Chapter 18: It's Chain Time

1.9K 53 3
                                    

Xena's POV

Pagkatapos na ma e announce ung emcee na nanalo sina Kash at South ay inabangan agad namin sila sa backstage.

Akmang tatakbo si Kash sa gawi namin ng pinosasan sila ni Harry na biglang sumulpot mula kung saan.

At imbes na magalit jusko halos lumuhod siya sa harap ni Harry sa pagpapasalamat kulang na lng sambahin niya si Samonte.

" Kyyaahh ! Tangalin mo to letse ka !" Napalingon ako kay Yami dahil sa lakas ng sigaw niya na halos lumabas lahat ng mga ugat sa leeg niya. Samantalang nakangisi lng si Rush. Pinosasan rin pala sila ng kasama ni Harry.

Ba't kaya sila pinoposasan baka naman mga ex convict sila ? Pero di naman sila mga mukhang exconvict except kay Rush na mukhang rapist. Hihi

" Laahhh Xie ! Ba't pati ako napasama rito ?" nagpout pa si Third sa harap ni Harry na halos patayin naman ni Chris sa sama ng tingin niya.

Hindi kaya ! Emeghard ! Sinasabi ko na nga ba eh ! Kaya siguro nakikipag close si Chris kay Third para mapalapit siya kay Harry dahil type niya si Harry !

Tinignan ko ulit si Chris na masama pa rin ang tingin kay Harry. Baka nagseselos si Chris kay Third ? Naku sayang ang lahi ni Chris !

" Hi Xena !" bati ni Harry. Naku pagselosin ko kaya si Chris ? Hihi.

" Teka poposasan mo rin ako noh ? Naku alam ko yang plano mo Samonte hinding hindi mo ko maloloko noh ? Ako kaya ang pinakamatalino noong kinder ako !"

" Kung ayaw mo edi okay sila Cly na lng ang may libreng kendi !"

Anu raw ? Kendi ?

" Joke lng ! Cge posasan mo na kami ! Pero gusto ko lollipop na lng ang ibigay mo strawberry flavor yung lips ha ?"

" Enjoy your one hour of chain time chain lovers !" saka unti unti ng tumalikod si Harry.

Waahh ! Nasan na yung lollipop ko ?
Andaya naman eh !

" Lika na partner !" tawag pansin ni Cody. Oo nga pala partner na ang tawagan namin ni Cody.

" Eh ! Ang daya yung lollipop ko !" saka nagpout ako. Nakita ko naman na bigla siyang natulala namula pa ang mukha niya bago umiwas ng tingin sakin.

Eh ?

Tinignan ko ang likuran ko kung may tao nakita ko si Samonte na medyo malayo na samin.

My gash ! Hindi mo na talaga matukoy kung sino ang straight at hindi ! Naku tong baklang to sayang din ang lahi.

Di bale mabuti naman at madadagdagan ako ng mga sisterets ko. Hihi

" Tara ?"

" Okidoki !" masayang sabi ko. Lahat ng booths na nadadaanan namin ay lagi naming hinihinto an ! Hihi.

" Xena dito ka lng okay ? Sandali lng ako bibili lng ako ng ice cold coffee !"

Paalam ni Cody.

" Aye aye captain !" saka nag salute pa ko sa kanya. Tumatawa pa siya bago umalis.

Kanina ko pa hinihintay si Cody pero wala pa rin siya. Aalis na sana ako ng may na hagip ang mata ko.

" Fissshhhyyy !"

Cody's POV

Sa wakas naka bili na din ako. Ang dami kasing nakapila kaya medyo natagalan ako. Binalikan ko ang lugar kung saan ko iniwan si Xena pero wala siya.

Nasan na kaya ang bulinggit na yun ?

" Fiiiiiissssssshhhhhhhhhyyyyyyyy !" napalingon ako kung saan nang gagaling ang boses na yun at nakita ko rin ang hinahanap ko. Biglang kumunot ang noo ko ng makitang pilit hinihila ng dalawang lalaki si Xena na nakayakap sa aquarium.

When Ms. Pasaway Turns To Ms. ColdWhere stories live. Discover now