Bts during LICB

532 5 1
                                    

Point of View ng isang fan at kaibigan niya ng makita nila ang Donbelle during shooting ng Love is Colorblind.

"Sasha bilis! Andun sila sa may sidewalk naka upo", sigaw ko sa kaibigan ko na dali dali namang tumakbo sakin bitbit ang cellphone niya. Nabalitaan kasi namin na nandito yung cast ng LICB. Syempre dahil isang certified na chismosang bula ako, pinilit ko yung friend ko na samahan ako maging dispatch ng Donbelle.

"Sandali naman Lia!", sigaw niya sakin habang sinisilip namin sa mga dahon na tinaguan namin ang DonBelle. Ang dami pang lamok yung na pwestuhan namin pero carry na kasi eto ang pinakamalapit.

"Hala gaga ka! Bakit nagsusubuan ng pagkain?", patiling bulong ni Sasha sakin. Hinahampas ko naman siya kaya gulo gulo na yung nakukuha naming video.

Eh kasi naman nakaupo sila Belle at Donny sa sidewalk habang kumakain ng Lunch nila. Lunch break pa kasi nila, in fairness hindi maarte ang mga manok ko kahit gilid ng kalsada kayang kumain. So eto nga, iisang pinggan lang hawak ni Donny tapos si Belle naman kumukuha ng ulam barbecue. Tapos habang kausap ni Belle si Ate Keia, sinusubuan siya ni Donny.

"Ang sweet naman ni Donny, yung kutsara niya pa yung ginamit niya sa pagsubo kay Belle", sabi ko kay Sasha ng mahimasmasan kami sa kilig namin. Ang init init at kating kati pa kami sa pinag pwestuhan namin kaya panay kamot kaming dalawa.

"Tink, tubig please", rinig kong sabi ni Donny kay Belle. Nasa tabi kasi ni Belle yung tumbler ni Donny. Binuksan niya naman agad ito pero ng makita niyang hindi makakainum si Donny ng tubig kasi hawak hawak nito yung plato nila ay siya na lang mismo ang nag painum dito. Pagkatapos uminom ni Donny ay ininum naman ni Belle yung natitirang tubig sa tumbler.

"Shuta ka Lia anu yun?", bulong sakin ni Sasha habang niyuyugyug ako. "Sabi mo mag bestfriends lang sila, bakit may indirect kiss na nangyayari hah!", patuloy nito pero d ako makasagot kasi natulala na lang ako sa nasaksihan ko. Yun naman talaga akala ko e, as a fan never kong inisip na magjowa nga sila in real life pero syempre wish ko na sana nga. "Yun din akala ko Sasha, shutaca, paniguradong sabog na naman yung GDM sa twitter neto", bulong ko din sa katabi ko.

"Bes d na galawang mag bestfriend yan, may magbestfriend bang ganyan hah? Sagot!" sabi sakin ni Sasha "Gaga tumahimik ka dyan, merong ganyan na mag bestfriend" pagtanggol ko. Kasi naman, hangga't walang sinasabi si Belle at Donny na galing sa kanila mismo, hanggang happy shipping lang ang mga bula. Ganun sila kamahal ng emperyo.

"Tink, busog ka na?" tanong ni Donny kay Belle habang sinisilip ang mukha neto.

"Yes Nato, pero may barbecue pa dito oh, ubusin mo na" sagot naman ni Belle. Nilapag ni Donny yung pinggan sa tabi niya kasi ubos naman na yung rice nila tsaka niya kinuha yung barbecue kay Belle at kinain eto.

"Bakit ang lambing nila mag usap sa isa't isa?" tanong ko kay Sasha na busy sa pag vivideo. "Aba ako pa yung tinanong mo eh parehas lang tayong nakiki chismiss dito" pabalang na sagot nito sakin, tutok na tutok siya ni hindi man lang ako nilingon.

"Tink" tawag ni Donny kay Belle habang hinihimas niya yung tiyan niya pero d siya nilingon ni Belle. "Tink, mahal! masakit tyan ko!" reklamo ni Donny kay Belle kaya lumingon agad si Belle.

"Tama ba yung narinig natin Bes?" naluluhang tanong ni Sasha sakin. Hindi agad ako nakasagot kasi naman nag loading yung utak ko dun. OH MY GOD! DID HE JUST CALLED BELLE MAHAL? AS IN LOVE? waaaaaaaa. My heart! My donbelle heart is racing so fast I think I'm going to faint. "Huy bes, kalma hinga muna hindi ka pa pwedeng humimlay" natatawang sabi ni Sasha sakin ng lingunin nya ako. Nag salubong yung mata namin na parehong lumuha na. Mga ilang minuto pa ang lumipas na nakatitig lang kami sa isa't isa habang patuloy sa pagluha yung mga mata namin. Kanina pa naka alis sila Donny at Belle sa pinagpwestuhan nila pero andito parin kami ng kaibigan ko naka tago sa mga halaman habang umiiyak.

"Bes, Donbelle Endgame nga" iyon lang ang tanging nasabi ko sa kaibigan ko habang patuloy sa pagiyak kaya niyakap na lang namin ang isa't isa.

DonBelle: OneShot AuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon