CHAPTER 55

6.2K 123 3
                                    

Chapter 55: Somewhere

THEZA's POV

Deja vu.

When I opened my eyes, ang white room na naman ang bumungad sa akin. Ang pamilyar na bango ng hospital. At ang tunog ng heartbeat monitor ko.

Luminga-linga pa ako and I found Markus sleeping beside me. Katulad na lang nang dati na dinala niya ako sa hospital. Ang hilig talaga niyang tumabi sa akin. Pasalamat siya malaki ang hospital bed at tulog ako. Dahil nunkang hahayaan ko siyang matulog sa tabi ko. Ang suwerte naman niya, 'no?

Napangiwi ako nang makita ang braso niya sa baywang ko. Kaya naman pala ito mabigat.

Gamit ang kamay ko na may nakakabit na dextrose ay tinanggal ko ang oxygen mask ko at siya namang pagpasok ng kaibigan na doctor ni Markus. Si Dr. Dex.

"Gising ka na pala," nakangiting sabi nito at lumapit sa bed. Napakagaan ng aura niya.

Hindi man lang nagising ang katabi ko at hindi ako makakilos nang maayos. Nakayakap sa akin, eh.

"What happened?" Iyon agad ang tanong ko.

Inalala ko naman ang nangyari sa akin bago ako maidala sa hospital na ito.

Tinanggal ko na muna ang braso ni Markus at gumalaw naman siya kaya nagawa kong umupo sa bed. Umikot ang mga mata ko nang umunan na siya sa lap ko. Hindi talaga nagising. Tulog na tulog.

Narinig ko naman ang mahihinang tawa ni Dr. Dex kaya seryoso ko siyang tiningnan. Tumikhim pa siya bago ako sinuri.

"Napuyat 'yan sa pagbabantay sa 'yo kagabi, Ms. Theza," sabi nito sa akin. I raised a brow, "Takot na takot nang makita ang sitwasyon mo," dagdag pang usal niya. Walang namutawing salita ang lumabas sa bibig ko pero nakikinig naman ako sa kanya.

Sinumpong na naman ako ng sakit ko na tamad magsalita, "Hindi talaga 'yan umalis sa tabi mo," sabi pa niya na tinanguan ko lang.

Napansin niya siguro na wala akong balak na magsalita pa kaya nagsalin na lang siya ng tubig sa baso at ibinigay ito sa akin. Hindi ko naman iyon tinanggihan at kinuha na rin mula sa kamay niya.

"Uhm, Theza..." Muntik na akong masamid ng tubig nang magsalita si Markus at nagawa pa niyang haplusin ang kaliwang paa ko.

"Hay, Markus. Gumising ka na riyan," Dr. Dex said. Hinila pa niya ang paa ng kaibigan niya pero nanatiling nakapikit pa rin ito.

Pagod na pagod ba siya sa pagbabantay sa akin kagabi? Kaya hindi siya nagising agad?

Pagkatapos kong uminum ng tubig ay ibinalik ko sa kanya ang basong wala ng laman. Kinuha niya iyon at ibinalik na sa bedside table.

Hinaplos ko ang buhok ni Markus at napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Pumasok doon ang mga kapatid ni Markus. Except sa kapatid nilang babae, malamang wala sa mga oras na ito.

Lahat sila ay may kanya-kanyang dala na fruits and flowers. Oh, maliban na lang kay Markin na bata na naman ang dala niya.

"Hi! Gising na pala ang Queen Theza namin!" As usual, ganito talaga siya ka-hyper. Sino pa ba?

Si Engr. Miko S. Brilliantes 'yan.

Yumakap pa sa akin na ikinangiwi ko dahil hindi na ako makahinga sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin.

Umalis naman siya agad at si Mergus naman ang lumapit sa akin, "Okay ka na ba? Wala bang masakit sa 'yo?" tanong niya sa akin. I shook my head. Ngumiti lang siya sa akin at sumunod si Michael.

The Rude Queen's Heart (Brilliantes Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now