasi alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo na ipapakasal ako sa ibang babae,” saad pa niya.

“Kahit hindi ko gusto wala akong magawa dahil itatakwil ako ng pamilya ko kapag hindi ko sila sinunod. Pero maniwala ka, ilang beses kita pinaglaban sa kanila, halos bugbugin na ako ni daddy dahil patuloy kong sinasabi na ikaw ang gusto ko pakasalan,” dugtong pa niya. Tahimik lang ako habang tumutulo parin ang mga luha ko. Bakit kasi hindi kami pantay ng pamumuhay, kung mayaman lang din sana ako edi naging ayos ako sa pamilya niya.

“Pero sa loob ng three years na lagi kong nakakasama iyong babae, napamahal na rin ako sa kaniya. Nakalimutan na kita, h-hindi na kita mahal Yna,” saad pa niya. Mas lalong sumakit ang puso ko.

“Ikakasal na kami bukas. Sorry Yna, but I'm happy to see you again, please be happy for me. Go, find the right man for you and forget about me, I caused you so much pain i don't deserve your love,” saad pa niya at nilisan ako.

“Alam mo ang daya mo. Ang unfair unfair mo, halos nag suffer ako sa loob ng three years. Hindi ako kumilala ng iba dahil patuloy kitang hinihintay, umaasa parin kasi ako na kapag balik mo e sa akin ka uuwi, pero hindi pala.” Umiiyak na saad ko.

“Akala ko iba ka sa lahat ng lalaki, sabi mo iba ka sa kanila. Nangako ka na hindi mo ako sasaktan Matt, nangako ka na hindi mo ako iiwan. Alam mo naman kung gaano ako nasaktan kay papa noon, pero katulad karin pala ng papa ko. Sinaktan mo lang ako,” saad ko pa, halos mahirapan na ako huminga dahil sa kakaiyak ko.

Wala siyang ibang nasabi kung hindi sorry lang. Hindi sapat ang sorry niya sa lahat ng hinanakit na natamo ko.

Nilisan na naman ako, nagdulot na naman siya ng sakit sa puso ko.

Sa tagal kong naghintay may nauna na pala.

MEANT TO MEET BUT NOT MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon