07

5.7K 216 22
                                    

UMIYAK si Dawn, yes, pero sandali lang. Dahil siguro naisip niya agad na hindi niya deserve si Dennis, lalo na ang panloloko na ginawa sa kanya ng lalaki. Nasaktan ba siya? Yes. Sobra, dahil kahit naman papaano, minahal niya talaga si Dennis. She trusted him so much, she thought that he's a perfect man for her but she's wrong.

Ironic, because she's always one steps ahead from every situations that might happen to her, palagi siyang may plan B. Pero ng mga sandaling iyon, hindi man lang niya naramdaman na niloloko na siya ng nobyo niya, or maybe, maybe she had a hunch before but she's just indenial. And that moment, she felt like she's...lost and exhausted.

Naisip pa niya na ipagtapat at sabihin sana sa lalaki ang tungkol sa paghalik sa kanya ni Abel sa isla dahil sobrang nagi-guilty siya, gusto sana niyang humingi ng tawad sa dating nobyo pero mas malala pa pala ang ginawa nito behind her back. At isa pa, siguro hindi rin nila deserved ni Dennis ang isa't-isa, dahil parehas silang may inililihim at nagawang mali habang magkarelasyon pa sila. Ayaw naman niyang mag feeling righteous. She did something wrong too. Dennis, his infidelity, fxcking other women while her, kissing back to other man.

"Naku bessy, yan na nga ba ang sinasabi ko. Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha ng ex mo hindi talaga mapagkakatiwalaan eh. Fxckboy, di naman kagwapuhan." litanya ni Amber habang palakad lakad sa harap niya ang babae. Ikinuwento kasi niya dito ang nakita at nangyari sa condo ng ex niya.

"Amber..."

"Naku, naku, naku. Huwag mong bibigyan ng second chance yung hinayupak na 'yun ah? Sinasabi ko sayo Dawn!"

"Hindi na talaga 'noh, at isa pa, may nagawa din naman akong kasalanan behind his back."

Natigil sa paglalakad si Amber. Agad sumiksik ng upo sa tabi niya, "What is it?"

Dawn can't help but to roll her eyes, "Sa akin na lang yon."

"No! Hindi pwede Dawn! We're best friends! We promised to each other na wala tayong secrets sa-hmp!"

"Oo na! Oo na! Napakabungangera mo talagang babae ka!" ani Dawn sa kaibigan matapos niyang takpan ang bibig nito gamit ang kamay niya. Tinanggal din niya ang kamay sa bibig ni Amber nang tumahimik ito. She heave a deep sigh. Marahas siyang napalunok.

"Abel Oberon and I...we kissed."

Amber was stunned. Hindi agad nakapagsalita ang babae hanggang sa biglang nanlaki ang mga mata nito at impit na napatili.

"O to the M to the G bessy!" kinikilig na niyugyog pa siya ni Amber, "When? How? I mean-shuta! Kakilig! Share mo naman kung paano nangyari!"

"Too much information na yun pagsinabi ko pa sayo kung paano nangyari. Basta we kissed. That's it."

"Anubayan!" humalukipkip si Amber at nanunudyo siyang tinignan, "Pero sa tingin mo? May chance na ba si Mr. A Hottie?"

"Amber, hindi naman ganoon kadali yun 'noh, kakabreak pa lang namin ni Dennis. At isa pa, wala naman akong gusto kay Abel. We just kissed, hanggang dun lang 'yun." Her friend chuckled, tinaasan niya ang babae ng kilay, "What?"

"Ikaw naman kasi bes, you sound like you're convincing yourself. Pero sige na, hindi na kita kukulitin, mag beauty rest ka na at may party pa tayong pupuntahan mamaya. Tamang-tama, nag shopping ako kahapon, I bought a dress for you."

"Parang ayoko na magpunta mamaya. I just want to rest and sleep here."

"No! The new agents expecting us later. Naka-oo na tayo, nakakahiya kung hindi tayo pupunta. Balik muna ako sa unit ko, mag-beauty rest ka, okay?"

Napilitan si Dawn na tumango sa kaibigan. Matapos nitong makalabas ng unit niya, she called her siblings. Iniligpit na rin niya ang mga pinagkainan nila ni Amber. Matapos ang maikling kamustahan, ibinaba na rin niya ang tawag. Pumasok siya sa kwarto niya at natulog. Alas siete na ng gabi nang magising si Dawn. Bumalik ulit si Amber sa unit niya.

BeguileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon