10

9.1K 251 52
                                    

SI Abel ang nagpresinta na maging undercover stripper para sa unang target sa misyon nila. Hindi naman nahirapan si Abel na pumasok sa isang night club kung saan paboritong pumunta ng unang target nila. And of course, as part of disguise, ginawan nila si Cain ng fake identity.

"Aurora to Omega, what's your position? over." pasimpleng bulong ni Dawn habang papasok siya sa night club kung nasaan si Abel at ang target nila. Nasa suot niyang hikaw ang earpiece niya. Nagsuot din siya ng makapal na make-up para magmukha siyang mas matanda sa edad niya.

"Omega to Aurora, I'm on my way to the subject, she's five meters away from me, over." sagot naman ni Abel mula sa kabilang linya. Si Cain naman ay nasa van sa labas ng night club, ito ang nagmo monitor at look-out ng mga kaganapan sa loob at labas ng club gamit ang mga spy cam na palihim na nailagay ni Abel.

"Be careful. I'm at one o'clock position. Over."

"Copy that babe, over and out."

Pasimpleng inirapan ni Dawn si Abel na nakalapit na sa target nila. It looks like Abel successfuly caught the attention of their target. Naglakad si Dawn papunta sa bar counter ng club.

"Bloody Mary, please." anya sa bartender saka naupo paharap sa direksyon kung saan nakaupo si Abel at ang target nila. She saw how their target flirted with Abel. Halos idikit na nito ang katawan sa lalaki. Dawn gritted her teeth when she saw their target put her hands inside Abel's muscle shirt. May panaka-naka pa itong paghalik sa leeg ng binata habang humahagikgik.

Dapat matuwa siya dahil nahuhulog na sa patibong ang target nila, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, naiinis siya. Why she felt so...possessive and territorial when it comes to Abel?! Damn. Alam niyang hindi siya ganoon!

"Where the hell are you going?" mariin pero mahinang saad ni Dawn nang makitang tumayo si Abel habang nakaakbay sa target nila.

"Anong gagawin natin sa VIP room, sexy?" dinig ni Dawn na tanong ni Abel sa babaeng kasama nito. Maharot na humagikgik ang babae.

"Gusto kitang masolo. Pwede naman siguro diba?" sagot naman ng target nila sabay haplos sa sikmura ni Abel. Mabilis siyang sinulyapan ni Abel. Naglakad ang mga ito paakyat sa second floor ng club. Hindi na ininom ni Dawn ang in-order niyang inumin, matapos magbayad, lumabas na siya ng club. Dumiretso siya sa van kung saan naghihintay si Cain.

"May spy cam ba doon sa VIP room kung nasaan ngayon si Abel pati yung target?" tanong ni Dawn kay Cain matapos hubarin ang wig na suot.

"Yes. There," itinuon ni Dawn ang tingin sa monitor kung saan nakaturo si Cain. Halos maningkit ang mga mata ni Dawn nang makita kung paano paliguan ng halik ng target ang katawan ni Abel. Halos hindi na niya namalayan na sobrang diin na ng pagkakahawak niya sa pouch na dala.

"Jealous?" untag sa kanya ni Cain. Nahimigan niya ang panunukso sa boses nito. Nakangisi pa ang lalaki. Bumangon ang inis niya kay Cain. Why? Because he's freakin' right! Geez. Bakit ba kasi niya nararamdaman iyon?! Nasa gitna sila ng misyon, she need to be professional!

"Why would I?" pagtataray naman niya. Kumuha siya ng wet wipes at sinimulang tanggalin ang make-up na suot. Balewalang hinubad naman niya ang suot na dress at stockings na suot, nakasuot pa naman kasi siya ng strapless bra at panty shorts. She can feel Cain stares at her but she doesn't care. Kinuha niya ang baong spare na T-shirt at maong shorts saka iyon isinuot.

BeguileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon