02

5.3K 178 44
                                    

BAGO pa mag alas-kwatro ng madaling-araw, gising na si Dawn. Sandali siyang nag-exercise bago siya pumasok sa banyo at naligo. At exactly four-thirty-five in the morning, nasa dining hall na siya kasama ang iba pang trainors para mag-almusal.

Nagtatakang palihim niyang sinuyod ng tingin ang buong dining hall, her eye brows furrowed when she realized that the Oberon siblings are not yet around. Nagkibit-balikat na lang siya saka nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos niya mag-almusal, nagpunta na siya sa training area na nakalaan para sa batch na ite-train niya. Using her digital wristwatch, inorasan niya ang pagdating ng mga trainees.

Tatlumpung segundo matapos pumatak ang alas singko ng umaga sa wristwatch na suot niya, tumatakbo na dumating ang magkapatid. They're late.

"Ma'am—"

"Give me fifty push ups!" matigas na utos ni Dawn sa magkapatid na Oberon. Her face remain stoic habang salitang tinignan sa mga mata ang magkapatid.

"But ma'am, we're only thirty-seconds late. Maybe if you can give us a—"

"Ex-lieutenant Abel Oberon, are you questioning my order?" malamig na tanong niya sa lalaki. Tandang-tanda pa niya ang pagkindat nito sa kanya sa dining hall kagabi, mas lalo tuloy nag-iinit ang ulo niya. Si Cain naman, as usual, nakatitig lang sa kanya but she can see his jaw clenching.

"No ma'am but—"

"Give me one hundred push-ups!"

"Ma'am—"

"One-fifty!"

Walang nagawa ang magkapatid na Oberon kundi sundin ang utos niya. Palihim na ngumisi si Dawn nang mag-umpisa ang mga ito mag push-up. Tumingin siya sa iba pang trainees na maayos na nakapila sa harap niya. "Remember, being an agent at Phoenix Private Eye also need a discipline. Lahat ng segundo, mahalaga lalo na kapag nasa misyon na kayo. Kung hindi niyo iyon kayang sundin, you're all free to back-out. Magpapatawag agad ako ng chopper para maihatid kayo sa Manila. Are we clear?"

"Yes ma'am!" sabay-sabay na sagot ng mga trainees.

Matapos mag-push-ups, pumunta na sa pila ang magkapatid. Nagsimula naman si Dawn na ipaliwanag ang unang activity nila para sa araw na 'yon saka nila iyon sinimulan. Simpleng work-out pa lang naman iyon na by partners.

"I'll give you fifteen minutes break." aniya nang matapos ang first activity nila. Natigil siya sa paglalakad nang humarang sa daraanan niya si Abel. Malawak ang pagkakangiti nito sa kanya. Lumitaw tuloy ang isang biloy nito sa kaliwa nitong pisngi.

"What is it, Oberon?" tanong ni Dawn na lalaki. Inilahad nito sa kanya ang isang bottled water.

"Peace offering ko po ma'am, sorry po kung na-late kami kanina ni Cain."

Tumango lang siya, hindi rin niya kinuha ang iniaabot nitong tubig. Lalagpasan na sana niya ang lalaki ng bigla ulit itong humarang sa daraanan niya. "Di na kayo galit samin, ma'am?"

Hindi na napigilan pa ni Dawn na mainis. Bakit ba ang kulit nito? "I'm not angry, now go. Don't waste your fifteen minutes break pestering me."

"But I'm willing to waste my time with you, ma'am," ito na mismo ang naglagay ng bottled water sa kamay niya, "Drink a lot, stay hydrated." dagdag pa nito sabay kindat sa kanya. Hindi naman siya makapaniwala habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Nang makalapit ito sa mga kasamahan nito, mukhang inulan pa ng ilang trainees si Abel ng tukso.

Nag-init ang mga pisngi niya nang mapansin na nakatingin pala sa kanya ang ilang trainees na nandoon, mukhang nakita ng mga ito ang ginawang panghaharang ni Abel sa kanya.

BeguileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon