Asap Rehearsals

439 6 1
                                    

(Belle is at her dressing room backstage preparing for another Asap segment doing a livestream on Kumu)

Belle: "...and it was so fun guys, Hi Michelle" bati nya sa isang fan. Nagbabasa kasi siya sa comment section. She is talking about something when suddenly biglang pumasok si Donny sa dressing room nya.

"Why? what happened?" tanong ni Belle nang makita nyang humahangos si Donny na sinara yung pinto habang tumatawa.

"I was hiding from Roby and Darren, Tink. They want to do another livestream with me." Kwento ni Donny sa kanya. Tumatawa pa ito habang sumisilip sa labas kung dumaan na ba sila Roby at Darren. "Ayaw ko nang sumama sa kanila sa livestream, baka madulas na naman ako"

Tumayo si Belle para lapitan si Donny sa may pintuan. Makiki silip din sya sa labas. Nakalimutan nyang naka livestream pa rin sya sa kumu.

chloe888999: luh? Hoy Belinda wag mo kaming iwan dito

iamdesireee: pambihira ka Donny minsan na nga lang mag live si Belle makikihati ka pa sa oras namin

justanotherbubbly: Donny magpakita ka samin

Nandoon silang dalawa nagsisiksikan sa may pintuan ng dressing room nya ng makita nila na papunta na sila Roby sa kanila.

"Waaa Isara mo yung pinto Nato, bilis" nagmamadali na utos ni Belle. Tawang tawa naman si Donny sa pinanggagawa nila.

"Eto na nga" Sagot ni Donny. Sinara nya na ng tuluyan yung pinto pero maya maya ay kumatok na sina Roby at Darren.

Nagtatawanan sila dahil takot na takot magpakita sa live si Donny at inaasar sya ni Kuya Robs. Nagkulitan pa sila sa may pintuan ng matagal bago umalis ang dalawang kaibigan nila. All of these happening while Belle's phone was still on live. Naririnig lang ng mga viewers yung sinasabi nila pero hindi sila nakikita sa camera.

"Ang kulit ni Roby" pagkwento ni Donny habang nakayakap kay Belle patalikod. "Anyways Tink, what time tayo matatapos rito?" tanong nya habang sinisiksik yung mukha sa leeg ni Belle. Ang bango talaga.

"Until 11pm pa ako Nato" sagot ni Belle habang sinusuklay yung buhok ni Donny gamit ang kamay nya "why? are you tired already?" humarap siya kay Donny para tanungin yun in a very soft voice.

"Yeah, I feel like my eyes are halfway close na" nakangusong sumbong ni Donny sa kanya. "You can sleep here Nato, babantayan kita" sabi nya sabay turo sa bed na nasa dressing room kung saan naka patong yung ibang gamit nya. "I'll wake you up na lang kapag mag rerehearse na tayo, early pa naman eh"

"Hmmmm okay, tabihan mo ko?" tanong ni Donny rito habang papunta sa kama. Hawak nya pa rin ang kamay ni Belle.

"You want me to?" tanong ni Belle sa kanya kaya tumango siya.

Nahiga na si Donny habang naka sandal naman si Belle sa headboard. Nakayakap siya kay Belle habang sinusuklay nito ang buhok nya. Ganito yung palaging ginagawa ni Belle para ma relax siya kapag sobrang pagod na niya. Ayaw nyang ginagalaw yung buhok nya pero kung si Belle syempre oo okay lang..

Nakikiramdam naman yung mga viewers sa livestream ni Belle. Nag aalala din yung mga bubblies na baka may marinig sila na hindi dapat marinig. Nagwawala na rin yung iba sa twitter dahil sa mga nangyayari.

Tuluyan ng nakatulog yung dalawa ng pumasok si Ate Keia sa dressing room ni Belle. Ngumiti pa ito bago ayusin yung pagkakahiga ni Belle kasi nakasandal ito sa headboard ng maliit na kama. Nagliligpit siya ng mga gamit ng biglang pumasok si Kuya Roby at Darren ulit. Pinatahimik nya ang mga ito kasi baka magising yung dalawa.

"Naka live pa rin si Belle sa kumu hanggang ngayon" sumbong ni Roby "Nakalimutan nya ata kasi kinukulit namin sila kanina dito" dugtong naman ni Darren.

Agad namang hinanap ni Ate Keia yung phone ni Belle at nang tingnan nya ito mahigit 2 hours na pala itong naiwan na naka live.

"Sorry guys kung nakalimutan na kayo ni Belinda" tawang tawa si Ate ng mabasa nya yung mga comments. "Anyways eend ko na to ha, nagpapahinga na si Belle ang dami pa nyang gagawin later" sabi ni Ate Keia pero bago nya pa ma end ay nahagip ng camera yung dalawa na natutulog.

Nakayakap si Donny kay Belle na parang ito pa yung mas maliit sa kanilang dalawa. Sobrang dali lang na nahagip sila pero nagwawala na yung mga bubblies. Okay na yun sa kanila atleast alam nilang magkasama ang pinakamamahal nilang DonBelle.

DonBelle: OneShot AuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon