09

6.3K 212 21
                                    

AGAD kinuha ni Dawn ang folder na inilapag ni Rogue sa harapan niya, naglalaman iyon ng mga important infos at files para sa next assignment slash mission niya. Magsasalita dapat siya para sana magtanong sa lalaki nang biglang bumukas ang pinto ng conference room kung nasaan sila, halos magsalubong ang mga kilay ni Dawn nang makita ang dalawang lalaki na pumasok. Si Cain ay nginisian siya habang si Abel naman ay nakangiti at parang bata na kumaway pa sa kanya.

She gritted her teeth nang maalala ang bawat nangyari sa pagitan nila ni Abel sa condo unit nito isang linggo na ang nakakalipas. Nang dumating kasi ang pina-laundry nitong damit niya, agad-agad siyang nagbihis. Nagpumilit pa nga ang lalaki na ihatid siya nito pauwi pero tumanggi siya. Pero sigurong sadyang makulit si Abel dahil sinundan pa talaga nito ang taxi na sinakyan niya pauwi.

Simula noon, halos araw-araw na pumupunta ang lalaki sa condo unit niya para dalhan siya ng bulaklak, chocolates, pagkain at kung anu-ano pa. Sinubukan niya pa itong pagtaguan dahil nakukulitan na siya pero ang napakagaling niyang best friend na si Amber, ipinagkakanulo lang siya.

"Oh! Cain and Abel Oberon, I'm glad that you're both here, pwede na tayo magsimula sa meeting para sa first mission niyo as Phoenix Private Eye agents. Have a seat." saad ni Rogue sa dalawang lalaki. Gulat namang napatingin si Dawn kay Rogue.

"Excuse me Sir, but what do you mean their first mission? I thought sa akin po naka-assign ang mission na'to?" nagtatakang tanong ni Dawn sa lalaki.

"Iyon na nga, sasabihin ko pa lang dapat sayo na makakasama mo silang dalawa sa assignment mo ngayon."

"What?!"

"Even if they're both former Navy SEALs, newbie pa lang sila dito sa Private Eye. They will be both under your supervision."

"But Sir-"

"That's an order, Miss Lane." seryosong saad ni Rogue.

Naikuyom na lang ni Dawn ang kamao nang makita ang pag-angat ng mga sulok ng labi ng magkapatid na Oberon mula sa peripheral vision niya. She heave a sigh, "Copy that, Sir." Their big boss just said the magic word, that means wala na talagang makakabali sa desisyon nito. Wala na rin siyang choice kundi pakisamahan sina Abel at Cain sa magiging misyon nila.

Ngumiti si Rogue sa kanila, "Good. Now, i-e explain ko na sa inyo ang magiging mission niyo." anang lalaki saka nito pinindot ang remote control ng projector.

• • •

"HEY, babe!"

Hindi pinansin ni Dawn si Abel at dire-diretso lang niyang inilagay ang mga bag na dala niya sa trunk ng sasakyan na gagamitin nila para sa kanilang misyon.

"Sungit naman ng girlfriend ko, time of the month ba?" dinig pa niyang saad ni Abel habang nakabuntot ito sa likod niya. Dinedma lang niya ang lalaki at pumasok sa backseat ng sasakyan. Sa passenger seat naman naupo si Abel.

"Girlfriend mo?" sarkastikong tanong ni Cain sa kapatid nito.

"Yeah dude, she's my girlfriend-"

"Let's go. Ayokong ma-traffic sa daan." she coldly said to Cain na nakaupo sa driver seat. Pupunta pa kasi sila sa airport, mula doon, sasakay naman sila ng private plane papunta sa lugar kung nasaan ang assignment nila. Bago pa siya kulitin ulit ni Abel, isinuot na niya ang bluetooth earphones niya, she played a music from her phone at kinuha ang folder na naglalaman ng mga infos ng mga taong assignment nila.

Tatlong tao iyon. Two politicians and a businessman. Humingi ng tulong sa agency nila ang government para kumuha ng concrete evidence na magpapatunay na sangkot sa production at pagbebenta ng mga ilegal na droga ang tatlong tao na iyon. It's too dangerous dahil hinihila pa na kaanib ang mga ito sa isang big time syndicate sa bansa, kaya hindi rin sila basta-basta nahuhuli ng mga pulis.

BeguileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon