Chapter 43: One Stone

1.1K 38 0
                                    


Crisis Israel Nixon's POV

"Okay, may nahuli na tayong isa. So ang next stop natin ay sa France?" tanong ko kay Mirahna habang nagda-drive siya papuntang airport.

"No, we will go in New York"

"Why? Si Styles the bomb expert ay nasa France"

"He's in New York"

"Bakit mo alam?"

"Ka text ko siya"

"Seriously?"

"No jokingly, he's in NY. Watch and learn cause I will hit three birds with one stone" sinulyapan niya pa ako saka nginisihan kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Yabang nito"

"May ipagyayabang naman" sinulyapan ko sa backseat si Daniels na kakagising lang.

Halatang nagulat pa ito ng makita ang sitwasyon niya, nakatali kasi ang buong katawan niya gamit ng kadena at may tape rin sa bibig nito. Sinamaan niya pa ng tingin si Mirahna ng magtagpo ang kanilang paningin pero tinaasan lang niya ito ng kilay at mabilis na inalis ang tape nito sa bibig.

"Saan niyo ko dadalhin?"

"Sa impyerno, pinapasundo ka na ni Satanas" maangas na sagot ni Mirahna.

"Pakawalan niyo ko"

"Anong akala mo samin bobo? Na kapag inutusan mo susunod agad?" inis niyang tanong at hinarap si Gershon. Napansin ko rin na tumigil na ang sasakyan sa harap mismo ng airport.

"Magpakabait ka dahil hawak ko ang buhay mo, dahil sa isang iglap lang baka mapaaga ka sa impyerno. Tss"

"Mirahna, nandito na tayo. How can we bring him in like that?"

"Ipasok mo sa maleta"

"What the fuck?!" sigaw ni Gershon pero hindi siya pinansin ng babae.

"Ang sabi ko ipasok sa maleta, as simple as that. Baka hindi mo alam? Well, una chopchopin mo, pangalawa chopchopin mo, pangatlo chopchopin mo, pang-apat ipasok mo. Ang dali di ba?"

"Your crazy woman"

"No I'm not. I'm just smart. So I'm giving you two choices to enter this fucking airport, will you choose the easy way or the other way around?"

"Fuck, okay fine.. Sasama na ako"

"Good choice, but If you change your mind the second choice will be more preferable to me" mapanuksong sabi ni Mirahna kay Gershon.

"Your heartless"

"That's my talent!"

Gershon's POV

Dahan dahan akong lumakad habang minamatyagan ang dalawang to sa likod ko. Kailangang makatakas ako sa kanila.

"Mirahna sandali lang ang sakit ng likod ko" dinig kong reklamo ni Crisis.

"Tss, weak! Give me that"

"Ha?"

"Bingi, akin na yan" sinamantala ko ang pagtatalo nilang dalawa at dali daling tumakbo ng walang lingunan.

Nagpaikot-ikot ako sa loob ng airport at nagpalinga linga sa paligid at tinignan ang bawat sulok upang masigurado na wala na talaga silang dalawa.

Kinuha ko ang cap sa ibabaw ng isa sa mga maleta at isinuot ito. Nakayuko akong lumakad sa loob ng airport hanggang sa makita ko ang exit. Wala na akong sinayang na panahon at agad na sumakay sa taxi na una kong nakita.

When Ms. Pasaway Turns To Ms. ColdWhere stories live. Discover now